top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 12, 2023



ree

Nagpatupad ng ikalawang yugto ng bill deposit refund para sa kanilang eligible consumer ang More Electric and Power Corporation (More Power), electricity provider sa Iloilo City.


Ang kusang pagsasauli ng bill deposit ay inisyatibo ng kumpanya bilang pagpapahalaga sa mga consumers na hindi pumalya at nagbabayad ng kanilang electric bill sa tamang oras sa loob ng 36 buwan o tatlong taon.


Matatandaang noong Mayo, unang nagbalik ng bill deposit ang nasabing kumpanya, nitong Hunyo naman ay nasa 20 consumers ang nakatanggap, habang ngayong Hulyo, 65 konsyumer ang mabibigyan ng refund at hanggang sa pagtatapos ng taon ay inaasahang nasa 777 customers pa ang magiging eligible sa programa.


Ipinaliwanag ni More Power President at CEO Roel Castro na hindi reward ang bill deposit refund kundi karapatan ng mga konsyumer sa ilalim ng Magna Carta for Residential Consumers.


Ayon naman kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Atty. Monalisa Dimalanta, karapat-dapat lamang na ikomenda ang More Power sa magandang halimbawa na ipinapakita nito sa ibang distribution utilities.

Ikinatuwa rin ng lokal na pamahalaan ng Iloilo City ang maayos na serbisyo ng More Power.


"This exemplary act sets the benchmark for others to follow," ani Francis Cruz, Special Assistant to Mayor Jerry Treñas.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 11, 2023



ree

Tinawag ni Sen. Raffy Tulfo na moro-moro at hao-xiao ang raid ng mga awtoridad sa Philippine Offshore Gaming Operation facility sa Las Piñas City noong Hunyo 27, kung saan 2,714 ang na-rescue kabilang ang mga Pilipino at banyaga.


Ayon kay Tulfo, 13 araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin malinaw ang imbestigasyong ginagawa ng mga pulis tungkol sa POGO-related crimes at mga taong nasa likod nito.


Kaya naghain ng resolusyon si Tulfo upang imbestigahan ang nasabing raid at mapanagot ang lahat ng mga tao sa likod ng POGO-related illegal activities.


Mula umano sa isang reliable source ni Tulfo sa Camp Crame, ginagawang tila gatasan lang ng raiding team ang mga banyagang nahuli at hinuhuthutan ng pera bago pakawalan.


Nagkakatawaran pa aniya bago matubos ang mga nahuling foreigner kung saan aabot sa P250,000 para pakawalan ang isang Chinese national at P50,000 sa Vietnamese national at mas malaki pa kung mas mataas pa ang ranggo.


Kinuwestiyon din ang ginawa ng mga awtoridad na basta na lamang pinalaya ang lahat ng Pilipinong nahuli kahit walang maayos na imbestigasyon kung sila ay sangkot sa krimen, tulad ng human trafficking at love scam.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 10, 2023



ree

Aarangkada na ngayong araw ang pabibigay ng Bivalent COVID-19 vaccines para sa senior citizen o A-2 group.


Ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna, sabay na rin nilang tuturukan ng bivalent vaccines ang A1 group o mga health workers sa mga senior citizens (A2).


Ayon sa advisory, pangungunahan ni Lacuna at Manila Health Department (MHD) chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan ang pagbabakuna ng Pfizer COVID-19 na bivalent vaccines sa nasabing priority groups.


Gayunman, nilinaw ni Dr. Pangan na maaari lamang mabakunahan ang priority groups kung sila ay nakatangap na o nakapagpabakuna na ng 2nd booster sa nakalipas na apat hanggang anim na buwan.


Isasagawa ang pagbabakuna aa 44 health centers sa buong lungsod.


Kinakailangan naman na dalhin ang mga vaccination card habang ang iba naman ay hinihimok na magparehistro via online.


Patuloy na nananawagan ang Manila LGU sa ibang health workers at maging sa mga senior citizens na sumalang na sa pagbabakuna para dagdag-proteksyon sa kanila at maging sa mga kapamilya.


Nabatid na nakahanda ang lungsod na bakunahan kahit na hindi residente ng Maynila


 
 
RECOMMENDED
bottom of page