top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 10, 2023



ree

Bilang pagpapatibay sa pangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa labor upskilling, inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na target nilang mapabuti ang employability at mapakinabangan ang mga benepisyo ng demographic dividend ng bansa.


Ito ay alinsunod sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang employment rate ng bansa noong Hunyo 2023 ay 95.5 percent, na mas mataas sa naiulat na 94.0% sa parehong buwan noong nakaraang taon.


Isinasalin ito sa 48.84 milyong may trabahong indibidwal noong Hunyo 2023, mula sa 46.59 milyon noong Hunyo 2022.


Samantala, ang unemployment rate noong Hunyo 2023 ay 4.5%, na mas mababa sa 6.0% na naitala noong Hunyo ng nakaraang taon.


Kaya ang bilang ng mga taong walang trabaho noong Hunyo 2023 ay bumaba mula 2.99 milyon noong Hunyo 2022 hanggang 2.33 milyon.


Kapansin-pansin, ang rate ng trabaho sa mga kabataan ay tinatayang nasa 90.1% o 6.45 milyon, na mas mataas kaysa sa 88.2% noong Hunyo 2022.


“Habang ang bilang ng mga kabataang manggagawa ay patuloy na lumalawak, ang administrasyong Marcos ay nagsusumikap na tumuon sa pagsasanay at pagpapahusay ng kasanayan upang mapabuti ang kanilang kakayahang magtrabaho para sa mga trabahong may mataas na kalidad at mataas na sweldo,” pahayag ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 10, 2023



ree

Tutulak sa Estados Unidos si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa darating na Nobyembre upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leader’s Summit na gaganapin sa San Francisco, California.


"I look forward to joining fellow APEC Leaders in California this year. This will be my third trip to the U.S. since I assumed office,” sabi ni Marcos sa courtesy call ng US-ASEAN Business Council na ginanap sa Malacañang.


"With energy security high in the economic agenda, we are particularly interested in sustainable land, water, and ocean solutions that align with our climate goals and support our plans to transform the Philippines into an upper Middle-Income Country by the year 2025," wika pa ng Pangulo.


Una nang dumalo si Pangulong Marcos sa United Nations General Assembly sa New York noong Setyembre 2022.


Nagkaroon din ng state visit ang Pangulo sa Washington, DC noong Mayo.


“I have called for Philippine-United States economic engagement to boost two way trade especially critical sector such as infrastructure, agriculture, clean energy including nuclear energy, green metals and critical metals, IT-BPO, and semi-conductor, resilience on climate change,” banggit pa ni Pangulong Marcos.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 10, 2023



ree

Ipinag-utos ni House Speaker Martin Romualdez ang isang renewed campaign upang pababain ang presyo ng sibuyas sa merkado, kasunod ng mga ulat na aktibo na naman ang mga hoarders at minamanipulang muli ang presyo nito.


Ayon kay Romualdez, lumitaw sa monitoring ng House Committee on Agriculture and Food na ang presyo ng sibuyas sa merkado ay nagsisimula na namang tumaas mula sa P90 hanggang P180 kamakailan.


“Nagsisimula na namang maging aktibo ang mga hoarders at price manipulators ng sibuyas. We will nip this problem in the bud. Hindi natin papayagan na pumalo ang presyo nito sa halagang ‘di abot-kaya ng ordinaryong Pilipino,” ani Romualdez.


“Akala yata ng mga hoarders at price manipulators na ito, hindi natin sila binabantayan.

Sa pagkakataong ito, hindi nila tayo malulusutan. Pakikilusin natin ang lahat ng sangay ng gobyerno para maibalik sa dati ang presyo ng sibuyas,” dagdag pa niya.

Inihayag din ni Romualdez na hiniling niya sa mga opisyal ng Bureau of Plant and Industry (BPI) na mag-report sa kanyang tanggapan upang maipaliwanag sa kanya at iba pang lider ng Kamara kung bakit nagagawa na namang imanipula ng mga hoarders ang presyo ng sibuyas.


Paliwanag niya, naipagbili na ng mga onion farmers ang kanilang ani sa mga wholesalers, ngunit nananatili pa ring kulang ang suplay, at mataas ang presyo ng sibuyas.


“Kung hindi nila ilalabas ang mga produkto nila, baka mapilitan ang gobyerno na mag-import ng sibuyas. Hindi naman maaapektuhan ang mga magsasaka dahil wala na sa kanila ang mga produkto nila. ‘Yung mga hoarders at price manipulators ang siguradong malulugi kung may importation,” paliwanag pa niya.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page