top of page
Search

ni Madel Moratillo | June 8, 2023



ree

Tiniyak ng bagong talagang kalihim ng Department of Health (DOH) na si Ted Herbosa na wala siyang plano na ibalik ang kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.


Matatandaang sinuspinde ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbebenta at pamamahagi ng Dengvaxia vaccine sa bansa maging ang pagbawi nito noon sa merkado. Kasunod ito ng mga ulat ng pagkasawi umano ng ilan sa mga batang naturukan ng bakuna. Kalaunan, umamin ang manufacturer nito na Sanofi Pasteur na maaaring magdulot ng “severe symptoms” ang bakuna kung maituturok sa hindi pa tinatamaan ng dengue.


Noong nakaraang taon, una nang sinabi ng DOH na pinag-aaralan nila ang posibilidad ng paggamit ng anti-dengue vaccine.


Mula Enero 1 hanggang Mayo 13, umabot na sa 48,109 dengue cases ang naitala sa bansa. Mas mataas ito ng 38% kaysa 34,963 na kasong naitala sa kaparehong panahoon noong 2022. Mayroon namang 176 ang nasawi dahil sa dengue.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 6, 2023



ree

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Gilbert Teodoro, Jr., bilang bagong kalihim ng Department of National Defense at si Dr. Teodoro Herbosa bilang bagong kalihim ng Department of Health.


Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang appointment nina Gibo at Ted matapos makipagpulong si Marcos kina Teodoro at DND Senior Undersecretary Carlito Galvez, Herbosa at Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa magkakahiwalay na pagpupulong sa Palasyo, kahapon.


 
 
  • BULGAR
  • May 30, 2023

ni Madel Moratillo | May 30, 2023



ree

Umabot sa 11,667 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakaraang linggo.


Sa datos ng Department of Health, mula Mayo 22 hanggang 28, ang average na kaso ng virus infection ay 1,667. Pero mas mababa ito ng 6% kung ikukumpara sa naitala noong

Mayo 15 hanggang 21.


Nakapagtala naman ng dagdag na 105 bagong kaso ng severe at kritikal habang wala namang naidagdag na bagong kaso ng nasawi.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page