top of page
Search

ni MC @Sports | November 14, 2023



ree


Laro Ngayon (Rizal Memorial Coliseum)


8 a.m. – Marikina City vs PGJC Navy (men’s)

10 a.m. – VNS Asereht vs RTU (men’s)

12 p.m. – University of Batangas vs Cignal (men’s)

2 p.m. – Kuya JM-Davao City vs Volida Volleyball Club (men’s)

4 p.m. – Parañaque vs Volida Volleyball Club (women’s)

6 p.m. – Philippine Air Force vs Davao City (women’s)

Pananatilihin ng Cignal HD at PGJV Navy ang mainit na simula laban sa magkahiwalay na kalaban upang palakasin pa ang kani-kanilang pag-asa sa playoffs resumption ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Challenge Cup ngayong Martes sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.


Nanggaling ang Sealions sa madaling panalo 25-18, 25-23, 25-10 kontra Plaridel, Quezon para sa umaangat na debut game at determinado na muling kunin ang kontensiyon bagamat lumalakas ang Marikina.


Mapapalaban naman ang HD Spikers sa University of Batangas matapos ang 25-21, 25-16, 25-22 win kontra Savouge Aesthetics sa opener noong nakaraang Linggo. Namahala rin sa panalo ang UB sa unang salang kontra Volida Volleyball Club, 25-14, 25-12, 25-11.


Sa women’s play, sasalang sa debut game ang Volida Volleyball Club sa Pool A kontra Parañaque City ng 4 p.m. habang ang Philippine Air Force at Davao City ay naghahanap din ng unang panalo sa Pool B ng 6 p.m. para sa binubuong Week 2 opener ng torneo.


Wala ring talo ang UAAP runner-up University of Santo Tomas sa dalawang laro ng Pool D, at patuloy ang tikas na ipinapakita sa 20-team men’s division ng PNVF na pinamumunuan ni Ramon “Tats” Suzara bilang penultimate tourney ngayong season matapos ang ilang banner tournaments na idinaos sa bansa ng prestihiyosong Volleyball Nations League.

 
 

ni MC @Sports | November 6, 2023



ree


Nakabawi rin si “Thunder Kid” Adiwang laban kay Jeremy “The Jaguar” Miado matapos makakuha ng unanimous decision victory sa ONE Fight Night 16: Haggerty vs. Andrade noong Sabado sa labang idinaos sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand.


“You saw my fights and I end my fights quickly, but I’m happy that I got this finally,” aniya.


“This fight is for all the fans who wanted to see the rematch. I think we showed that this is the ending and I won that fight.”


Impresibo itong striking display para sa Soma Fight Club student na nagpakitang husay matapos magpadapo ng solidong left hook, panunuhod nang magkabila at magpaulan ng suntok sa karibal sa unang round.


Pero matibay din si Miado, hindi sumusuko at lumalaban pa at nakikipagsabayan sa kapwa Pinoy. Siksik pa sa hangin ang baga ng T-Rex MMA sa loob ng 3 rounds at binigyan pa si Adiwang ng sugat sa kanang mata.


Pero ipinakita na rito ni Adiwang na hawak niya ang gabi at hindi kinakitaan ng anumang iniindang dating injured na tuhod dahil paulit-ulit siyang bumibigwas ng sipa sa tatlong sunod na rounds.


“For all of my supporters who were asking about my leg, I think I answered it now. I showed that and I think that’s one key to winning this fight,” aniya, still harking back to their first encounter at ONE X in March 2022 where he suffered the ACL injury. “I got injured but I got back, I got redemption, I got the rematch, and I used my leg so it’s fine now. I’m back.”

 
 

ni MC @Sports | November 5, 2023



ree

Noong nakaraang taon lang, ang Pinay na jiujiteira na si Aleia Aielle Aguilar ang pinakabatang naging world champion sa combat sports na kung saan kilala ang kanyang buong pamilya sa naturang sport.


Noong Huwebes, ang 6- na taong gulang na anak nina Alvin Aguilar- ang founding father ng Filipino mixed martial arts at Maybelline Masuda ay nanatiling may hawak ng korona para sa ikalawang sunod na world title sa 2023 Abu Dhabi World Festival Jiu-Jitsu Championships sa Mubadala Arena sa United Arab Emirates.


Dahil sa karanasan ni baby Aguilar tinalo niya si United Arab Emirates bet Maitha Earani at napabagsak niya sa armbar maneuvering sa loob ng 12 segundo para sa gold medal ng Girls Kids 2 white belt 17 kg category.


Great to see my daughter fighting and representing the flag this time. Her hard work, discipline have finally paid off in training all these years,” ani Aguilar. “Last year, I didn’t see it live, so I am happy and we’re all very proud of you for making another historic moment for the Philippines.”


Tinalo niya si Brazilian Gabriella Kulzer, 4-1 sa semifinal round. Idinagdag ng amang si Aguilar na hindi kumurap ang kanyang anak sa harap ng kalaban tuwing susugod ito.


“She is always ready every time they move, every time they try to something on the mat. She is fearless,” paglalarawan niya.


Sinaksihan nina Alvin, misis niyang si Masuda at anak na sina Lucho at Axelia ang great performance ng kanilang little cute daughter na si Aleia Aielle na ibinalabal ang bandila ng Pilipinas sa kanyang balikat matapos ang matamis na panalo.


Dumating si Aguilar, pangulo ng Wrestling Association of the Philippines, founding head ng Universal Reality Combat Championship at DEFTAC Philippines sa Abu Dhabi matapos gabayan ang Philippine delegation sa matagumpay na kampanya sa World Combat Sports bilang chef de mission.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page