top of page
Search

ni Anthony Servinio @Sports | December 3, 2023



ree

Ipinagpatuloy pa rin ng mga upcoming volleyball star na sina Teegan Van Gunst at Kimberly Hildreth ng United States ang pagpapakitang gilas bilang top-ranked bets s papasok sa quarterfinals ng Volleyball World Beach Pro Tour Challenge women’s division kahapon sa world-class Nuvali Sand Courts sa Santa Rosa City, Laguna.


Madaliang nanalo ang Americans, ranked No. 80 sa buong mundo pagkapasok sa qualifying round, nang gitlain ang world No. 25 Niina Athtiainen at Taru Lahti-Liukkonen ng Finland sa Round of 16 sa nakagigitlang 28-30, 21-18, 15-11 reverse sweep para makasampa sa quarterfinals.


Kinailangan nina Gunst at Hildreth na manguna sa 32-team qualification para tuluyang makasampa sa 24-team main draw kung saan sila tumapos na segunda sa pool play para magmartsa sa susunod na round.


Kabilang sa panalo nila sa main draw ang inspirational 21-15, 21-14 win kontra home bets Jen Eslapor at Floremel Rodriguez, napapabilang sa pinakamababang ranked na team sa quarterfinals ng pinakamalaking beach volleyball event na inorganisa ng Pilipinas sa likod ng liderato ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara.


Haharapin ng American ang isa pang top team na world No. 13 Taina Silvi Bigi at Victoria Lopes Pereira Tosta ng Brazil. Pinakapos ng Brazilian tandem sina Heather Bansley at Sophie Bukovec ng Canada, 21-17, 21-16 sa isa pang Round of 16 pairing.


Ang iba pang quarterfinal brackets ay ang world No. 14 Anastasija Samoilova at Tina Graudina ng Latvia laban sa world No. 18 Terese Cannon at Megan Kraft ng United States at world No. 21 Daniela Alvarez Mendoza at Tania Moreno Matveeva ng Spain kontra world No. 24 Taravadee Naraphornrapat at Worapeerachayakorn Kongphopsarutawadee ng Thailand.

 
 

ni MC / @Sports | November 18, 2023



ree

Ginamit ng Magnolia Hotshots ang lakas sa unang quarter upang talunin ang NorthPort Batang pier sa bisa ng 112-74 na pananambak sa PBA Commissioner's Cup kagabi sa Big Dome.


Kargado ng kabusugan sa gas ang Magnolia nang dominahin ang Batang Pier na halos nanambak ng 38 puntos bago tuluyang kunin ang ikatlong tagumpay na panalo.


Umasa ang Hotshots sa tikas ni Arvin Tolentino, kung saan ay hindi napantayan ng Batang Pier ang lakas ng Hotshots bagamat nakalamang pa ang Pier sa 2 puntos sa first half.


Pero nagawang pigilan ng Magnolia ang NorthPort sa 8 puntos sa unang quarter at umalagwa pa sa 28 puntos na kalamangan.


Ginanahan pa ang Batang Pier sa second quarter, pero sina Tyler Bey at Ian Sangalang ang namahala para sa kontensiyon ng Hotshots' 56-30 bilang halftime lead.


Tumulong pa sina Paul Lee at Jio Jalalon pagdating ng third period na lalong nagpalubog sa NorthPort at iangat ang kalamangan ng Hotshots sa 31 puntos.


Samantala, tuluyan ng sinipa sa kontensyon ng Cabstars-City of Cabuyao ang Philippine Christian University Dasmarinas-SASKIN sa kuntensyon kasunod dominanteng ng straight set sa iskor na 25-11, 25-19, 25-19, sa 2023 Spiker’s Turf Invitational Conference kahapon sa Paco Arena sa Maynila.


Mas pinaigting rin ng Cabstars ang kanilang pwesto sa solong ikalawang posisyon sa Pool B tangan ang 3-1 kartada, kabuntot ang VNS Griffins (2-1), habang pinangungunahan ng EcoOil-La Salle sa malinis na 3-0 marka. Mapapalayas naman sa kuntensyon ang PCU-Dasma na may 0-4 rekord.


Actually, hanggang ngayon dama namin yung sakit ng pagkatalo namin sa VNS eh so yun yung nagmotivate sa amin today,” wika ni Cabuyao coach Kitty Antiporta, na nakabawi sa dikdikang five-set na laro kontra sa Griffins nitong nagdaang Miyerkules.

 
 

ni MC @Sports | November 18, 2023



ree

Laro Ngayon:(Rizal Memorial Coliseum, Manila)

8 a.m. – ARU vs RTU (women’s)

10 a.m. – Phil Airforce vs TAC (women’s)

12 p.m. – VLD vs CIG (men’s)

2 p.m. – UEA vs SUG (men’s)

4 p.m. – ARU vs VNS (men’s)

6 p.m. – ILO vs UST (men's)

Ginapi ng San Beda University at Philippine Air Force (PAF) ang kani-kanilang mga karibal sa women’s competitions ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Challenge Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.


Umiskor ang undefeated Lady Red Lions ng ikalawang straight victory matapos na tigpasin ang Lyceum of the Philippines University-Batangas, 25-17, 25-13, 25-18, sa loob lamang ng 1 oras at 27 minuto para makapatas ang UP sa ibabaw ng Pool D.


Sa women’s pool B, tinalo ng PAF ang Jose Rizal University (JRU), 25-21, 25-21, 25-17, upang manatiling walang talo sa dalawang laro ng weeklong tournament na suportado ng Philippine Sports Commission ni Richard Bachmann, PLDT, at Rebisco.


Samantala, tinalo ng San Beda ang DLSU-Dasmariñas, 25-19, 25-17, 25-16, habang nanaig ang Air Force sa Davao City, 25-23, 25-15, 24-26, 25-11 para sa kanilang unang panalo sa opening games.


Ang kompetisyon ay inorganisa ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara at nasaksihan ang panalo ng Davao City sa Tacloban City, 25-13, 25-18, 33-31, sa women’s pool B. Pinal na nakuha ng Davao City ang unang panalo matapos ang tatlong laro habang wala pa ring panalo ang Tacloban sa 2 games.


Sa men’s side, tinalo ng NU ang VNS Asereht, 25-23, 22-25, 25-21, 27-29, 15-6 upang umibayo ang wala pang bahid na record sa 2-0 sa Pool B play.


Samantala sa laban noong Huwebes, hindi pinaporma ng mga pambato ng NCAA ang College of St. Benilde at Letran ang kani-kanilang mga karibal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page