top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 12, 2023



ree

Dinoble ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para sa social pension ng indigent senior citizens sa bansa kung saan mula sa P500 na buwanang pensyon ay magiging P1,000 na.


Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na nasa P49.81 bilyong pondo ang inilaan sa social pension para sa 2024 National Budget. Doble umano ito mula sa P25.30 bilyong pondo sa 2023 General Appropriations Act (GAA).


"The budget for social pension for indigent senior citizens will be doubled to P49.81 billion to cover the increased government monthly allowance of P1,000 for more than 4 million indigent senior citizens who are not part of the pension system," pahayag ni Pangandaman.


Ang programa ay nagbibigay ng karagdagang tulong ng gobyerno na P500 buwanang allowance upang madagdagan ang pang-araw-araw na gastusin at iba pang pangangailangang medikal ng mga mahihirap na senior citizen na mahihina, may sakit, o may kapansanan; na walang regular na kita o suporta mula sa pamilya at mga kamag-anak; at walang pensyon mula sa pribado o institusyon ng gobyerno.


Nabatid na nagsimula noong 2011 ang Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPIC) Program sa pamamagitan ng Republic Act 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 11, 2023



ree

Pabibilisin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang paggastos sa mga darating na quarter para mabawi ang momentum kasunod ng 4.3 percent economic expansion ng ekonomiya ng bansa sa ikalawang quarter ng taong ito.


Sa magkasanib na pahayag nitong Huwebes, sinabi ng mga economic manager ng administrasyong Marcos na para sa ikalawang quarter, ang 4.3% paglago ng gross domestic product (GDP) ay bunsod ng mga pagtaas sa paggasta at komersyal na pamumuhunan na may kaugnayan sa turismo, pero napigilan ng mataas na presyo ng mga bilihin, mga epekto ng pagtaas ng interes, pagliit sa paggasta ng gobyerno, at mas mabagal na paglago ng ekonomiya sa buong mundo.


“While government expenditure contracted by 7.1 percent in the absence of election-related spending in the first half of the year, government spending will accelerate in the coming quarters to allow us to recover our growth momentum,” pahayag ng mga economic managers.


Ang economic team ay binubuo ng mga opisyal mula sa Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF) at National Economic and Development Authority (NEDA), na pawang itinalaga bilang economic managers ni Pangulong Marcos.


Tinalakay na ng Economic Development Group (EDG), ayon sa mga opisyal, kung paano mapapabilis ng iba't ibang ahensya ng gobyerno ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto sa nalalabing bahagi ng taon.


Ang mga ahensya ng gobyerno, kabilang ang mga lokal at regional entities ng pamahalaan, ay hinihikayat na bumalangkas ng mga catch-up na plano, pabilisin, at maging frontload ang pagpapatupad ng nasabing mga programa at proyekto.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 11, 2023



ree

Idineklarang “persona non grata” sa siyudad ng Maynila ang drag performer na si Amadeo Fernando Pagente o mas kilala bilang Pura Luka Vega.


Ang resolusyon ay unanimously inaprubahan ng Manila City Council (MCC) noong Agosto 8.


Una rito, mainit na pinag-usapan sa online world ang video ng drag artist na makikitang nakabihis bilang si Hesus habang kumakanta at sumasayaw ng remix version na “Ama Namin”.


"Ito pong taong ito ay walang habas at 'di man lang pinag-isipan ang kanyang ginawa. Isang kalapastangan po ang kanyang ginawang palabas. Hindi po dapat itong palagpasin kasi 'pag pinalagpas natin ito, baka mapamarisan po ito. Kailangan na po nating gumawa ng aksyon," pahayag ni Fifth District Councilor Ricardo “Boy” Isip na siyang pangunahing may-akda ng resolusyon.


Bukod sa Maynila, sumunod na nagdeklarang persona non grata na rin ang lalawigan ng Bukidnon laban sa drag queen.


Nauna nang nagdeklara ng pagka-persona non grata kay Vega ang General Santos City sa South Cotabato, Floridablanca sa Pampanga, at Toboso sa Negros Occidental.


Nabatid na kapag ang isang tao ay persona non grata, nangangahulugang hindi siya welcome sa nabanggit na lugar, bagama’t walang nakasaad sa batas na maaari siyang dakpin o arestuhin kapag pumasok siya sa mga lugar na ito.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page