top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 5, 2023



ree

Muling bumagal ang inflation rate o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Hulyo 2023.


Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Philippine Statistics Authority Undersecretary Claire Dennis Mapa, naitala sa 4.7% ang inflation rate nitong Hulyo na mas mababa sa naitalang 5.4% noong Hunyo 2023 at 6.4% noong Hulyo 2022.


Ang average inflation naman mula Enero hanggang Hulyo ay nasa antas na 6.8%.


Kabilang sa mga nag-ambag sa pagbagal ng inlfation ay ang mababang singil sa kuryente, renta sa bahay, mababang presyo ng LPG, gayundin ang pagkain gaya ng manok, tilapia at puting asukal.


Sa transportasyon naman, isa sa nagpabagal sa inflation ay ang mababang pasahe sa jeepney, pamasahe sa eroplano at pamahase sa bus.


Samantala, pagdating sa overall inflation nitong Hunyo, ang pangunahing nag-ambag ay ang food and non-alcoholic beverages kabilang ang pagbaba ng presyo ng bigas, sibuyas at itlog.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 4, 2023



ree

Naghain ng House Resolution 1150 ng si ACT-CIS Cong. Erwin Tulfo para rebyuhin ang “Expanded Solo Parent Act” o Republic Act 11861 dahil maraming solo parents ang walang natatanggap na ayuda.


“'Yung P1,000 na buwanang dapat ibigay ng mga LGU (local government units) hindi raw naibibigay lalo na 'yung nakatira sa mga maliliit na bayan o munisipyo,” ayon kay Cong. Tulfo.


“Gusto natin malaman ngayon, papaano kung walang budget ang munisipyo, saan na kukunin ang P1K ayuda para sa solo parent kasi nasa batas ito?” dagdag pa ng mambabatas.


Nalulungkot din siya na malaman na maraming mga supermarket at mga botika ang hindi nagbibigay ng 10 percent discount sa mga solo parent na nakasaad naman sa batas.


“Kaya we ask the Department of Trade and Industry na ipaalam sa mga business establishments na dapat bigyan ng discount ang mga single moms o solo parents,” dagdag pa ni Tulfo.


“Ayon sa batas, dapat exempted din sa VAT ang mga pinamili ng mga solo parents pero hindi naibibigay sa kanila,” sabi ni Tulfo.


Kasama ni Tulfo ang kasamahan sa ACT-CIS Partylist na sina Cong. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo na nag-file ng nasabing resolusyon.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 4, 2023



ree

Kinastigo ni Sen. Chiz Escudero ang lokal na puwersa ng pulisya ng Bonifacio, Misamis Occidental dahil sa 'di pa naipatutupad na suspensyon sa mag-asawang Mayor Samson at Vice Mayor Evelyn Dumanjug.


Ani Escudero, 16 na araw na ang suspensyon ng mag-asawa at ang kanilang mga kahalili ay nagtatrabaho na.


Bilang tugon, inihayag ni Philippine National Police Regional Office 10 Regional Director Brigadier General Lawrence Coop na isang “political standoff” ang sitwasyon at wala umano sa hurisdiksyon ng PRO-10 ang makialam.


Ibinahagi pa ni Coop na iniutos din ng Bonifacio municipal police chief na panatilihin lamang ang kapayapaan sa buong panahon.


Idinepensa naman ni PNP Chief Benjamin Acorda ang mga probisyon sa kanilang protocol sa mga opisyal na maghintay muna sa executory order ng quasi-judicial bodies at administrative bodies.


Gayunman, ani Escudero, bagama't hindi dapat pumanig ang mga tagapagpatupad ng batas, hindi rin ito dapat maupo kung may paglabag na ginagawa sa mismong harapan nila.


Matatandaang nasuspinde ang mga Dumanjug matapos masangkot sa pagbili umano ng overpriced at substandard na special vehicles noong 2022.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page