top of page
Search
  • BULGAR
  • Mar 28, 2023

ni Madel Moratillo | March 28, 2023



ree

Nakapagtala ng 1,298 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakalipas na linggo.


Sa datos ng Department of Health, mula Marso 20 hanggang 26, ang daily average ng mga kaso ay 185.


Mas mataas ito ng 11% kaysa naitala noong Marso 13 hanggang 19.


May 10 namang bagong nadagdag na kaso ng kritikal at severe at 60 dagdag sa nasawi.


Ayon sa DOH, sa 60 nasawi na ito, 1 ang nasawi noong November ng 2022, 1 noong October, 1 noong March, 5 noong February, at 8 noong January ng 2022, ang iba naman ay sa ibang buwan ng 2021 at 2020.


 
 

ni Madel Moratillo | March 22, 2023



ree

Naalarma na ang Department of Health (DOH) sa mistulang pagkakaroon ng epidemya ng obesity sa bansa. Pangamba ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, maaari itong magdulot ng pagtaas ng mga kaso ng non-communicable diseases.

Batay sa survey, 1 sa bawat 10 batang Pinoy o katumbas ng 14% ay overweight.

Habang nasa 13% o 1 sa bawat 10 Pinoy adolescents ay obese na.

Ganito rin ang nakita sa mga matatanda o adult.

Batay aniya sa survey, 3 sa bawat 10 lactating mothers at 4 sa bawat 10 iba pang adults ay overweight.

Ayon kay Vergeire, ang pagkain ng hindi masustansyang pagkain at kawalan ng regular na mga pisikal na aktibidad ay pangunahing dahilan ng paglala ng problema sa obesity sa bansa.

Ayon sa World Health Organization, ang non-communicable diseases ay 70% dahilan ng kamatayan sa Pilipinas.

Nabatid na may 511,748 Pinoy noong 2019 ang namatay dahil sa non-communicable diseases.


 
 

ni Madel Moratillo | February 2, 2023



ree

Nakapagtala ng 613 bagong kaso ng Omicron sa bansa.


Ayon sa Department of Health (DOH), mula ito sa 694 samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center.


Sa nasabing bilang, 252 ang natukoy na BA.2.3.20, 201 ang XBB, 25 ang BA.5 kasama na rito ang 18 kaso ng BQ.1, 15 na XBC, 2 BA.2.75, at 118 na iba pang sublineage ng Omicron.


Ang mga bagong kaso na ito ng BA.2.3.20 at XBB ay local cases na natukoy sa iba pang rehiyon sa bansa maliban sa Eastern Visayas, Northern Mindanao at Davao Region.


Sa 25 BA.5 cases naman, 16 dito ang local cases at ang iba ay Returning Overseas Filipinos.


Natukoy naman sa Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at CARAGA ang 15 bagong

XBC cases habang ang 2 BA.2.75 cases ay mula sa Central Visayas at CARAGA.


Pinawi naman ng DOH ang pangamba ng publiko dahil normal umano sa virus ang mag-mutate basta mayroong host.


Kaya paalala ng kagawaran sa publiko, manatiling sumunod sa health protocol at magpabakuna na laban sa COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page