top of page
Search

ni Lolet Abania | January 18, 2021




Umabot na sa kabuuang bilang na 9,595 ang may COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos na tamaan ang 70 kawani ng nasabing virus.


Gayunman, ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay umabot sa 9,087 kung saan 25 na nadagdag na personnel na may respiratory illness ang nakarekober, habang 28 sa mga kapulisan ang namatay.


Mayroon namang 480 na active cases ang sumasailalim na sa treatment o quarantine.


Pinapayuhan na agad na makipag-ugnayan sa PNP Health Service ang kawani na makakaranas ng anumang sintomas ng virus.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 17, 2021




Nagpositibo sa COVID-19 si Cagayan Vice-Governor Melvin Vargas Jr., ayon sa kanyang Facebook post noong Sabado. Saad ni Vargas, “asymptomatic at mild” ang kanyang kaso at nanawagan din siya sa kanyang mga nakasalamuha na mag-isolate.


Aniya, “Ikinalulungkot ko pong ipaalam sa inyo na ako po ay nagpositibo sa COVID-19 at bagama't ako’y asymptomatic at mild lamang ang aking kaso, nararapat lamang na ipaalam ko ito sa publiko na aking pinaglilingkuran.


“Akin pong inaabisuhan ang lahat ng aking nakasalamuha na mangyari lamang na mag-isolate upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.”


Inanunsiyo rin ni Vargas na isinailalim sa lockdown ang Vice-Governor’s Office at Sangguniang Panlalawigan Office para makapagsagawa ng disinfection.


 
 

ni Lolet Abania | November 1, 2020




Nagpositibo sa test sa Coronavirus si Simona Halep, tinaguriang world’s no. 2 sa women’s tennis, at sumasailalim na sa self-isolation.


"Hi everyone, I wanted to let you know that I tested positive for COVID-19," sabi ng 29-anyos na Romanian sa kanyang Twitter account. "I am self-isolating at home and am recovering well from mild symptoms.”


Gayunman, ayon kay Halep, maayos ang kanyang kalagayan at maganda ang pakiramdam. "I feel good ... we will get through this together."


Ayon pa kay Halep, hindi siya nagtungo sa New York para sa U.S. Open Grand Slam ngayong taon dahil sa pangamba niya para sa kanyang kalusugan sanhi ng COVID-19 pandemic.


Samantala, nagwagi si Halep sa French Open noong 2018 at siyang reigning Wimbledon champion. Nagtungo siya sa Paris para lumaban ng Grand Slam subali’t tinalo siya ng naging kampeon na si Iga Swiatek sa fourth round sa French Open sa Roland Garros nitong nakalipas na buwan.


Tinanggihan na ni Halep ang Women's WTA Tour na nakaiskedyul ang tournament sa Austria mula November 9, 2020 dahil para sa kanya, tapos na ang 2020 season kasabay ng pagkatalo niya sa French Open.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page