top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 24, 2021



ree

Nami-miss na rin ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang gumawa ng pelikula. Ang last movie na ginawa niya ay ang reunion movie nila ni Megastar Sharon Cuneta sa Star Cinema, ang Three Words To Forever with Kathryn Bernardo.


"Hopefully, makagawa kahit dito sa Ormoc. Kasi, maganda naman ang mga sceneries dito (sa Ormoc),"lahad ni Mayor Richard nu'ng makausap namin siya last Monday.


Sinubukan naman naming kunin ang reaksiyon ni Richard na parang siya ang tinutumbok ni Sharon na TOTGA (the one that got away) sa interbyu sa kanya ni Pops Fernandez.


"Ganoon ba? Hahaha! Wala akong reaksiyon. Naka-smile lang ako," tawa ulit ni Mayor Goma.


Tinanong din namin siya kung papayag ba siya na isalin sa pelikula ang life story kung may mag-aalok na producer sa kanya.


"Alam mo, hindi ko talaga naisip 'yan. Uh, usually 'pag election season, 'yung talagang, 'yung may mga plano to run for national position, 'yun 'yung ginagawan ng bio pic. Pero alam mo, maganda kasi ngayon, maganda na 'yung mga special effects ngayon, if they will make a bio pic, talagang mas madali nang gumawa ngayon lalo na 'yung mga national heroes natin. 'Yung paggawa ng set, mas madali na ngayon. I'm very interested kung sino 'yung gagawa, kung sino 'yung nagpe-prepare ng bio pic," pahayag ni Mayor Richard.

 
 

MAMBOBOLA.


ni Julie Bonifacio - @Winner | June 23, 2021



ree

Instagram richardgomezinstagram


Apat na buwang nag-stay sa Ormoc City dahil sa lockdown ang mag-ina ni Mayor Richard Gomez na sina Congresswoman Lucy Torres at Juliana. Kaya naman, super bonding sila.


Bukod sa pangangalaga at pagme-maintain ng kaligtasan sa kalusugan ng kanyang mga constituents sa Ormoc City, nakakagawa pa si Mayor Richard or Goma, pet name niya sa showbiz and his friends, ng vlog para sa cooking show niyang Goma At Home.


"Yes, ginagawa ko 'yung Goma At Home kapag weekends, 'no. Ayun, na-enhance na lang 'yun simula nu'ng nagkaroon ng pandemya. February of last year, sinimulan ko 'yun. Kaya natutuwa naman ako, 'no, kasi kapag weekends, as a mayor, siyempre, walang opisina 'yung City Hall, lahat ng tao, naka-weekend at nagpapahinga. 'Yun naman 'yung time na kapag wala akong ginagawa as mayor, talagang wala kang ginagawa. Hahaha!


"Actually, nasa bahay ka lang, hehe. So, ang ginawa ko, might as well do a vlog on cooking. And okey naman, masaya naman. Maraming nanonood," kuwento ni Mayor Richard sa tsikahan namin sa kanila ni Ormoc City Representative Lucy via Zoom last Thursday.


Stress reliever daw ni Richard ang pagluluto, ayon kay Congw. Lucy.


"Ang difference lang ngayon is, he is able to or he actually started filming it. Pero in terms of how often he cooks for the family? He's been doing that for the longest time. Siguro nga, because he grew up with his lola and he would hang around daw the kitchen when she would cook. And she (Richard's lola) always cook three meals a day," proud na tsika ni Congw. Lucy.


Nakakatuwa rin ang kuwento ni Congw. Lucy na nagkaroon daw siya ng pet goat nu'ng bata siya kaya 'di siya kumakain ng kambing. And now, pati manok ay 'di na rin siya kumakain.


"Kung gaano ko ka-love ang chicken, ngayon, hindi na ako kumakain ng chicken. Kasi during the first lockdown, sila ang kasama ko every afternoon. Para ko na silang naging kaibigan. So, hindi ko na siya makain. But we have a pet pig, si Hamlet. Pero kumakain pa rin naman ako ng baboy. Wala pa ako doon na hindi ako kumakain ng baboy," sabay tawa ni Congw. Lucy.


Habang si Goma naman daw, ang dami ring alagang hayop sa bahay nila.


"Nagpagawa ako ng bahay ng mga hayop. Kasi ang dami niyang mga hayop, oo. At saka, magkaibigan lahat ng mga hayop niya. Nagsimula lang 'yan sa dalawang turtle. And now, may turtle, may gansa, may turkey, may manok, may baboy. Minsan pa, may bayawak. Minsan, sabi ko, 'Honey, please, huwag lang unggoy.'"


Mahilig talaga siya sa hayop. Love na love rin niya ang mga aso niya.


Karamihan sa mga celebrities ay nagpakasal at nagka-baby nitong pandemic. Na-curious kami kung sinamantala na rin kaya nina Mayor Goma at Congw. Lucy ang pagkakataon para bigyan ng kapatid si Juliana during pandemic.


"For me, that's another perfect example of ano 'yung gusto o pinaplano. Pero hindi talaga ukol siguro. Maybe. At saka, ibang klase rin 'yung stress na dala ng pandemic. I always tell Richard na 'yung the bigger scale of things, kapag inisip mo, we have it easier here in Ormoc kasi may access ka somehow sa dagat, may access sa bundok at unlike in Manila, you are just locked-up inside four walls.


"Pero iba rin 'yung stress, iba rin 'yung tension na dala. You are in-charge of a people or a constituency like Richard is in-charge of the city. I'm in-charge naman of the entire district. So, uh, minsan, even when all is okay, we all go home and then, we just really, really ano, we're just really, really tired sa utak, Honey, 'no?" baling ni Lucy kay Goma.


Ang pinakagusto naman ni Mayor Richard during pandemic ay 'yung lagi silang magkasama ni Congw. Lucy.


"We're together for dinner and at night, magkasama tayo. So, eto talaga 'yung magandang nadala ng pandemic. It made us closer together. And then, 'yung company namin, we're always together. Uh, 'yun nga lang, hindi pa mabuntis si Lucy. Pero sige na lang, okey na lang. Basta isang Juliana, I think, one Juliana is already a handful."


And speaking of Juliana, magtu-21 na pala sa September ang solong anak nina Mayor Goma at Congw. Lucy. At ngayon, nali-link si Juliana sa sportsman na si Miguel Bautista.


Payo ni Mayor Goma sa anak, "Basta ang sabi ko kay Juliana, 'Juliana, alam mo, ang laki-laki mo na. Tapos, ang ganda-ganda mo. You really have to take good care of yourself. Ingat ka, 'no? Marami siyempreng mga mambobola sa 'yo. Pero dapat, ma-differentiate mo 'yung sincere at saka 'yung binobola ka lang.' Sabi ko, 'Alam ko 'yan kasi I was one of them.' Hahaha!"


What about Miguel, mukha bang binobola lang nito si Juliana?


"Hahaha! I hope not. Pumupunta rito sa Ormoc to train for fencing. And at the same time, nanliligaw na rin siguro kay Juliana. Dire-diretso na, all in one."


Hindi naman napigilan ni Congw. Lucy na mag-comment sa sinabi ni Mayor Goma, "Hahaha! Ano 'yun, kape?"


Anyway, last Sunday ay magkakasama sina Mayor Goma, Congw. Lucy and Juliana na ipinagdiwang ang Father's Day.


When asked kung ano ang gift ng kanyang misis and daughter for him, si Congw.Lucy ang sumagot.


"I am his daily gift," bigkas ni Congw. Lucy sabay ngiti.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 22, 2021



ree

Nag-catch-up ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres with some members of the entertainment press via Zoom kahapon.


Masaya ang pakiramdam ni Richard na nakitang gumagalaw ang mga matagal nang kasamahan na manunulat sa showbiz kahit via Zoom lang. Madalas kasi ay sa mga larawan sa social media na lang niya nakikita ang mga kaibigang manunulat.


Nakakatuwa ang naganap na tsikahan namin sa mag-asawa dahil lahat ng nasa Zoom na entertainment press ay nabigyan ng chance na makapagtanong sa kanila at very candid naman nilang sinagot.


As we all know, parehong very active ang mag-asawa as public servants sa kanilang mga constituents sa Ormoc City for couple of years now.


Si Richard ang mayor ng Ormoc City at si Lucy naman ang congresswoman sa kanilang distrito.


Nasa last term na niya si Congresswoman Lucy at maugong ang balita na tatakbo siyang senador sa nalalapit na eleksiyon sa 2022.


"In terms of plans? Well, I'm on my last term. Richard will most probably take my place in Congress. And then, ako naman, I have options. Uh, Richard and I can just reach… pero wala pang ano, wala pa talagang… nothing is cast on stone. Uh, as it is right now, ang pinaka-concern talaga namin is working together, keeping Ormoc and the district safe," panimula ni Congw. Lucy.


Basta work lang daw siya ngayon for Ormoc at never naging motivation niya ang pagtakbo sa Senado sa mga ginagawa niya for her constituents.

"Ang sa amin lang palagi ni Richard is everyday to honor the work that's before us. And then, wherever will take us, I really don't know. Kasi, hindi rin siya talaga 'yung plano. Hindi siya road map. Hindi siya grand dream. Parang nothing of what I have now in terms of… a career in public service was ever planted or pre-planned. Parang kusa lang nangyari.


"Ang lola used to say kasi, 'Huwag ninyong pilitin, baka dumugo.' So, that has always been our guiding principle. Parang just go with the flow, wherever the water will take you. And then, just be open to possibility. But don't be driven purely by ambition or dream. Kung ano lang 'yung para sa akin, that's all I pray for."


Although noon pa man daw 2016 and 2019, may mga kumakausap na sa kanya to run for the Senate.


"Kasi hindi siya talaga 'yung like a grand plan. Kung pangarap lang, back in 2016 pa lang, I was already asked to run, eh. So, in 2019, I was also asked to run for the Senate. But it was never an ambition or a dream.


"Ang sa akin lang, if maybe I'm given the opportunity, it's one of those things that only time can tell. So, let's see by October what the landscape is. Let's see how things are rolled-out. But I know that if I am given that chance to actually run for a seat in the Senate, I know that I won't be, it won't be an OJT kind of thing because I have 11 years of experience na behind me."


Malaking tulong daw talaga sa kanya si Richard bilang effective na public servant.


"Yeah, it's one thing kasi, for me I always believe it's one thing to be… to find yourself in an arena that is so new or so strange, but how you are able to cope for this is already attitude na.


"And I wanted to make my time as a public servant. Or, ayokong masayang lang at lilipas lang 'yung how many terms and then, with nothing to show for it.


"So, dapat talaga from the start, alam ko, by the time I step down, what I leave behind is so much better than what I've found. And then, also, I'm very cognizant the fact na it's really a privilege kasi, kaya nga in any election, may nananalo, may natatalo, because hindi lahat ng gustong magsilbi ay nabibigyan ng pagkakataon to serve.


"So, with that opportunity that Richard and I have been given, we honor it with an output that 'yung… a legacy ba?"


May bali-balita naman na ipinu-push daw ni Presidente Duterte o ng kampo ng pangulo na tumakbong senador si Congw. Lucy.


"Ay, huwag po nating pangunahan si Presidente. Ang dami niyang uh, I don't want it to be misconstrued that he is pushing me," diin ni Congw. Lucy.


Okay, fine!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page