top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 02, 2021



ree

Tila nakakuha ng kakampi ang boxing champ na si Sen. Manny Pacquiao sa katauhan ng kapwa niya senador na si Tito Sotto kaugnay ng “iringan” nila ni Presidente Rodrigo Duterte.


Sinabi kasi ni Sen. Pacquiao na tatlong beses na mas korup ang kasalukuyang administrasyon.


Hinamon naman siya ni P-Digong na ituro ang mga tanggapan at mga tao sa gobyerno na tinutukoy na korup ni Sen. Pacquiao.


At ngayon nga, nasali na rin si Sen. Tito sa iringan nina Sen. Manny at P-Digong.

Tweet ni Sen. Tito, “Bakit ba sila nagagalit kay Manny 'pag sinasabing may corruption sa govt.? Bakit, wala ba?”


Dahil sa pahayag na ‘yan ni Sen. Tito, wait natin kung ano ang magiging reaksiyon ni P-Digong.


And speaking of P-Digong, kung sa dalawang senador ay tungkol sa korupsiyon ang isyu, mas naaliw kami sa panukala ng isa pang senador na si Leila de Lima para naman sa nababalitang pagtakbo ng ating pangulo bilang bise-presidente sa parating na eleksiyon.


"Why not enter showbiz na lang... We still get the comedy, but this time without the bloodbath. Everybody wins,” sabi ni Sen. De Lima.


Kaya lang daw iboboto kung sakali ng mga Pilipino si P-Digong as VP next election ay “for his entertainment value.”


“Filipinos are very fond of comedians," ayon pa kay Sen. De Lima.


Tinawag pa ni Sen. De Lima na “clown” si P-Digong.


Kapag pinasok ni P-Digong ang showbiz, baka ma-insecure ang mga sikat nating komedyante.


Hmmm... Ano kaya ang say nina Vic Sotto, Michael V., Ogie Alcasid at Vice Ganda tungkol dito?


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 26, 2021



ree

Biglang na-excite ang mga netizens sa isang post ng sikat na celebrity photographer na si Raymund Isaac na duda ng marami ay may kinalaman sa pagtakbo ni Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections.


Si Raymund ay isa sa mga malalapit na kaibigan sa showbiz ni Congw. Vilma. At sa kanyang kaarawan kahapon, nag-post ng message si Raymond sa Facebook account niya na isa sa mga best gifts na natanggap niya ay mula sa kanyang kaibigan na pinangalanan niyang ‘Darna.’

Post ni Raymund, “One of the best gifts I received for my birthday is that my friend, DARNA is willing to fly higher for the people! Will u support her? I want to know.”


Na-gets agad ng mga netizens kung sino ang tinutukoy ni Raymond.


“Is it Ate Vi?”


“Ate Vi for President????”


“For Senator? But by all means…YES!”


“Oh, my God! What’s that? I’m sooo excited! I will support Darna gaano man kataas ang kanyang liliparin. Happy Birthday po. Lipad, Darna, lipad!”


Reply ni Raymond, “Guys I need your answers.. will you support her ba?”


Halos lahat ng netizens ay "yes" ang sagot. At pati ibang celebs ay nag-comment sa post ni Raymond.


“Let’s do it,” reply ni Ogie Alcasid.


From Rachel Alejandro, “Yes!!!”


“Go,” post ni Baron Geisler.


Ilan pa sa mga celebs na nag-yes ay sina Rowell Santiago, Dante Nico Garcia, Direk Mark Reyes at ang Star Cinema managing director na si Malou Santos.


Mukhang ‘di tatakbo for her third term sa House of Representative si Congw. Vi. And if ever, this will be the first time na nasa isang public position si Congw. Vilma na 'di niya tatapusin ang full term.


Ang tanong ngayon, alin sa tatlong posisyon ang tatakbuhan niya sa 2022 — senador, vice-president o president?


Kapag nagkataon, star-studded ang labanan sa Senate race, hah?


Aprubado rin ng mga netizens kung sakaling mag-VP si Congw. Vilma.


Say ng netizen, “She has a proven track record and she started from the local, so why not?”


“Yessssss! She has an impeccable track record, she stands for what she believes in even if it is the unpopular choice, and more action than just empty words. Love her!”


May nag-suggest naman na sana raw, "si Darna at si Ding," na parang gustong ipakahulugan na presidente si "Darna" at si "Ding" ang VP.


“Who will be Ding?”


“Yorme…or Vico.”


“Nice suggestion.”


Bongga!

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 25, 2021



ree

Labis na nalungkot ang maraming celebrities sa pagkamatay ni dating Presidente Noynoy Aquino. Ang iba ay nagulat sa biglang pagyao ng nag-iisang brother ni Kris Aquino.


Sa kanyang Instagram account, nag-live si Kris kasama ang kanyang mga ate na sina Ballsy, Pinky and Viel. Dito naglabas ng official statement ang magkakapatid na Aquino sa pagkamatay ni ex-P-Noy.


Bago pa nag-pandemic, labas-pasok na pala si Noynoy sa ospital. Todo-tutok sa pagbabantay sa kanya ang mga kasama niya sa bahay sa Times St. sa Kyusi. Dahil siguro knows nila ang kondisyon ni P-Noy na delikado na mahawahan ng COVID virus.


Simple pero puno ng emosyon ang inilagay na caption ni Kris sa ipinost niyang live video para sa official statement ng pamilya Aquino.


“We love you Noy,” caption ni Kris.


Isa sa mga pinakaunang nag-post ng pakikiramay sa magkakapatid na Aquino ay ang singer/composer at presidente ng OPM na si Ogie Alcasid.


“Paalam, Sir P-Noy. Paalam. Lubos na pakikiramay sa iyong mga mahal sa buhay - Kumareng Kris, Ballsy, Pinky at Viel at sa buong angkang Cojuangco-Aquino. Napakalungkot na araw,” post ni Ogie.


Last time na nainterbyu namin si Ogie sa #CelebrityBTS Bulgaran Na ay napag-usapan namin si former President Noynoy. Naikuwento ni Ogie na naging malapit na kaibigan niya si P-Noy. May mga dinner or meeting na sila lang ni Dingdong Dantes ang kasama nito.


Sa sumunod na post ni Ogie sa kanyang socmed account, sinariwa niya ang pagiging part ni P-Noy sa wedding nila ni Regine Velasquez.


"Si P-Noy ay naging abay sa aming kasal at magmula noo’y nabuo ang isang pagkakaibigang tunay at tapat. Napakaraming salu-salo na nauuwi sa kantahan sapagka’t napakahilig niya sa musika. Kapag nabibisita namin siya ay laging nagpapatugtog ng mga paborito niyang CD.


"Sa mga nagdaang taon, walang patid ang kumustahan sa text lalo na tuwing may espesyal na okasyon. Noong pumanaw ang aking ama, isa siya sa 'di nakalimot na mag-abot ng pakikiramay.


"Nitong mga huling araw ay tuloy pa rin ang aming komunikasyon. Labis na labis ang kalungkutang bumabalot sa akin sa iyong pagpanaw, Sir P-Noy. Napakapalad ko, Sir P-Noy na ako ay tinawag mong kaibigan. Pahinga na po kayo, Sir. Mahal ka namin,” caption ni Ogie sa wedding picture nila ni Regine kasama si P-Noy.


Inihayag din ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa kanyang Twitter account ang kalungkutang nadama sa biglang pagpanaw ni P-Noy.


“Today is a sad day as we are all shocked by the untimely death of former President Noynoy Aquino. I am one with every Filipino as we grieve and mourn his unexpected death,” tweet ni Vice.


Nagpahatid din ng pakikiramay si Vice para sa Aquino family.


“My heartfelt condolences to the Aquino Family. Godspeed P-Noy and Rest In Peace.”


Sa dami naman ng mga celebs na nag-post ng larawan nila with P-Noy nu’ng nabubuhay pa, kakaiba rin ang post ng Kapamilya news anchor na si Karem Davila.


Ipinost kasi ni Karen ang piktyur nila ni P-Noy with her son na si Lucas na natutulog habang nakatayo.


“I only covered former President Aquino once. I was assigned to ride the van with him during the campaign period in 2010. I just knew him as Kris’ brother when we were in school. This photo was taken in 2014 at a birthday party. My son Lucas kept sleeping! Rest in peace, P-NOY,” tweet ni Karen.


Comment ng isang netizen sa post ni Karen sa Twitter, "Malulungkot sana ako dito dahil kay Pangulong NOY, pero natawa ako sa nakatayo na natutulog."


"Very cute sleeping skillz tho."


'Yun na.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page