top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 10, 2021


ree

Inihayag ng ina ni Kathryn Bernardo ang kanyang pag-aalala sa pagsama-sama ng anak sa camping with her on-and-off screen partner na si Daniel Padilla.


Ramdam ng mga netizens ang pinanggagalingan ng ina ni Kathryn, or popularly known as Mommy Min, kaya siya nakapag-post ng mensahe sa kanyang social media account.


Naglabas ng reaksiyon si Mommy Min pagkatapos mag-post ni Kathryn ng mga detalye sa kanyang “wild” camping experience with Daniel at iba pa nilang mga kaibigan.


Caption ni Kathryn sa mga larawang ipinost niya sa kanyang Instagram, “Been wanting to try camping for quite some time now, and I’m so lucky I got to finally experience it with this awesome group! What an unforgettable time that I’d cherish forever — from building our tents, to passing through and swimming in the river, to trekking and cooking our food while having the most random conversations, and to helping each other get through muddy roads. Grabe. WILD. I’m glad I got to experience all these with all of you. Hahaha! Thank you guys for being such troopers! Sa'n na tayo next?”


Bago pa man makapang-bash ang mga netizens sa pagsama ni Kathryn na mag-camping with Daniel and some friends, nagpaliwanag na si Mommy Min sa kanyang comment-post ng pinanggagalingan ng excitement ng anak sa bagong karanasan with Daniel and their friends.


“Sobrang pangarap as in pangarap ni Kath na mag-camping talaga! Isa sa reason kaya siya nag-regular schooling nu'ng elem days niya ay makasama sa camping,” umpisa ng comment-post ni Mommy Min.


Sa huling bahagi ng una niyang comment post sa IG story ni Kathryn, umiral na ang labis na pagmamalasakit sa anak.


"Ayan, anak, na-experience mo na... Pero 'di dapat madalas. Sa school nga, once a year lang ang camping.”


For sure, gets agad ng mga momshies d’yan kung bakit nag-comment ng ganyan si Mommy Min lalo pa’t babae ang kanyang anak.


Pero si Kathryn, humirit pa sa kanyang ina.


"Sayang naman gamit Ma,” reply ni Kathryn.


Sa huli ay pinayagan na rin ni Mommy Min si Kathryn na mag-camping pa more. Pero may kasunod na hugot naman si Mommy Min.


"Sige na nga, twice a year na lang! Nu'ng araw, ang pag-camping, matagal na paalaman 'yan, anak, kasi delikado 'yan,” sagot ni Mommy Min.

 
 

ANG MGA KUMIKITA SA FAKE NEWS.


ni Julie Bonifacio - @Winner | July 08, 2021


ree

Pinalagan ni Vice Ganda ang balitang kumalat sa social media na nagpatutsada siya kina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa paglipat sa GMA-7.


Ini-retweet ng It’s Showtime host ang isang post sa socmed na may ganitong titulo: “#ViceGanda #JohnLloydCruz #BeaAlonzo, Vice Ganda Has This ‘Patutsada’ Against John Lloyd Cruz, Bea Alonzo?”


Sa caption na inilagay ni Vice sa kanyang tweet ay mapi-feel ang pagkadismaya ng TV host/comedian sa kumalat na tsika.


“Kadiri 'tong FAKE NEWS na 'to!!!!!! Pero mas KADIRI 'yung mga sumakay!!!! Pero PINAKAKADIRI 'yung mga sumusuweldo at kumikita sa FAKE NEWS!!!”


Nakakuha ng kakampi si Vice sa mga netizens.


“Tama ka d'yan Meme. Ang daming mga ganyan lalo na sa Facebook. END THEM!”


“'Di nila knows na siya ang unang ate girl ng life mo, what a shame that some journalists nowadays make up stories for money and clout, which they should be the ones spreading facts, information.”


Sinundan pa ni Vice ng isang post sa ķanyang Twitter account bilang reaksiyon sa naglabasang “fake news.”


“Mga taong sa panahon ngayon chismis, paninirang puri at fake news pa din ang trabaho YUUUUICCCCKKK!!!! Mas mababa pa kayo sa T*E! 'Yan ang #FACT !”


'Yun na!

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 07, 2021


ree

Kilig much ang mga netizens sa caption na inilagay ni Piolo Pascual sa kanyang Instagram post ng piktyur niya kamakailan.


Caption ni Piolo, “Ready for my whirlwind romance in LA! (3 heart emojis)”


Espekulasyon ng mga netizens, especially ng mga fans nila ni KC Concepcion, ang panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta ang tinutukoy ni Papa P. na ‘whirlwind romance’ na pupuntahan niya sa LA.


Kasalukuyang nagliliwaliw si KC sa LA based on her Instagram posts. Kaya nag-“wan plus wan equals two" agad ang mga netizens na handa na si Papa P. para ligawang muli si KC sa LA.


“KC is there in LA!!! Hope you will get to see each other!!!”


“OMG! Is it the case of love is lovelier the second time around?! Kilig much!"


Pati ang leading lady ni Papa P sa next film niya na ipapalabas na si Alessandra de Rossi ay kinilig din sa IG post ni Papa P.


Comment-post ni Alessandra, “I knew it! I just knew it! Foofii! @piolopascual_ph don’t us!”

Reply ni Papa P. kay Alessandra, “Asa ka! Ahahaha!”


May netizen naman na binasag ang kilig ng mga fans nina Papa P at KC.


“Mga loka-loka 'tong mga baklang push nang push ng Piolo-KC. Gumising nga kayo sa kahibangan ninyo. Nakakatawa kayo.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page