top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 31, 2023



ree

Aprubado na ng Department of Budget and Management ang paglikha ng 5,000 non-teaching positions sa Department of Education.


Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, layunin nitong mabigyan ng sapat na manpower at masuportahan ang mga guro sa pagbibigay ng dekalidad na pagtuturo sa mga estudyante.


Binubuo ang 5,000 items ng 3,500 Administrative Officer (AO) II positions na layuning tanggalin sa mga guro ang administrative tasks na sumusuporta sa mga operasyon.


Habang ang 1,500 Project Development Officer (PDO) I positions ay tutulong sa mga AO II at iba pang non-teaching personnel sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ilang programa, proyekto at aktibidad na pinangungunahan ng mga eskwelahan o mandato ng DepEd Central Office.


Nabatid na makatatanggap ang mga nasa AO II at PDO I positions ng basic salary na P27,000 (SG-11) base sa Fourth Tranche Monthly Salary Schedule for Civilian Personnel of the National Government.


"Malaking tulong po ito sa ating mga guro na ma-unload sila sa mga administrative work at maka-focus sa pagtuturo sa mga estudyante,” ayon pa kay Pangandaman.



 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 30, 2023



ree

Inirekomenda ni Senador Ronald 'Bato' dela Rosa na ibalik ang batuta at pito sa mga pulis matapos ang nangyaring pamamaril sa binatilyong si Jemboy Baltazar.


Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa pagkamatay ng 17-anyos na si Baltazar na binaril ng mga pulis matapos na mapagkamalan nilang suspek sa isang krimen.


"As we were going down the elevator kanina kasama ko si Chief PNP (General Benjamin Acorda), sinabi ko sa kanya na siguro ‘w ag na kayong maghintay pa na gagawa pa tayo ng batas, ang Senado o Kongreso gagawa pa ng batas. Gawin n'yo na ngayon, unahan na ninyo, you make your own policy ibalik n'yo ‘yan as part of the uniform ‘yung batuta at saka ‘yung pito para sige tayo sabi ng force continuum dito from non-lethal to less lethal to lethal pero as part of the uniform, meron ba kayong less lethal equipment d'yan? Wala," sinabi ni Dela Rosa na dating hepe ng PNP.


Kumbinsido si Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na gumamit agad ng baril ang mga pulis sa nangyari kay Baltazar dahil walang "less lethal" na armas ang mga pulis.


"Importante talaga dahil kapag nakita ka ng tao na tumatakbo pituhan mo. That’s a sign of authority. Para hindi tatakbo ‘yun. Hindi ‘yung paputok agad," sabi pa ng senador.


Ayon pa kay Dela Rosa, kung hindi na gusto ng mga pulis ang tradisyunal na batuta, mayroon na ngayon na mga modernong pamalo tulad ng telescopic baton.


Una nang inihayag ni Dela Rosa na dapat gamitin lang ng pulis ang kanilang baril kapag nalalagay sa panganib ang kanilang buhay.




 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 30, 2023



ree

Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang bagong batas na magtatatag ng specialty centers sa lahat ng regional hospitals ng Department of Health at ng Government-owned or Controlled Corporations.


Sa ilalim ng Republic Act No. 11959 o Regional Specialty Centers Act, inoobliga ang DOH na maglagay ng specialty centers sa mga ospital sa bawat rehiyon upang 'di na luluwas ng Maynila ang mga pasyente para magpakonsulta o magpagamot.


Target na maserbisyuhan ng itatatag na specialty centers ang mga may sakit na cancer, sakit sa puso, baga, bato, renal care at kidney transplant; brain at spine care, trauma care at burn care.


Gayundin ang orthopedic care, physical rehabilitation medicine, infectious disease at tropical medicine, toxicology, mental health, geriatric care, neonatal care, dermatology, eye care at ear, nose and throat care.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page