top of page
Search

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | September 8, 2022




Wowoweee… may pagpipistahan na naman ang mga belong sa grupo ng mga Marites, Mosang at ilang vloggers 'coz may latest na pinag-uusapan sa showbiz world.


Anik daw?


Well, ang latest na tsika ay ganitey…


Kung ang ex-labs niyang si Joshua Garcia ay naging action star sa Darna with Jane de Leon, ito namang si Julia Barretto ay nagpa-sexy to the max at super sweet kay Carlo Aquino sa Viva Films movie titled Expensive Candy na showing na this coming September 14 in theaters nationwide.


Yes, sir! Ibang Julia Barretto na ang mapapanood sa nasabing pelikula at hindi na reserved at pa-tweetums 'di tulad noong nasa Kapamilya Network pa siya.


Hanep at nakakaelya ang kanyang wankatitat, lalo na ang kanyang matambok na wetpu at napaka-sweet niya kay Carlo na tipong laging nagpi-flirt bilang prosti.


Para siyang matamis na candy or ice candy na ang sarap sipsipin, sa true lang.


Pero lalo na sigurong bigay-todo siya sa pagpapa-sexy at pagpapa-sweet kung ang ex-labs niyang si Joshua Garcia ang kanyang naging partner, devah naman, mga Marites, Marisol, Mosang tribes?


'Yun na!


Pero kahit na hindi si Joshua Garcia or Carlo Aquino ang kanyang naging partner sa Expensive Candy, for sure ay naging "expensive" naman ang TF na ibinayad ng Viva kay Julia para gumanap itong prosti sa movie.


Saka tipong bagay na sa edad now ni Julia ang magpa-sexy at maging pantasya ng moviegoers, in pernes. May ibubuga naman siya sa pagpapa-sexy na nakakaelya, sa true lang.


Sa red carpet premiere night ng Expensive Candy ay kasama ni Julia ang kanyang mommy dearest na si Marjorie Barretto na tipong may basbas naman sa pagpapa-sexy now ng kanyang dyunak.


But how about Julia's biological father na si Dennis Padilla, matanggap kaya nitey ang pagpapa-sexy ng kanyang panganay?


What do you think, Madam Damin? Pakihulaan na lang po, please?!


 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 24, 2022




May ilang buwan na ring hiniwalayan ni Carla Abellana ang husband niyang si Tom Rodriguez na diumano'y nag-ugat sa selosan at iba pang kadahilanan, as in away-mag-asawa.


Last March ay lumipad patungong Amerika si Tom at ilang Pinoy doon ang nakakita sa kanya sa isang event bilang special judge sa naganap na Miss Philippines USA sa San Diego, California.


Sa ilang socmed posts ay kitang-kita na ang laki ng ipinayat ni Tom na parang si yours truly, chos!

At sa isang interview via Chika Minute of 24-Oras ay umamin si Tom na miss na miss na raw niya ang pagiging artista.

“I really miss performing and collaborating, not just with my peers and my predecessors, but also collaborating with the audience. You know that, the rapport,” aniya sa kanyang interview.


When asked tungkol sa kanyang kalagayan ngayon, sagot niya, “I’m okay and I really, really appreciate the sentiments. I miss all of you guys right back, so I can’t wait to see all of you again. Let’s collaborate, let’s work on something — all of us.”

Ibinalita rin ni Tom na may pinagkakaabalahan siyang projects doon habang nasa Amerika, senyales na unti-unting nagiging aktibong muli sa showbiz ang aktor.

“We got a few things lined-up. I have been lucky enough to be part of a series of shows.

Hopefully, I can start plugging them soon.”

Sa mga hindi nakakaalam, Tom is not only an actor but he is also a singer. Kaya nga minsan ding naging parte siya noon ng Sunday show ng GMA-7 na All Out Sundays.

Boom, ganern!


At kung magkakabalikan pa sila ni Carla Abellana as husband and wife, well, only God knows and according to His will, amen!


 
 

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | August 16, 2022




Ang daming bashers ni Jane de Leon na tipong 'di raw kagandahan ang wankatitat bilang bagong Darna 2022, ha?!


Kagabi (Lunes) ay nagsimula nang lumipad ang Darna ng Kapamilya Network. Pero nu'ng grand preskon pa lang ng action serye ay may ilang nang-bash na agad sa bida ng Darna na si Jane.


Mas okay pa raw ang wankatitat ni Janella Salvador kesa kay Jane dahil nu'ng rumampa sa red carpet grand preskon ng new Darna series ay para itong beauty queen na rumampa at kita ang makinis nitong dibdib at may cleavage. 'Di raw tulad ni Jane na balot na balot ang katawan sa suot niyang white outfit at tipong may kapayatan.


Dinepensahan naman ni Jane ang sarili by saying, “Ang sa akin, panoorin muna nila ‘yung Darna para ma-appreciate nila ‘yung character ko and me as Jane de Leon."


Inamin din niyang nasasaktan siya sa pamba-bash ng mga netizens, pero naiintindihan niyang kailangan niyang patunayan ang kanyang sarili bilang Darna lalo't marami nang unang gumanap sa Pinoy superheroine role na ito.


Well, Jane, at least, kahit 'di ka pa super-sikat, binabato ka na ni Ding… este ng mga bashers, so be thankful na lang at ngayon pa lang ay napapansin ka na nila.


Dagdag-publicity din 'yun para sa 'yo, okidoki?


'Yun lang and I thank you.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page