top of page
Search

ni Mylene Alfonso @Business News | July 19, 2023



ree

Kinalampag ni Sen. Risa Hontiveros ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at hiniling na aksyunan ang reklamo ng mga environmentalist at business group na kumukontra sa pagtatayo ng P23 billion Samal Island-Davao City Connector (SIDC) Bridge.


Ayon kay Hontiveros, tinalakay niya ang isyu sa deliberasyon ng DPWH budget noong 2023 matapos marinig ang reklamo ng mga maaapektuhan ng nasabing proyekto.


Aniya, dapat ibahin ng DPWH ang disenyo ng proyekto bukod sa dapat magsagawa rin ng konsultasyon sa iba’t ibang stakeholders. Aniya, kontra ang iba’t ibang grupo sa naturang proyekto dahil sa magiging epekto nito sa kalikasan partikular sa coral reefs at mangrove areas sa Samal Island.


Ang SIDC ay isa sa mga pangunahing infrastructure projects ng Duterte administration. Itinatayo ang proyekto sa Bgy. Limao sa Island Garden City ng Samal, at Bgys. Vicente Hizon, Sr. Angliongto at R. Castillo sa Davao City.


Ang proyekto, na pinondohan mula sa utang mula sa China, ay iginawad sa China Road and Bridge Corporation, isang state-owned construction company.


 
 

ni Mylene Alfonso @Business News | July 19, 2023



ree

Sisikapin umano na matulungan ang mga micro, small and medium enterprises (MSME) na lumago upang makalikha ng mapapasukang trabaho at oportunidad na pagkakakitaan ng publiko.


Ginawa ni Speaker Martin Romualdez ang pangako sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng National Food Fair (Philippine Cuisine and Ingredients Show) na pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa SM Megamall sa Mandaluyong City.


Aniya, una nang inaprubahan ang ilang panukala at mayroon pang mga aaprubahan upang matulungan ang mga maliliit na negosyo gaya ng Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) Act at House Bill No. 1171 o ang One Town, One Product Act (OTOP).


Ito umano ay nakahanay sa polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


Idinagdag nito na naglaan ang Pangulo ng P1.2 bilyon sa ilalim ng 2023 national budget upang suportahan ang mga programa para sa MSME.


Ang GUIDE Act, na isa si Romualdez sa pangunahing may-akda ay nag-oobliga sa mga government financial institution gaya ng Land Bank of the Philippines at Development

Bank of the Philippines (DBP) na maglaan ng pondong ipapautang sa mga maliliit na negosyo.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 19, 2023



ree

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa publiko na hindi mapupunta sa pagbili ng mga mamahalin o magagarang bagay ang Maharlika Investment Fund (MIF).


"Eh, nanonood ako ng television sabi ko, siyempre kinakausap ko ang TV, saan n'yo kaya iniisip na ilalagay 'yan, bibili kami ng magagarang kotse? Bibili kami ng malaking yate?


That’s... it makes me laugh because that is so far from the truth," ani Marcos.

Una nang nilagdaan ng Pangulo nitong Martes ang Maharlika Investment Fund Act of 2023 sa Palasyo kung saan inilagay ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na susuporta sa mga layunin sa ekonomiya ng administrasyon.


Sa paglagda ng Republic Act (RA) No. 11954 bilang batas, ang bansa ay magkakaroon ng kapasidad at kakayahan na mamuhunan sa lahat ng napakahalagang proyektong ito tulad ng agrikultura, imprastraktura, digitalization pati na rin ang pagpapalakas ng value chain.


Ang mga financing institution ng gobyerno ay magsasama-sama na ngayon ng mga mapagkukunang pinansyal na hindi utang para hindi maalis ang iba pang mga obligasyon sa pagpapautang na kailangan nilang tuparin sa ilalim ng kani-kanilang mga mandato.


Higit pa rito, ang pondo ay may potensyal na mag-funnel sa panlabas na financing, na binabawasan ang pasanin ng pamahalaan upang matustusan ang imprastraktura sa pamamagitan ng mga paghiram at mga buwis.


Ihahanda na ang implementing rules and regulations (IRR) para sa paglikha ng Maharlika Investments Corp. (MIC), para sa pagpapakilos at paggamit ng MIF para sa mga pamumuhunan.


Ang MIC ay inaasahang magkakaroon ng hindi bababa sa P75 bilyon na paid-up capital ngayong taon, na may P50 bilyon na mula sa Land Bank of the Philippines (LBP) at P25 bilyon mula sa Development Bank of the Philippines.


Napag-alaman na aabot sa kabuuang P500B ang nasa ilalim ng MIF.


Ang pondo ay mamumuhunan sa isang malawak na hanay ng mga asset, kabilang ang mga dayuhang pera, fixed-income na mga instrumento, domestic at foreign corporate bonds, joint ventures, mergers and acquisitions, real estate at mga proyektong imprastraktura na may mataas na epekto, at mga proyektong nauugnay sa sustainable development.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page