top of page
Search

ni MC @Sports | January 24, 2024


ree

Photo: POC / FB

Sisikapin ni Freestyle skier Laetaz Amihan Rabe na sagupain ang malalakas na ib apang atleta at lungkot sa kanyang pagbanat ngayong Miyerkules sa Fourth Winter Youth Olympics.


I feel lonely because I’m the only one in my events,” ayon sa 14-anyos na si Rabe, na una nang nagsasanay sa  Welli Hilli Park Ski Resort kung saan bumagsak ang temperatura sa -15 Celsius kahapon. “But I’m proud and ready for tomorrow [Wednesday],” pahayag niya.


Bahagyang nagtamo ng sugat si Rabe sa panga nang mag-crashed sa  training noong Linggo pero aniya handa siya sa women’s slopestyle na magsisimula ng 9:45 a.m. sa Gangwon, South Korea, tampok ang 20 iba pang strong contenders na mga atleta mula sa Australia, Canada, China, New Zealand, Ukraine at  US bilang paborito.


May iba ring nagtamo ng injuries kahapon—may nasugatan sa ulo at napilayan sa tuhod at nabalian kaya umatras na sa Olympics. 


All those happened on the same day [Monday],” ayon kay Ric Rabe, ama ni Amihan at coach. “Tomorrow is competition day and she’s feeling alone. But she’s in good spirit.


She’s framing her mind to focus and finalize our plan today.”


"I’m so honored and humbled to represent the Philippines while facing my biggest challenge at hand,”  ani Rabe, na nakasalamuha si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino at secretary-general Atty. Wharton Chan sa opening ceremony. 


She’s very friendly,” ani Tolentino. “I’m thankful and proud that I finally met her.”


Ang Slopestyle freeski ay ang pang-skiing pababa ng rails at pagtalon sa ere, habang ang iba pang event ni Rabe sa Linggo ay itatampok ang mga atletang magsisimula sa big jump at gagawa ng airborne spins, grabs at flips.

                                                                                               

 
 

ni MC @Sports | January 13, 2024



ree

Photo: SM Moa Arena / Fb


Umusad na sa semifinals ng Asia Pacific Predator League 2024 Grand Finals ang mga Filipino teams matapos dominahin ang group stages ng tournament.


Pasok na ang DOTA 2 powerhouses na Blacklist Rivalry at Execration sa semifinals ng tournament. Nangibabaw ang Blacklist, sa pangunguna nina Abed Yusop at Kim “Gabbi” Santos, sa Group A matapos ang 4-0 steamrolling ng kompetisyon.


Nakuha rin ng Execration ang semifinal spot na may 3-1 na puwesto sa Group A, kasama ang kanilang nag-iisang talo sa kamay ng Blacklist Rivalry. Natapos ang dalawang Filipino squad sa Group A laban sa Mythic Avenue Gaming ng Malaysia, ZOL Esports ng Pilipinas at India’s Whoops.


Nangunguna ang Team Aster ng China sa Group B ng DOTA 2. Sa Valorant, tinapos ng Team Secret of the Philippines ang paglalaro ng grupo na walang talo kasunod ng dominanteng performance laban sa TODAK ng Malaysia at Ender Dragon ng Singapore.


Nabigo ang Oasis Gaming at ZOL Esports ng Pilipinas na makapasok sa playoffs. Sa mga huling yugto ng Predator League, ang Team Secret ay makakaharap sa Team Flash mula sa Vietnam, FAV Gaming mula sa Japan at BOOM Esports mula sa Indonesia.


Tinapos ng Japanese at Indonesian teams ang group stage nang walang talo. Gaganapin ang grand finals ngayong weekend Sabado sa Mall of Asia Arena.                

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 4, 2023



ree

Mga laro sa Miyerkules - Araneta

12 PM UST vs. NU (W)

4 PM DLSU vs. UP (M)


Inilabas ng De La Salle University Green Archers ang lahat na nalalabing pana upang sugpuin ang University of the Philippines, 82-60, sa Game 2 ng 86th UAAP Men's Basketball Finals kahapon sa Araneta Coliseum. Gaganapin ang winner-take-all Game 3 sa Miyerkules sa parehong palaruan.


Kabaligtaran ng kanilang unang tapatan noong Nob. 29 na nagtapos sa 97-67 pabor sa Fighting Maroons, naglabas ng nahigpit na depensa ang DLSU at nilimitahan ang UP sa tig-11 puntos sa huling tatlong quarter. Kumuha ang Green Archers ng hindi inaasahang lakas mula kay Francis Escandor na pumukol ng apat na tres para lumamang sa halftime, 44-38.

Hindi na pinaporma ang UP at walang nakapigil sa arangkada ng DLSU. Isang balanseng atake ang nagsigurado na may laro sa Miyerkules.

Samantala, ipinakita nina Tina Graudina at Anastasija Samoilova ng Latvia ang kanilang katatagan bilng magpartner ng 7 taon nang gapiin ang tambalan nina Daniela Alvarez Mendoza at Tania Moreno Matveeva ng Spain, 21-14, 21-18 upang tanghaling kampeon ng pinakabagong women's team ng Volleyball World Beach Pro Tour Challenge kahapon sa world-class Nuvali Sand Courts sa Sta. Rosa City.


We’re very happy that we’ve become even more solid as a pair, although we needed to make some adjustments in both sets,” ayon sa 6-foot na si Graudina, 25, na nagsimulang maglaro kasama si Samoilova noong 2016, at magwagi ng 2x sa European Championships 2019 sa Moscow at 2022 sa Munich.


Bilang ranked world No. 14, ang duo ang crowd favorite sa world class courts ng Nuvali kung saan si Graudina ang malakas ang hatak sa fans, naglaro sa semifinal at final na may benda sa kanang pilik-mata.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page