top of page
Search

ni Mylene Alfonso | July 4, 2023



ree

Pinuna ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang kampanya ng Department of Tourism (DOT) na "Love the Philippines" dahil sa pangongopya mula sa ginagamit na tourism slogan ng bansang Cyprus.


Tinawag din ni Castro na budol ang tourism campaign ng DOT na mababang uri na trabaho na nagpapababa sa kredibilidad at integridad sa industriya ng turismo.


"This type of shoddy work undermines the credibility and integrity of our tourism industry," ani Castro sa isang pahayag.


"It is unacceptable for the Marcos government to resort to plagiarizing campaign slogans from other countries. We should be showcasing the unique culture, heritage, and natural wonders that make the Philippines truly remarkable," ani Castro.


Tinukoy ng House deputy minority leader ang kampanyang "Love Cyprus" na inilunsad ng Cyprus Deputy Ministry of Tourism noong 2021.


Sinabi rin ni Castro na ang usapin ay nagdulot ng malaking kahihiyan para sa Pilipinas sa international community dahil sa paggamit ng mga stock footages.


Samantala, inihayag naman ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na una nang nanita dahil sa hindi pagkakasama ng Bulkang Mayon sa bagong video na sintomas talaga ang una niyang puna na “trabahong tamad”.


"Clearly, the exclusion of Mayon and other tourist attractions intrinsic to the Philippine brand was just a symptom of "trabahong tamad' that is now evident to everyone," banggit ni Salceda.


 
 

ni Mylene Alfonso | July 3, 2023



ree

Pinalagan ni Sendor Raffy Tulfo ang aniya'y anti-poor na plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na patawan na ng buwis ang mga chichirya sa susunod na taon.


Aniya, ang mga chichirya ay ang abot-kayang meryenda ng mga mahihirap at kung minsan pa nga ay ginagawa pa itong ulam ng mga nasa sektor ng poorest of the poor.


Kadalasan pa aniya, ito'y nagiging necessity na sa halip na luxury.


Kaya kapag pinatawan ito ng buwis, magiging dagdag-pasakit umano ito.


“Bakit pinagdidiskitahan ng BIR ang mga chichirya at nais nilang patawan ng buwis ang mga ito? This is very anti-poor!,” saad ng senador.


“Kung ang pakay nila ay para makalikom ng dagdag-kita para sa kaban ng bayan mula sa mga consumer products, bakit ‘di nila punteryahin ang mga luxury items gaya ng mga food supplements, protein bars, energy bars, slimming drinks pati na maging mga cosmetic products?” dagdag pa niya.


Sa ilalim ng panukala tungkol sa buwis, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na plano ng DOF na magpataw ng P10 kada 100 gramo o P10 kada 100 mililitro ng buwis sa mga pre-packaged na pagkain, kabilang ang mga confectioneries, meryenda, dessert at frozen na confectioneries.


Ayon kay Tulfo, dapat ibaling ng BIR ang kanilang atensyon sa mga food supplements at cosmetic products.


Binigyang-diin niya na ang food supplements at cosmetic products ay mga multi-billion pesos industry at nakatitiyak ang BIR na bilyones din ang kanilang malilikom na buwis mula rito kung kanilang nanaisin.


“Dito, hindi maaapektuhan ang mga maliliit nating kababayan dahil ang tumatangkilik ng mga produktong ito ay mga consumers na hindi naghihikahos,” punto ni Tulfo.


“Bakit hindi nila kausapin ang mga manufacturers para babaan ang paghalo ng sodium dito?” tugon ni Tulfo kaugnay sa dahilan naman ng Department of Health (DOH) sa pagsang-ayon sa BIR para ma-discourage umano ang mga consumer ng chichirya dahil sa high sodium contents nito para maiwasan ang diabetes at obesity.


Aniya, tulad sa Singapore na nakahanap ng low sodium substitute ang mga manufacturers doon para sa ilan nilang mga processed food product na hindi naman nalalayo ang lasa.


 
 
  • BULGAR
  • Jul 3, 2023

ni Mylene Alfonso | July 3, 2023



ree

Natupok ang isang bahagi ng Diamond Hotel matapos sumiklab ang isang sunog, kahapon ng umaga sa panulukan ng Roxas Boulevard at J. Quintos Street, Malate, Maynila.


Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-8:20 ng umaga nang mangyari ang sunog.


Nagsimula umano ang apoy sa sauna machine na ginagamit ng hotel kung saan idineklarang fireout, alas-9:22 ng umaga.


Wala naman namatay o nasugatan sa nabanggit na sunog at inaalam pa ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page