top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 22, 2021


ree

Isa-isa nang lumilinaw ang bali-balitang pagpasok sa pulitika ng mga sikat na celebrities para sa 2022 elections.


Kahapon ay lumabas na umisplok na ang isang opisyal ng partido ni Pres. Rodrigo Duterte sa potensiyal na political senatorial line-up for 2022.


Kasama sa lineup ang mga TV hosts na sina Willie Revillame at Raffy Tulfo. Bukod kina Willie at Raffy, pasok din ang action star na si Robin Padilla, former Senator Loren Legarda at Martin Andanar.


Although, 'di pa naman daw final ang inilabas na listahan. May consultation pa rin daw na nagaganap.


Pero feeling ng maraming showbiz kibitzers, go na go na d’yan sina Willie at Raffy.


At mukhang desidido na rin daw si Willie na tumakbo sa 2022 elections.


Ngayon pa lang, ang dami nang sinasabi ng mga netizens, ha?


“Kahit gusto ko si Raffy Tulfo pero 'di sa pagiging senador. Masisira lang siya. Sana, mag-stay na lang siya sa pagtulong thru his program. No way for Raffy Tulfo and Willie.”


“Please lang, 'wag na kayong magsipagtakbo... kayang-kaya n'yo namang tumulong sa tao kahit wala kayo sa puwesto.”


“Igiling-giling.”

 
 

MO, 'DI BATI LANG.


ni Julie Bonifacio - @Winner | July 21, 2021


ree

Idinaan ni Raymart Santiago ang pagbati sa kaarawan ng anak nila ni Claudine Barretto na si Santino via his Instagram account last Monday.


"Happy birthday, Santino! Stay happy, healthy and blessed on your special day…and every day of the year. No matter how old you get, know that you will always be my baby boy,” caption ni Raymart sa IG post niya ng collage pictures nila ni Santino.


Fourteen na si Santino this year. Teen-ager na at ilang taon na lang at isa na siyang ganap na binata.


Last year ay present si Raymart sa birthday celebration ni Santino. But now, nasa locked-in shoot si Raymart sa Pola, Oriental Mindoro para sa reunion movie ni Coco Martin hindi lang with Julia Montes but likewise sa kanyang mentor na si Direk Brillante Mendoza.


Kahapon, July 20, ang birthday ni Raymart. Pareho sila ng estranged wife niya ng petsa ng kaarawan.


Kaya, wala munang kitaan at personal na pagbati si Raymart kay Santino.


Pero ang mga netizens, 'kalokah ang mga comments, gaya ng “Give him the right allowance instead of just greeting him."


Sinagot naman ito ng isang netizen, “The court decided on how much he should give at base 'yan sa income niya at expenses. Greedy lang talaga si Claudine. Hirap sa ibang single mother, inoobliga na sa tatay lahat, like hey, anak mo rin 'yan, co-parenting kayo, meaning pati sa pera, hati kayo sa expenses ng bata.”


Pati ang 'di pagkikita nina Raymart at Santino nang personal on the latter's birthday, isyu talaga sa mga netizens.


Pero sinagot ito ng ibang netizens, “Nasa shooting si Raymart, nasa Mindoro siya, kasama niya sina Coco Martin at Julia Montes sa pelikula.”


“Nagwo-work para may pansustento.”


Last year, idinemanda ni Claudine si Raymart for child support. At nu’ng March this year, muling tinawag ni Claudine ang atensiyon ni Raymart para sa suporta ng aktor kay Santino.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 20, 2021


ree

Dinagsa ng reaksiyon mula sa mga netizens ang naisulat namin kahapon sa lumutang na tandem nina Manila Mayor Isko Moreno at Kris Aquino para sa national elections next year.


Nakakaaliw basahin ang komento ng mga netizens sa Facebook page ng BULGAR kung saan naka-post ang balitang may nagsusulong diumano ng Yorme for president at Kris for vice-president.


Mixed ang opinion ng mga netizens. May pabor at hindi, as expected.


“Panalo.”


“Puwede.”


“Puwede para bata naman ang president natin. 'Pag matanda na, puro joke ang palusot.”


Inulan din ng batikos mula sa mga netizens ang lumutang na tandem nina Yorme at Kris.


“Political suicide ang gagawin ni Moreno kapag tumakbo siyang presidente.”


“Diyos ko, Isko, mag-isip ka muna, 'wag mo sayangin ang mga nagawa mo sa Maynila. 'Wag muna.”


“Hindi uubra 'yan. Dito lang sa Maynila kilala si Isko.”


May hanash din ang mga netizens kay Kris sa pagpasok sa pulitika.


“Hahaha! Kris, mag-senator ka na lang.”


“Please lang, ang dami namang puwedeng maging vice, bakit 'yan pa?”


“Puwede si Isko, pero kay Kris? Ano, ibibigay n'yo na naman boto at simpatya n'yo sa yumaong PNoy? 'Di na kayo nadala.”


“Iyan ang pinakamagandang tandem, hahatakin ni Kris Aquino ang boto ni Isko pababa... Gogogo.”


May nagsabi na tiyak na ang panalo ng kalaban nina Yorme at Kris kapag nag-tandem sila sa halalan 2022.


“Ok 'yan para sure panalo kalaban nila, hahahaha.”


“Sa inidoro din bagsak n'yo.”


“BATA PA KAYO AT 'DI PA NINYO PANAHON, ANTAY KAYO.”


“Naku, maawa kayo sa 'Pinas. Sabagay, nasa bobotante 'yan…”


At sa gigil ng iba, ginawa pang pang-love team ang name nina Yorme at Kris.

“Kris at Isko? KRIS-IS… KRISIS ang labas.”


“Puwede ring Isko at Kris... ISIS.”


Resbak ng isang netizen na tinawag na KrisIs ang tandem nina Yorme at Tetay, Du-Sa naman daw ang nababalitang tambalan nina Pres. Rodrigo Duterte at anak na si Sara Duterte.


“DU-SA? Mag-aanim na taon mo nang nadarama 'yan.”


Naku, ha, mukhang ngayon pa lang ay may nate-threaten na sa tambalang Yorme at Kris sa nalalapit na eleksiyon, ha?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page