top of page
Search

WALA PA RING PAG-AMIN SA RELASYON.


ni Julie Bonifacio - @Winner | July 06, 2021


ree

Spotted si Coco Martin kasama ang rumored girlfriend niyang si Julia Montes sa isang tindahan sa Greenhills, San Juan kamakailan.


Kahit na nakasuot ng heavy tinted face shield ang babaeng nasa piktyur, mismong ang naturang outdoor store ang nagbanggit ng pangalan ni Julia na kasama ni Coco na naka-post on their socmed account.


Halos matakpan na ang buong mukha nu’ng girl sa picture na sinabing si Julia ng suot niyang black face shield. Habang si Coco naman, nakasuot ng black face shield and baseball cap na may malaking letter C.


As expected, todo-react ang mga netizens sa suot na face shield ni Julia.


“Tinakpan buong mukha... ayaw makilala :)”


“OA nu'ng shield, ha? Daig pa Hollywood actors sa pag-i-incognito. 'Kala mo naman pagkakaguluhan”


“'Di naman siguro. Bawal lang ata mabulgar ang open secret na ito.”


In fairness, may dumepensa rin na mga netizens kay Julia.


“Nasa loob sila ng Greenhills mall if I'm not mistaken, required pa rin ang face shield sa loob ng malls. Also, daming ganyang nagsusuot ng dark face shield. Baka 'di mo pa lang na-try lumabas ng bahay.”


“Bakit ba G na G sa shield ni ate gurl? Siya lang ba nagsusuot ng ganyan? I go out too, and ang dami kong nakikitang ganyan ang gamit na shield. Gigil ba kayo talaga sa shield or hindi lang kasi natin makuha 'yung matagal nang dine-demand na umamin sila? 'Wag na tayong bitter, mga baks. Ayan na nga, oh.”


Ang ibang netizens naman, ipinasok ang tungkol sa ‘di pa raw pag-amin nina Coco at Julia.


“'Di naman kailangang magtago, Julia. Alam na namin.”


“Napanis na dalawang 'to...'di pa ba aamin??? Kunsabagay, wala nang interesado."


“'Kaloka naman sa face shield 'tong si Ateng Julia M. Feeling may magpa-parazzi sa kanila. Tigilan n'yo na 'yang pa-hidden achuchu n'yo. Ano'ng petsa na, nag-anniv na si COVID, kayo pa-hide drama eklavu pa rin?! Naku, Ateng Julia! Just enough.”


Reaction naman ng ibang netizens, hindi na nila kailangang umamin.


“Jusko, ano pa'ng dapat aminin? Obvious na obvious naman na and they have been seen together a lot lately. What you see is what you get. Kalerks.”


“At ba't kailangang umamin? Ikaw ba may hawak ng buhay nila???"


Ganern?

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 05, 2021


ree

Hanga si Abby Viduya sa kanyang partner na si Jomari Yllana sa pagiging public servant nito bilang kasalukuyang konsehal ng Parañaque City.


Nakita ni Abby ang labis na concern ni Jom sa kanyang mga constituents nitong pandemic.


Most of the time ay nasa labas daw si Jomari at tsinetsek ang pangangailangan ng kanyang mga kadistrito.


“‘Yung concern niya for other people and to his constituents, iba. Iba, eh. He’s able to multi-task. He’s very, very good. I’m so proud of him. He has really good multi-tasking abilities. ‘Yun ang nakikita ko sa kanya. We’re together always naman,” pahayag ni Abby sa aming panayam sa kanya ni Ateng Janiz Navida, BULGAR’s Entertainment editor, sa #CelebrityBTS Bulgaran Na na napapanood nang live every Saturday, 11 AM sa BULGAR’s Facebook page.


Saludo rin si Abby kay Jom bilang ama. Nakakasama raw kasi nila ang panganay ni Jom na si Andre Yllana kay Aiko Melendez.


“Na-meet ko na si Andre, but the little ones, hindi pa. Yeah, si Andre, nakakasama namin. Mabait na bata. He’s a really, really good son to Jom. Nakakasama namin siya sa Manila. Once in a while, dumadalaw sa daddy niya. Super-bait. Wala akong masabi,” paglalarawan ni Abby.


With regards to Andre’s mom, wala raw silang problema ni Aiko.


“Oh, yeah. Wala kaming problema. Ang ganda ng pagpapalaki niya kay Andre. But I haven’t seen her yet since I came back in the Philippines. Back in the day, we have common friends. Nagkakasama kami. We don’t have issues with each other.”


Na-meet na rin daw ni Jom ang mga anak ni Abby sa Canada through video call. Tatlo ang anak ni Abby - two girls and one boy - while si Jom ay tatlong lalaki.


“Actually, the last nag-video call sila, they call him Tito Jom. My kids like him,” masayang kuwento ni Abby.


May project na gagawin si Abby sa GMA-7, ang Lolong kung saan mag-i-start na siya ng locked-in taping sa Quezon Province for one month starting July 6.


Kinukuha rin ng Kapuso Network si Aiko sa mga serye nila kaya may chance na magkasama sila sa isang proyekto.


Aniya, “Well, that’s okay. Ano na ‘yun, eh, past ‘yun ng life niya. Wala akong problema sa ganyan.”


Ang isa pang ex-girlfriend ni Jom at bagong kasal na si Ara Mina ay nakasama na ni Abby sa Kapamilya action-serye na Ang Probinsyano.


Natawa naman si Abby sa posibilidad na magkasama-sama sila nina Aiko at Ara (wow, triple ‘A’ pala ang mga past and present showbiz partners ni Papa Jom, ha?) sa isang proyekto.


“Hahaha! Actually, for me, I don’t have a problem, eh. I could be friends with them because that’s in the past. Wala akong isip na ano, anything bad.


“Siguro kasi, at this age, wala na ‘yan, eh. Everyone’s happy with their lives like... nakikita ko naman.


“I actually congratulated Ara when she got married, yeah. Naging friends kami. Nagkasama kami sa Ang Probinsyano actually.


“Yeah, nagkaabot kami. Nagkakuwentuhan kami. And she’s like, ‘Oh, I’m so happy that you guys are together.’ Ganoon kami (ni Ara). Ayun,” lahad ni Abby.

 
 

'DI PA RIN MAKA-MOVE ON.


ni Julie Bonifacio - @Winner | July 03, 2021



ree

Binati ni Karen Davila ang ABS-CBN news reporter na kinuwestiyon ni Presidente Rodrigo Duterte nu’ng tanungin siya sa nababalitang pagtakbo niya bilang bise-presidente sa next elections.


Ini-repost ni Karen sa kanyang Twitter account ang ipinost ng Rappler sa kanilang socmed accounts na video interview kay P-Digong ng Malacañang press, kabilang na ang ABS-CBN female news reporter, last July 1.


Sa caption ni Karen ng ini-retweet na post from Rappler, inilagay niya ang tanong ng ABS-CBN news reporter at reaksiyon ni P-Digong.


Caption ni Karen, “PRRD: You’re from ABS-CBN, you’ll campaign against me?"


“Reporter: No sir. I’m just following up a story.”


Hindi naman napigilan ni Karen na maghayag ng saloobin sa paninita ni P-Digong sa ABS-CBN news reporter.


Karugtong na caption ni Karen sa kanyang post sa Twitter, “First, kudos to our reporter for her gracious response. Second, binaon na nga nila ang ABS-CBN, ito pa ang iisipin? Can we please move forward from this vindictiveness?”


Sinuportahan ng mga netizens ang tweet ni Karen.


“Somehow takot pa rin siya sa impluwensiya ng ABS-CBN at dahil alam naman niya siguro na sobrang dami niyang kapalpakan.”


“1 yr & a half na ipinasara niya ang ABS-CBN, 'til now, hindi pa rin maka-move on, nagtanim ng poot at galit. Jusmiyo, alisin mo na 'yan sa puso at isip mo para guminhawa man lang nang konti ang buhay ng mga nawalan."


Nag-reply din sa tweet ni Karen ang co-founder and CEO ng Rappler at dating kasamahan niya sa ABS-CBN News & Current Affairs na si Maria Ressa.


“Not just vindictiveness but abuse of power,” post ni Maria Ressa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page