top of page
Search

ni Madel Moratillo | June 22, 2023



ree

Sinimulan na ng Department of Health ang pagbibigay ng bivalent COVID-19 vaccine para sa mga priority groups kahapon.


Dumalo nang personal si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kickoff ceremony sa Philippine Heart Center sa Quezon City.


Unang tumanggap ng bakuna si Health Sec. Ted Herbosa, para ipakita sa publiko na ligtas ang 3rd booster kontra-COVID.


Aniya, isa ito sa paraan para makaiwas sa sakit at maging handa sa anumang pandemya.


Ang mga healthcare workers at senior citizens ang prayoridad na mabigyan ng bakuna.


Nasa 390,000 bivalent vaccines ang unang dumating sa bansa na donasyon ng Lithuania.


Ayon kay Herbosa, may 2 milyong doses ang under negotiation pa sa Covax facility.

Sakaling maaprubahan, karagdagan itong doses na matatanggap ng Pilipinas.


 
 

ni Madel Moratillo | June 14, 2023



ree

Tiniyak ni Health Secretary Teodoro Herbosa na maghahanap siya ng solusyon para hindi na mag-abroad ang mga Pinoy nurse at manatili na lang sa Pilipinas.


Ayon kay Herbosa, sa ngayon ay nasa 4,500 ang bakanteng plantilla position sa Department of Health pa lang.


Aminado ang kalihim na kung malaking sahod ang pag-uusapan, mahihirapan silang pigilan ang mga nurse kaya maghahanap sila ng paraan para mapigilan ang mga nurse na mangibang bansa.


Ayon kay Herbosa, mahirap ang buhay sa ibang bansa.


Sa ngayon, tinitignan aniya ng DOH ang mga lisensyadong nurse na nagtatrabaho sa mga BPO, flight at sales industry, at mga piniling maging medical representative.


Ayon kay Herbosa, kailangan ng gobyerno ang mga nurse para sa mga programang pangkalusugan.


Hindi aniya puwedeng maubusan ng mga nurse ang Pilipinas kaya tiniyak niyang aaksyunan ang problema.


"If nurses need to be paid, they should be paid. I don't want them to leave the Philippines," ani Herbosa.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 14, 2023



ree

Hinikayat ni Senador Francis Tolentino ang Department of Health (DOH) na pag-aralan ang posibilidad na payagan ang mga dayuhang doktor na pansamantalang makapagpraktis sa Pilipinas.

Sa kanyang lingguhang programa sa radyo sa DZRH, ipinaliwanag ni Tolentino na tiyak na makikinabang ang local medical industry sakaling payagan ang mga dayuhang doktor na magsanay sa bansa hindi lamang pagdating sa pagpapalitan ng mga ideya, kundi pati na rin sa aspeto ng ‘transfer of technology.’

“Mayroon naman pong mga doktor na rehistrado sa ibang bansa na gusto mag-practice for a brief period dito sa ating bansa na espesyalista talaga doon… sandali (lang) sila rito, hindi naman para makipag-compete. Magkakaroon ito ng transfer of technology,” paliwanag ng Senador.

Ayon pa kay Tolentino, maraming foreign doctors na nagpapahiwatig na magsagawa ng medical practice sa bansa, ngunit ang kasalukuyang protective policy ang pumipigil sa kanila na gawin ito.

“Bukod nga doon sa maraming mga espesyalista, lalo 'yung mga kababayan nating nasa abroad nagpa-practice, sa Amerika, na gustong tumulong dito — hindi lang medical mission, 'yung pangmatagalan na 'yung siguro talagang may affinity sila dito sa ating bansa,” diin ni Tolentino.

Binanggit naman ni Health Secretary Teodoro Herbosa, na naging panauhin ni Tolentino sa programa, ang kanyang karanasan noong nagtrabaho siya sa Malaysia bilang visiting professor sa isang medical university kung saan ang Philippine medical license at ang kanyang akreditasyon sa Philippine Medical Association ay sapat na para makapag-practice ng medisina si Herbosa doon.


Makikipag-ugnayan umano si Herbosa sa Professional Regulations Commission (PRC) sa posibilidad na paluwagin ang kasalukuyang licensing rules upang payagan ang mga foreign doctors na pansamantalang magpraktis ng kanilang propesyon sa bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page