top of page
Search
  • BULGAR
  • Aug 24, 2023

ni Mylene Alfonso @News | August 24, 2023



ree

Maglalaan ang Department of Budget and Management (DBM) ng P15. 3 bilyong pondo para sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa susunod na taon.


Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na pagtupad ito sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na bigyan ng maayos na edukasyon at mapalakas pa ang skills development ng mga kabataang Filipino.


Bukod aniya sa pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa, tututukan din ng gobyerno ang human capital development sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na edukasyon.


“Access to quality education will also be at the forefront of the government’s education agenda through the Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE),” ani Pangandaman.


Sa budget message ni Pangulong Marcos, sinabi nito na kailangan tutukan ang job at skills mismatch sa bansa.


“By implementing targeted programs and initiatives, we can bridge the gap between job requirements and workers’ skills by equipping them with the necessary expertise to thrive in evolving industries. As the country’s economy continues to recover and the need for more skilled workers continues to rise, it is crucial to retrain, reskill, and retool our workforce,” dagdag ng Pangulo.


Nabatid na may nakalaan ding P3.4 bilyon para sa TESDA’s Free Technical-Vocational Education and Training initiative kung saan makikinabang ang nasa 38,179 enrollees at 10,126 graduates.


Samantala, P200 milyon din na inilaan para sa education assistance sa Private Educational Student Financial Assistance (PESFA) program na magbibigay ng training fees at allowances sa 9,708 estudyante at 8,737 na graduates.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 24, 2023



ree

Isa ang innovative education program ng Taguig City sa pakikinabangan ng mga estudyante ng EMBO Barangays na parte na rin ng lungsod.


Ayon kay JV Arcena, assistant secretary for special concerns and international press secretariat, kumpara sa Makati City na nag-aalok ng scholarship sa Top 10% lamang ng kanilang estudyante, sa Taguig City ay nag-aalok ng oportunidad sa lahat ng estudyante at hindi hadlang kung anuman ang kanilang academic achievements.


Ang tinutukoy na programa ay ang alok na “flexible” scholarship kung saan nagbibigay ang Taguig LGU ng financial assistance sa mga estudyante na mula P15,000 hanggang P110,000 kada taon, depende sa nais na scholarship ng estudyante.


Isa sa nakinabang sa scholarship ng Taguig ang De La Salle University student na si Briann Sophia Reyes.


Bukod sa libreng uniform at school supplies, nakatatangap pa umano siya ng cash incentive at allowance habang nag-aaral noon sa Cayetano Science High School at ngayong nag-aaral na siya sa DLSU ay patuloy pa rin siyang nakakatanggap ng scholarship allowance mula sa Taguig.


Nilinaw din nito na ang scholarship ng Taguig ay hindi lamang para sa mga nasa Top rank sa klase kundi para sa lahat at walang pinipili.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 23, 2023



ree

Hands-off dapat ang Makati City sa mga EMBO schools kasunod ng ipinalabas na order ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, subalit ilang guro ang nag-report ng paglabag ng lungsod sa kautusan.


Ilang guro mula sa mga paaralan ang nagpaabot ng kanilang report ng paglabag ng Makati City sa order ni Duterte kabilang na ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati LGU sa Pitogo High School.


Ang nasabing school supplies ay ipinadala umano sa pamamagitan ng courier service delivery ng Makati.


Ang tangkang pagpapasok ng school supplies ng Makati ay tinanggihan ng mga guro dahil batid nitong dapat may kautusan muna mula sa DepEd.


Patuloy pa rin umano ang paglalagay ng mga bagong tarpaulin sa mga EMBO schools na nakasaad na “This Property is owned by Makati City”.


Matatandaang sa hangarin na maalis ang tensyon sa pagitan ng Makati at Taguig, nagpalabas ng Memorandum No 23-2023 si Duterte na nag-uutos na ilagay sa direct authority ng DepEd ang 14 na public schools sa EMBO.


Ang DepEd Central Office ang may direct supervision sa management at administration habang hindi pa natatapos ang transition plan para sa paglilipat sa Taguig City ng mga EMBO schools.


Nakapaloob din sa memo na habang nasa transition period ang lahat ng kilos ng Makati at Taguig LGUs ay may pahintulot muna mula sa DepEd Office of the Secretary.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page