top of page
Search
  • BULGAR
  • Jul 2, 2023

ni Mylene Alfonso | July 2, 2023



ree

Sugatan ang isang drayber matapos na sumabog ang isang Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa isang tindahan kamakalawa ng gabi sa Laon-Laan St., Sampaloc, Maynila.


Ginagamot na sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Romulo Perante, 42, driver ng Metro North Gas Corporation.


Batay sa imbestigasyon ng Manila Police District-Station 14, alas-11:30 ng gabi nang mangyari ang insidente.


Nagpapahinga umano ang biktima nang biglang sumabog ang isang 11-kilogram na tangke sa establisimyento.


Sa lakas ng impact, sugatan ang biktima kung saan mabilis na isinugod sa pagamutan.


Nasa mahigit P40,000 ang napinsalang ari-arian.


 
 

ni Mylene Alfonso | July 1, 2023



ree

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community na poprotektahan sila ng kanyang administrasyon laban sa anumang diskriminasyon.


"We in the Philippines, ang habol lang naman talaga natin is that everybody is treated [equally], not for any other thing — not for race, not for creed, not for orientation — but just as Filipinos. This government, that's what it's trying to do," wika ni Marcos sa isinagawang pulong sa Palasyo kasama ang mga miyembro ng LGBT Pilipinas, isang grupo na sumuporta sa kanyang presidential bid noong nakaraang taon.


Sa pulong, hiniling ng LGBT Pilipinas na magkaroon sila ng representasyon sa pamamagitan ng pagbuo ng isang advisory body o commission sa LGBTQIA+ affairs sa ilalim ng Office of the President.


Nabatid na humingi ng suporta ang grupo kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa pag-endorso ng nasabing panukala na posibleng aprubahan umano ni Pangulong Marcos.


"Knowing my husband, I’m sure he will grant the wish because he knows that you all campaigned for him and he wouldn’t be there without you guys. So, thank you very much. I think it’s our way of giving back to those who helped him in the election," pahayag ng First Lady.


Matatandaang nakabinbin pa rin sa Kongreso ang Sexual Orientation, Gender Identity and Expression, and Sex Characteristics (SOGIESC) bill sa gitna ng pagtutol ng mga religious groups kung saan dalawang dekada nang walang proteksyon ang mga miyembro ng LGBTQIA+ ayon kay Senadora Risa Hontiveros.


 
 

ni Mylene Alfonso | June 30, 2023



ree

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng asahan ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa National Capital Region (NCR) sa darating na buwan.


Ito ay makaraang maglabas ng kautusan ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng Wage Order No. NCR-24 noong Hunyo 26, 2023.


Nabatid na magiging P610 na ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa NCR mula sa kasalukuyang P570 para sa non-agriculture sector workers.


Para naman sa agriculture sector, service, at sa mga retail establishments na may 15 o mas kaunting manggagawa gayundin ang mga manufacturer na may mas mababa sa regular na 10 manggagawa ang kanilang daily minimum wage ay magiging P573 mula sa P533.


Matatandaang ang huling wage order para sa mga manggagawa sa pribadong establisimyento sa NCR ay inilabas noong Mayo 13, 2022, na naging epektibo noong Hunyo 4, 2022.


Sinabi ng DOLE na kanilang isinumite ang wage order para sa pagpapatibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) noong Hunyo 26, 2023.


Inaprubahan naman ng NWPC ang wage order noong Hunyo 27, 2023 at nakatakdang ilathala sa mga pahayagan ngayong Hunyo 30, ayon sa DOLE.


"With its official publication set on June 30, the new daily minimum wage rate for private sector workers in NCR shall take effect 15 days after or on July 16, 2023."


Binanggit din ng DOLE na nasa 1.1 milyong minimum wage earners sa NCR ang inaasahang direktang makikinabang sa kautusan.


Dagdag ng DOLE, “About 1.5 million full-time wage and salary workers earning above the minimum wage may also indirectly benefit as a result of upward adjustments at the enterprise level arising from the correction of wage distortion.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page