top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 19, 2021



ree

Pasado kay Manila Mayor Isko Moreno sina Xian Lim at McCoy de Leon na gumanap bilang siya sa Yorme na idinirek ni Joven Tan under Saranggola Media Productions.


Si McCoy ang nagpo-portray ng teenager na Isko na nagsimulang pasukin ang showbiz at naging member ng youth-oriented show ni German Moreno na That's Entertainment, habang si Xian naman 'yung mature na Isko hanggang pasukin niya ang mundo ng pulitika.


"Oo, eh, pareho naman kaming mestisuhin," sagot ni Mayor Isko nu'ng kunin ang reaksiyon niya sa pagpili kina Xian at McCoy.


"Actually, hindi ako si Isko Moreno, ako si Isko Mestisuhin. Hahaha! Charot!" biro niya.


Nabalitaan namin from the producer of Yorme na si Miss Edith Fider na wala raw "ipina-edit" si Mayor Isko sa kuwento ng buhay niya na mapapanood sa pelikula.


"Wala. You can ask the… I trust the artistic value, talent of the writer, the team, and the director. And I trust them also to pick the character that will portray me. Wala silang…


"Eh, kasi, alam mo, galing din naman ako sa showbiz. I don't want to give hard time to the production. They have all the liberty in this film," pagkumpirma ni Mayor Isko nu'ng makausap namin siya sa set visit ng Yorme sa Bulwagang Antonio J. Villegas sa Manila City Hall last Thursday.


Nais lang daw niyang makita sa kanyang biopic ay ang transition to challenges na kinaharap niya sa buhay.


"Halimbawa, puwede bang naging artista ang isang basurero? Tapos, nabigyan ka ng pagkakataong mag-artista, puwede bang nag-excel 'yung from artista na walang talent? Tapos na nag-artista, hinone (read: hone) niya 'yung opportunity, ni-nurture niya 'yung opportunity, then, napansin. Napansin n'yo, actually, dahil kayo rin 'yung mga kasama ko noong araw. Napansin n'yo na posible pala. Then, making a name for himself with the help, of course, with the environment in showbiz. And uh, I think that's it."


Hindi rin daw natatakot si Mayor Isko na na-expose ang dark side ng buhay niya kabilang na ang napabalitang nalulong siya sa casino noon at ang pagpapa-sexy niya.


"Wala naman. Kasi, kahit naka-pose nang ganoon (sexy), nakita naman ng lahat. I mean, meron nga akong pose na naka-ganyan (nakatagilid na walang pang-itaas na suot). I'm not ashamed of these. Makikita ninyo ang buong katawan ko, except 'yung harapan ko. O, eh, that's for private use only, 'no?" biro pa ni Mayor Isko.


Pagpapatuloy niya, "But anything na ginawa ko sa showbiz, I'm happy I survived. Because portrayal of character there are challenging scenes and I'm happy when I do and give justice to a particular scene. And sometimes, it requires some extra ability and some guys to do it. So, that's why nakikita ninyo, in fact, ginamit laban sa akin 'yun nu'ng eleksiyon noong 2017. Naka-brief lang ako."


Nabanggit ni Major Isko ang yumaong well-loved talent manager ni Richard Gomez na si Douglas Quijano na siyang kumuha ng piktyur na naka-pose siya nang sexy sa pool.


"Yes, you know, wala namang maitatago sa akin. Bulatlat na katotohanan ang buhay ko. Wala namang pagkukubli. May ups and downs. May challenges, was made public. It's an open book. In fact, makikita ninyo 'yung pagpapatakbo ng gobyerno sa Maynila. Open book. You see our shortcomings. You see our little success and we do things and love to inform the general population on what's going on, what's happening in the city. So, na-apply ko rin ang mga lessons learned (ko) sa showbiz sa public service."


Tinanong namin ang producer ng pelikula kung may mga gagawin din bang pag-pose nang sexy sina Xian at McCoy sa Yorme gaya ng ikinukuwento ni Mayor Isko. But we found out na tinanggihan pala ni Xian ang ganitong eksena niya sa Yorme. Ayaw daw kasing magsuot ni Xian ng trunks.


Sa huli, nilinaw ni Mayor Isko na hindi isang political campaign ang Yorme.


"But at the end of the day, kausap ko 'yung producer, the artists behind it, the creative group, wala silang narinig. The mere fact na hindi ko pinakialaman 'yung everything, so, it will not serve my political purpose. Kaya ipinapauna ko sa inyo ang salita ko kanina na sana, kapulutan ng aral o leksiyon sa buhay. Because that's the purpose of a creative team," diin pa ni Mayor Isko.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 18, 2021



ree

Nagkita-kita sa unang pagkakataon ang mga bida sa Yorme movie na sina Xian Lim at McCoy de Leon with Manila Mayor Isko Moreno sa Bulwagang Antonio J. Villegas kahapon.


Never pa palang na-meet nang personal nina Xian at McCoy si Mayor Isko, not even sa shooting ng biopic ng aktor-politician. Kaya ganu'n na lang ka-excited ang dalawang aktor na gumanap bilang si Mayor Isko sa Yorme directed by Joven Tan.


Prior to mayor’s entrance sa Bulwagan ay ibinulgar ng producer ng Yorme na si Ms. Edith Fider ng Saranggola Media Productions na hindi tumanggap ng kahit singkong kabayaran si Mayor Isko para sa rights ng kanyang life story at talent fee sa movie.


“Yes, I don’t care. I always give my money to, alam mo kanina, tumitira ako ng Starbucks bago ako lumabas, 'noh? I have a Zoom meeting. As much as possible, may awa ang Diyos, kung makakatulong ang karakter ko by endorsing something, by doing something, and in return ang tulong na ‘to ay maitutulong ko sa kapwa ko."


Dahil sa magandang performance ni Mayor Isko sa Maynila, isa ang pangalan niya sa mga matunog na kakandidato sa pagka-pangulo sa 2022.


Tinanong ang Manila mayor tungkol dito at sinagot niya ang mga nagsasabi na hindi lang ang Maynila ang nangangailangan sa kanya kundi ang buong Pilipinas.


Natawa nang malakas si Mayor Isko bago nagsalita.


“Basta today, what we’re gonna do before October 1, before decisions will be made, you deserve better things from your government. I took an oath to serve the people of Manila and I will do so. In the next coming days, months and year for the people of Manila and the city of Manila. So, trabaho lang ako. Trabaho, trabaho, trabaho. Nothing more, nothing less."


As it is, tuluy-tuloy lang daw ang pagsisilbing gagawin niya hanggang sa 2022 at base sa mga sinabi sa amin ni Mayor Isko, may feeling lang kaming posible ngang tumakbo siya sa mas mataas na posisyon.


“And as I have told you minutes ago, bababa ako sa isang programa na pinagtiyagaan namin, na kinumbinse ko ang mga nasa ahensiya ng burokrasya ng lokal na pamahalaan to go into this technology, to serve the people with ease and fairness. At sa awa ng Diyos, ayan, titirahin namin ngayon.”


Kinuha namin ang reaksiyon ni Mayor Isko tungkol sa diumano’y sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na kapag siya ang naging presidente ng Pilipinas, wala nang magiging mga squatter.


“Well, basta kami rito sa Maynila, meron kaming Tondominium 1, Tondominium 2, Binondominium1, Vaseco community. It’s being built, because I, bilang iskuwater, alam ko ang katayuan ng pagiging isang iskuwater. I, bilang renter, alam ko ang katayuan ng isang nangungupahan.


"This is being addressed by the city. In the coming months, weeks, you will see that we will continue to address this problem of ours, this perennial problem of ours. Hindi ito pangako. Gawa na ‘to," paniniyak pa ni Mayor Isko.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 17, 2021




ree

Instagram / Nadine


“I found my peace,” mariing sabi ng aktres na si Nadine Lustre sa exclusive interview sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang The Interviewer vlog on his YouTube channel last Tuesday.


Live na umapir si Nadine sa The Boy Abunda Talk Channel on the day na lumabas ang resolusyon ng korte sa kasong isinampa sa kanya ng Viva Artists Agency.


Sa edad ni Nadine ngayon na 27, alam na raw niya na everything’s gonna be okay.


“And that I should live life to the fullest and not worry about anything. Just you know, I’m ready to accept whatever life is gonna put on my hands. I don’t know, Tito Boy, it's just a lot of things happened. And then, a lot of shifting happened to the last couple of months and weeks as well. It’s just a lot. And like my, you know, how I see life is totally different now,” pahayag ni Nadine.


Marami raw pagbabago kay Nadine ngayon.


“Yeah, kasi before, Tito Boy, you know, like how I would tell you before that I’m getting anxiety over nothing. I would worry about what’s gonna happen in the future. I’m always like you know, over thinking. But now, it’s more of me. Just be more accepting and whatever outcome, whatever happens, I’m just like, you know, it is what it is. It’s life and be aware of it.”


Sinabi pa ni Nadine kay Kuya Boy na masaya siya ngayon. Kaya, tinanong siya ni Kuya Boy kung saan nanggagaling ang kasiyahan na nararamdaman niya ngayon.


“Hahaha! I guess Tito Boy, it’s like I’ve picked up a lot over the last couple of weeks lang and a lot of shifting, I’ve done a lot of shifting in my life, let go of a lot of things, and yeah, I don’t know. I’m just full. Like when people asks me now, ‘How are you doing?’ I don’t say good. I would say I’m full. And I’m ready to live life to the fullest.”


Ang lakas naman ng tawa ni Nadine nu’ng banggitin ni Kuya Boy si James Reid nu'ng mag-follow-up ang TV host sa sinabi ni Nadine that she has to let go of people para maging okey ang isang indibidwal.


Paglilinaw ni Kuya Boy, hindi kabilang si James sa mga tinutukoy niya.


“Kasi meron, eh. Not everybody around us contributes to your growth or positivity. During this time of the pandemic, did you have enough courage to… I don’t want to say cancel or edit, but to let go?” tanong ni Kuya Boy.


Tugon ni Nadine, “It’s not really letting go of people. It’s more of just learning to say no, and understanding what it is that is beneficial to you and the things that doesn’t concern you anymore.


“If this person is making you feel that type of way and then, why should you hang-out with that person?


“‘Di ba, if you’re not benefitting to this person, then why? There’s no need for this energy exchange anymore. Because energy is, energy is a currency. And you know, being a currency, it runs out.


“So, the more you try and give up your energy to different people, and you don’t get anything back, madi-defeat ka, eh, of your own energy.


“I’m always at home, meditating, working out. You know, I found my peace.”


Naniniwala naman ang mga netizens na nag-comment sa interbyu ni Kuya Boy kay Nadine that she’s at peace now.


Pero may mga nakapansin sa mga nakalabas na buto sa balikat at dibdib ni Nadine during the interview. Mukhang ang laki raw ng ipinayat ni Nadine.


And at the same time, ang daming pumuri kay Nadine sa husay niya sa pagsagot sa mga tanong ni Kuya Boy.


“Galing sumagot ni Nadine and galing ng mga tanong ni Kuya Boy.”


“One of the best conversations! Thank you, Tito Boy for having Ms. Nadine!”


“Tito Boy, you’re always interviewing interesting people. Very nice conversations…”


True!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page