top of page
Search

ni Madel Moratillo | May 21, 2023



ree

Binalaan ng Department of Health ang publiko sa kumakalat na artikulo patungkol sa umano’y ‘lunas’ sa hypertension.


Sa inilabas na advisory ng DOH, binigyang-diin nito na mali ang nasabing artikulo dahil hindi aprubado o rekomendado ng ahensya at ng mga attached units nito ang nasabing gamot.


Paalala ng DOH sa publiko na magbasa lamang ng mga health information mula sa mga lehitimong sources at platforms gaya ng Health department.


Ayon sa World Health Organization, ang hypertension o high blood pressure ay isang common ngunit manageable na uri ng non-communicable disease.


Paalala ng DOH, puwede namang maiwasan ang nasabing sakit kung magkakaroon ng healthy lifestyle at habits gaya ng tamang diet at regular na pag-eehersisyo.


 
 
  • BULGAR
  • May 18, 2023

ni Madel Moratillo | May 18, 2023



ree

Nakapagtala ng 1,503 bagong kaso ng COVID-19 kahapon, Mayo 17.


Mas mataas ito sa 1,088 na naitala nitong Mayo 6.


Sa datos ng Department of Health may 1,218 namang naitalang nakarekober sa sakit.


Wala namang naitalang bagong nasawi.


Sa kabuuan, ang aktibong kaso ng COVID sa bansa ngayon ay 15,514.


Ayon sa OCTA Research Group, ang positivity rate sa bansa ngayon ay 23.8%.


 
 
  • BULGAR
  • May 14, 2023

ni Madel Moratillo | May 14, 2023



ree

Nakapagtala ng 2,065 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon Mayo 13.


Sa datos ng Department of Health, umabot na ngayon sa 15,527 ang aktibong kaso ng COVID sa bansa.


Sa kabuuan, umabot na sa 4,113,093 ang tinamaan ng virus sa bansa, pero 4,031,113 rito ang nakarekober na.


May 66,453 naman na kabuuan ang nasawi dahil sa virus.


Ang National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas at Bicol region naman ang top region na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na 2 linggo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page