top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 1, 2023



ree

Balak ng European Union na gawing "digital hub" ang Pilipinas sa Southeast Asia.

Ito ang inihayag ni European Commission President Ursula Von der Leyen sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Malacañang.


"My third point is on turning the Philippines into a digital hub in the region. Global Gateway will also play a crucial role here, and European companies are ready to come and invest in the Philippines," wika ni Von der Leyen.


"We will launch this year the digital economy package for the Philippines, that is we will work together on fast and reliable connectivity with submarine cables on cybersecurity training, and on deployment and development of 5G," saad ng foreign official.


Sa unang kalahati ng taong 2023, ika-83 ang Pilipinas sa 142 na bansa sa bilis ng internet ayon sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 1, 2023



ree

Nagliyab ang ikaanim na palapag ng Palacio del Gobernador na tanggapan ng Bureau of Treasury (BOT) kahapon ng tanghali sa Intramuros, Maynila.


Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog, alas-12:39 ng tanghali na tumagal ng tatlong minuto matapos ideklarang fireout ng alas-12:42 ng tanghali.


Itinuring naman ng BFP na isang 'rubbish fire' ang nangyaring sunog.


Nagsimula ang sunog sa Cooperative office ng BOT. Agad na napigilan ng safety teams ng mga ahensiya na may opisina sa lugar ang apoy bago pa man tuluyang lumaki.


Nagsasagawa naman ng assessment ang BFP, dahilan para suspendihin ni Commission on Election George Garcia ang trabaho ng mga empleyado.


Tiniyak naman ni Comelec Spokesman John Rex Laudiangco na hindi naapektuhan ang ginagawang paghahanda sa BSKE election at maging ang trabaho ng mga empleyado ng Comelec.


Patuloy namang iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog.


Walang naiulat na namatay o nasaktan sa insidente.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 31, 2023



ree

Hinimok ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pamahalaan na gawin ang tama at huwag idaan sa lakas ang pagtugon sa West Philippine Sea (WPS).


Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos ang debate sa Senado tungkol sa Senate Resolution 659 na inihain ni Sen. Risa Hontiveros.


Layon ng resolusyon na hikayatin ang Philippine government sa pamamagitan ng

Department of Foreign Affairs na maghain ng resolusyon sa United Nations General Assembly na mananawagan sa China na itigil na ang pangha-harass sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa WPS.


Dapat umanong magpatuloy ang diskusyon sa WPS at kailangan ng “maturity” sa pagtugon sa problema at pagbuo ng istratehiya.


Sinabi rin ng mambabatas na dapat maalam ang bansa sa usapin ng geopolitics at maging sensitibo sa mga galaw ng magkakaribal na makapangyarihang mga bansa.


Unang sinabi ni Cayetano sa plenaryo na kaisa siya ng mga senador sa panawagan na itigil ng China ang harassment sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, pero iginiit niya na dapat maging maingat sa kung anong istratehiya ang gagawin na hindi ikakahina ng bansa sa harap ng international community.


Sinabi rin ni National Security Adviser Eduardo Año na dapat pinag-iisipan at pinag-uusapan nang maayos ang isyu bago gumawa ng anumang hakbang lalo na kung ito ay tungkol sa pag-akyat sa UNGA.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page