top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | October 01, 2023


ree

Kinoronahan ang Taguig Generals bilang kampeon ng 2023 National Basketball League (NBL-Pilipinas) President’s Cup matapos takasan ang bisitang KBA Luid Kapampangan, 88-87, Biyernes ng gabi sa siksikang Jun Duenas Gym sa Signal Village. Winalis ng Generals ang seryeng best-of-five, 3-0.

rumatrat ng 14 sunod-sunod na puntos at magbanta, 72-83, at apat na minuto sa orasan. Hindi pa tapos ang KBA Luid at humabol hanggang maging isa na lang ang pagitan matapos ang tres ni Cyruz Antiza, 87-88, at anim na segundong nalalabi.


May pagkakataon ang Generals pero minintis ni Lerry John Mayo ang dalawang free throw. Napunta kay Lhancer Khan ang rebound at tumira siya ng three-points na hindi pumasok.


Biglang tinapik papasok ni Calvin Suing ang bola sabay tunog ng busina at nagdiwang ang mga Kapampangan. Naging saglit lang ang kasiyahan at binawi ng mga reperi ang buslo na hudyat ng selebrasyon ng Generals. Nanguna sa Taguig si Mark Edison Ordonez na ipinasok ang 10 ng kanyang 19 puntos sa huling quarter. Sumuporta si Edzel Galoy na may 12 at sina Jonathan Lontoc at Mike Jefferson Sampurna na parehong may 11 puntos.


Namuno sa Kapampangan si Khan na may 21 at Marc Jhasper Manalang na may 15.


Nagtala ng tig-12 sina Antiza at Suing. Si Sampurna ang pinarangalan ng MVP ng Finals matapos magtala ng 48 puntos sa tatlong laro. Tatlo na kampeonato ng Generals kasama ang 2019 Season Two at 2022 Chairman’s Cup, lahat sa gabay ni Coach Bing Victoria.

Bago ang laro, iginawad kay Khan ang MVP ng torneo. Sinamahan siya sa Mythical Five nina Sampurna at Mayo ng Taguig, Raymart Amil ng Tatak GEL Binan at Verman Magpantay ng Cam Sur Express.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 30, 2023


ree

Mga laro ngayong Sabado – Mall of Asia

2 p.m. UE vs. UST

4 p.m. ADMU vs. NU


Bitbit ang sapat na panahon upang maghanda, sasabak na sa aksiyon ang walong paaralan sa 86th UAAP ngayong Sabado sa Mall of Asia. Bubuksan ng host University of the East ang telon kontra sa gutom at handang sumakmal na University of Santo Tomas ng 2:00 ng hapon pagkatapos ng tradisyonal na pambungad na palabas sa 12:00 ng tanghali.


Bilang host, determinado ang UE na magpasikat kaya binago ni Coach Jack Santiago ang buong koponan at naiwan lang sina Abdul Sawat, Rey Remogat, Miguel Tulabut, Ryzel Guillena, Josiah Alcantara, Vlari Lingolingo at MJ Langit. Nagtapos ang UE na may 5-9 panalo-talo noong UAAP 85.


Nagpasikat noong nakaraang taon si Nic Cabanero sa kanyang 17.6 puntos bawat laro subalit kinapos siya ng tulong sa kakampi at natalo ang UST ng 13 magkasunod matapos magwagi sa unang laro sa Adamson University at naging kulelat ng liga. Magbabago na ang lahat na iyan sa pagbalik ni Coach Pido Jarencio na naghatid ng 2006 kampeonato sa Growling Tigers.


Sa pangalawang laro, sisimulan ng Ateneo de Manila University ang depensa ng kanilang korona laban sa National University sa 4:00 ng hapon. Ayon kay Coach Tab Baldwin, inaasahan niyang lalaban ang Bulldogs dahil galing ito sa Final Four noong nakaraang taon at lalong nagpalakas.


Susi pa rin sa tinatamasang tagumpay ng Blue Eagles ang patuloy na pagkuha ng mahuhusay na manlalaro mula sa lahat ng sulok ng mundo at una dito si Mason Amos na hindi pa naglalaro sa UAAP ay may karanasan na sa Gilas Pilipinas. Sasamahan ni Amos ang mga nagbabalik na sina Kai Ballungay, Chris Koon at Vince Gomez.


Isang lamang ni Coach Jeff Napa ay halos buo pa rin ang Bulldogs sa pangunguna ng mga gwardiyang sina Kean Baclaan at Steve Nash Enriquez. Aabangan din ang unang salang sa kolehiyo ni UAAP 85 Boys MVP Reinhard Jumamoy.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 29, 2023


ree

Laro ngayong Biyernes –Jun Duenas Gym

6:30 p.m. Taguig vs. Kapampangan


Ilalabas na ba ang mga walis ngayong Biyernes? Nakatutok ang Taguig Generals na wakasan ng maaga ang seryeng best-of-five para sa 2023 National Basketball League (NBL-Pilipinas) President’s Cup subalit gagawin ng bisitang KBA Luid Kapampangan ang lahat upang manatiling buhay sa Game 3 simula 6:30 ng gabi sa Cong. Jun Duenas Gym sa Signal Village.


Mabagsik na porma ang inilabas ng Generals upang makuha ang Game 1, 92-74, at sinundan ng matinding pagparusa sa KBA Luid sa Game 2, 108-90. Nakalusot sa Kapampangan ang pagkakataon na maitabla ang serye sa 1-1 sa kanilang tahanan Colegio de Sebastian Gym sa San Fernando City.


Apat na General ang gumagawa ng 10 o higit na puntos bawat laro sa serye sa pamumuno ng mga makapigil-hiningang mga kinikilos nina Mike Jefferson Sampurna (18.5 PPG) at Dan Anthony Natividad (14.0 PPG). Nandiyan din ang tahimik pero epektibong tambalan nina Jonathan Lontoc (16.5 PPG) at Lerry John Mayo (13.0 PPG).


Matapos painitin ang elimination round at semifinals sa kanyang shooting, bumaba ang opensa ni Lhancer Khan ng KBA Luid mula 24.2 PPG sa 18.5 PPG sa finals at mahalaga na maibalik ang mga nawala niyang puntos. Humuhugot din ang Kapampangan ng puntos mula kay Marc Jhasper Manalang (20.0 PPG) at Miko Rainster Santos (11.5 PPG).


Bago ang laro, gagawaran ng liga ang Most Valuable Player at Mythical Five. Napipisil na nangungunang mga kandidato para sa pinakamataas na parangal sina Sampurna ng Taguig at Khan ng Kapampangan ayon na rin sa dami na nauwi nilang Best Player buhat noong nagbukas ang torneo noong Hunyo 16.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page