top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 19, 2021


ree

Nag-viral sa social media ang mga larawan ni Kris Aquino nu’ng bata pa siya. Napasilip din kami sa mga larawan ng Queen of All Media na pinagkaguluhan ng mga netizens.


In fairness, maganda, queen of freshness, charming, inosente at matalino ang projection ng young Kris sa mga pictures.


Kaya, ‘di nakapagtataka kung nabighani agad ni Kris ang mga Pinoy noong bata pa siya at naging most popular celebrity sa loob at labas ng bansa.


Siyempre, ‘di na inabot ng mga netizens ang kabataan ni Kris. Kaya, dinagsa ng paghanga ang “beauty” niya mula sa mga netizens.


“So, this is what Kris Aquino looks like when she was young. Look how beautiful and cute she is.”


“Sobrang ganda. Siguro, kung inabot ko kabataan ni Ma’m, kahit mabasted ako nang paulit-ulit, ok lang.”


“Stunning Filipina woman.”


Nagtataka naman ang ibang netizens sa biglang paglutang ng mga larawan ni Kris noong kabataan niya. Naikonek ng iba na baka “nagpaparamdam” ang kampo ni Kris sa pagpasok niya sa pulitika.


May kumakalat ding tsika na may “nangangampanya” na for Kris to run for the Senate sa 2022. Although, wala pang sinasabi si Kris sa isyu ng pagpasok niya sa pulitika. Naka-focus kasi siya ngayon sa kanyang health and safety.


But just in case she will run sa 2022 elections, may tsika na type siyang tumakbo bilang vice-president. At mas bongga raw kung sila ni Manila Mayor Isko Moreno ang magta-tandem sa 2022.


Yorme for President and Kris for Vice-President na pantapat sa tambalan ng mag-amang Sara at P-Duterte?


Agree or disagree?

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 15, 2021


ree

Mistulang may “exodus” ng malalaking local celebrities sa USA ngayong lumuwag na ang travel restrictions na ipinatupad ng IATF sa bansa.


Una na d’yan si Megastar Sharon Cuneta na umalis ng 'Pinas last month and until now ay nasa Amerika.


Tapos, ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla na nagpunta sa US for health reasons. Although, she’s now here in Manila.


Panay din ang post sa socmed ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas ng lamyerda nila sa US ng mister na si Gerald Sibayan. May show kasi roon si Ai Ai at isinabay na rin niya ang pagbisita sa kanyang bunsong anak na si Nicolo na isang military man sa US. Pero ngayon, nakabalik na rin sa 'Pinas ang mag-asawa at hinarap nga agad ni Ai Ai ang kanyang pastry business.


Napabalita ring nasa Los Angeles na ang eldest daughter ni Sharon na si KC Concepcion.


Nagpunta rin sa LA si Piolo Pascual kaya umasa ang mga fans na magkikita o makikipagkita roon ang aktor kay KC.


Pero, si Alessandra de Rossi pala ang kasama ni Papa P. sa LA for their movie titled My Amanda. Kung 'di kami nagkakamali, ang dating pamagat nito ay Fuffy and Fream.


Rumampa na rin si Jinkee Pacquiao sa LA suot ang kanyang branded clothes, bag and shoes and expensive jewelries kasama ang kanyang kakambal na si Janet at mister nitong si former PBB housemate Tibo Jumalon.


Of course, sinamahan ni Jinkee ang kanyang mister na si Sen. Manny Pacquiao na nagte-training ngayon sa US of A para sa kanyang upcoming boxing match.


Ang Queen of Soul na si Jaya ay sumunod na rin sa kanyang mister at anak na nauna sa kanyang nagpunta sa USA.


On her first morning, ini-reveal ni Jaya na nagre-rent lang sila ng bahay sa Washington. Hopefully, after two years ay magkaroon na rin ng sariling bahay si Jaya and her family sa US.


And recently, panay na rin ang post ni Bea Alonzo ng mga larawan habang nasa California, USA siya.


Isa sa mga unang ipinost ni Bea sa kanyang Instagram ay ang picture ng isang kamay na obvious na isang lalaking may suot na relo at may hawak na ice cream na nasa paper cup.


Duda ng mga netizens, kamay 'yun ng rumored boyfriend ni Bea na si Dominic Roque.


“Oy, kamay ni pogi 'yan. Bagay kayo. Dominic Roque."


“Travel buddy reveal.”


Kahapon, isang piktyur ni Bea na nasa mga batuhan sa dagat habang nakatayo ang kanyang ipinost sa Instagram. Napakaseksi ni Bea sa suot na sleeveless white mini-dress with cherries all around kung saan napakalalim ng cleavage, ha?


Almost 600 na ang nakita naming reply from netizens pagkatapos mag-post ng cryptic message ni Dominic.


Comment-post ni Dominic sa IG post ni Bea, “I*y.(flying kiss emoji)”


Ipinagtatanggol ng mga fans nina Bea at Dom ang mga nanlalait sa age gap nila. Bilang depensa, ibinigay nang halimbawa sina Sarah Geronimo na mas matanda kay Matteo Guidicelli, pati na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, Anne Curtis-Erwan Heussaff at iba pa.


Binigyang-kahulugan ng mga netizens ang suot ni Bea na white mini-dress na may pa-cherry.


“Cherry means you're already in a relationship. Banana means you're married. Avocado means you're the better half in the relationship. Strawberry means you can't find the right one. Lemon means you want to be single. I love you, Idol Bea...”


True kaya ito?

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 12, 2021


ree

Pagkaganda-ganda ng ASAP Natin ‘To last Sunday. Malulula ka sa dami ng mga naglalakihan at pinakamaningning na Kapamilya idols.


Dahil d’yan, umapaw ang pagbati mula sa mga manonood sa free TV at mula sa mga netizens. Pang-world-class din kasi talaga ang performers at production value ng ASAP Natin ‘To.


In fact, nag-number one top trending topic sa Twitter ang #ASAPKapamilyaForever.


Marami rin ang nasorpresa sa pag-apir sa ASAP Natin ‘To nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo na naghatid ng madamdaming mensahe para sa mga solid Kapamilya viewers.


Mensahe ni Piolo sa mga Kapamilya, “Your support and your trust will always be an inspiration for us to continue to be in the service of the Filipino.”


Matagal ding naging host si Piolo sa ASAP, pero nawala siya sa Kapamilya Sunday musical show at naging host sa katapat na programa sa TV5 for one season.


Dahil sa pag-apir muli ni Piolo sa ASAP, hiling ng mga netizens na bumalik na siya sa Kapamilya Sunday musical show.


“Sana makabalik na sina Piolo at Sarah sa asap...”


“Miss ko na kayo, sana soon makita na kayo sa Asap... asap.”


But as usual, hindi rin nakaligtas si Piolo sa mga bashers.


“Sana, panghawakan nila 'yan. Baka magulat lang din naman tayo at nandu'n na sa kabila! Basta: #KapamilyaForever"


“Kahit mga DDS kayo, (3 heart emojis) pa rin. Sana, magising na kayo. Kapamilya pa rin SILA...”


Eto naman ang mensahe ni Sarah sa ipinalabas na video niya sa ASAP Natin ‘To sa Kapamilya Channel, TV5 at A2Z last Sunday, “Hindi kami magsasawang paulit-ulit kayong pasalamatan dahil paulit-ulit n'yo ring pinapatunayan na ang magka-Kapamilya, hindi nag-iiwanan.”


Hopefuly, naibsan nito ang pagdududa ng iba na iiwan na rin ni Sarah ang ABS-CBN.


ABS-CBN pays tribute and expresses its gratitude to Filipinos sa patuloy na tiwala at suporta na ibinibigay nila sa network sa gitna ng kinakaharap nitong challenges through its new thanksgiving campaign Andito Kami Dahil Sa Inyo na ini-launch sa It's Showtime noong Sabado, July 10.


Kasama sa thanksgiving party ng ABS-CBN na ginanap sa ASAP Natin ‘To sina Vice Ganda, Daniel Padilla, Liza Soberano, Enrique Gil, Erich Gonzales, Joshua Garcia, and many more.


May special dance performance ng top Tiktok hits ang Star Magic artists at ASAP dance royalty na si Kim Chiu, Jane Oineza, Heaven Peralejo, Maris Racal, Vivoree Esclito and Maymay Entrata.


Naaliw kami sa ASAP Transformation dahil ang mga heartthrobs na sina Robi Domingo, Iñigo Pascual, Kyle Echarri, Darren, and OPM hitmaker Ogie Alcasid ay nag-transform bilang Hagibis members.


Bonggacious ang prod number ni Vice Ganda and at the same time, marami ang na-touch sa mensaheng ibinigay niya pati na ang madamdaming pagkanta niya ng hit song ni Ice Seguerra na Ano’ng Nangyari sa Ating Dalawa?


Pahayag ni Vice, “Kapamilya, anuman ang mangyari, sama-sama tayong aahon.”Comment ng mga netizens:


“From the start to end, nakaka-touch at nakakaiyak. Kapamilya Forever."


“Nakakaiyak. Naiyak ako kay Vice. Grabe! Laban ABS-CBN! 'Wag bibitiw dahil kami, hindi rin kami bibitiw para sa ABS-CBN KAPAMILYA forever. We love you always.”


ABS-CBN's tribute to its supporters culminates with a heartwarming performance of "Kapamilya Forever" from the country's finest singers Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, Nyoy Volante, Jed Madela, Jason Dy, Erik Santos, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Gigi de Lana, Elaine Duran, Lara Maigue, Rachel Alejandro and Regine Velasquez together with the biggest and brightest Kapamilya stars.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page