top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 4, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Tuwing ika-unang araw ng Mayo ng bawat taon ay ating ipinagdiriwang ang Araw ng mga Manggagawa. Sa katunayan ay isa itong pista opisyal at walang pasok ang mga empleyado sa araw na ito. Ngunit may mga uri ng manggagawa na nagtatrabaho kahit sa araw na ito. Isa sa mga ito ay ang ating delivery riders.

 

Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, marami sa ating mga kababayan ang umasa sa mga delivery rider para sa mga pangangailangang pagkain sa kanilang mga tahanan at maging sa kanilang mga pinapasukang opisina. Marami rin sa ating mga kababayan ang gumagamit ng courier service upang hindi na nila kailangan pang lumabas para ihatid ang kanilang mga kalakal, dokumento, o anumang legal na bagay na kanilang ipadadala sa kanilang customer o kaanak. 


Nang dahil sa kasama na ang food delivery at courier activities ngayon sa ating new normal, inisyu ng Department of Labor and Employment (DOLE) noong 28 Hunyo 2021 ang Labor Advisory No. 14 Series of 2021 na tumutukoy sa “Working Conditions of Delivery Riders in Food Delivery and Courier Activities.”


Sinasaklaw ng labor advisory na ito ang pagbibigay ng proteksyon sa mga delivery rider sa food delivery at courier activities gamit ang digital platform. Ayon sa nasabing advisory, ang digital platform company ay tumutukoy sa isang tao o kumpanya na nagmamay-ari o namamahala ng isang location-based digital platform kung saan nagtatalaga ng trabaho sa isang lugar para sa food delivery at courier activities.  


Ayon sa nabanggit na labor advisory, ang batayan kung paano matutukoy kung ano ang relasyon ng delivery riders sa digital companies ay sa pamamagitan ng paggamit ng “primacy of facts.” Ang prinsipyong ito ay kinakailangang ayon sa mga kasalukuyang panuntunan, katulad ng mga sumusunod:


  1. Four-Fold Test


Ito ay tumutukoy sa: 1) pagpili at pagkuha ng empleyado; 2) pagbabayad ng sahod; 3) kapangyarihang magdisiplina; at 4) kapangyarihang ikontrol hindi lamang ang resulta ng pagtatrabaho kung hindi pati rin kung paano ito isasagawa. 


  1. Economic Reality Test


Ito ay tumutukoy sa: 1) ang kabuuan ng serbisyong isinasagawa ay kinakailangan at sakop sa negosyo ng employer; 2) kabuuan ng mga equipment at investment at maging ng mga pasilidad na gamit; 3) ang likas at antas ng kontrol ng employer; 4) ang oportunidad ng empleyado sa profit at loss; 5) ang hangganan ng husay, initiative, judgment, at pagtingin ng empleyado sa ikauunlad ng enterprise; 6) tagal ng relasyon ng empleyado at employer; at 7) antas ng pagiging dependent ng empleyado sa kanyang employer para sa kanyang patuloy na pagtatrabaho sa linya ng negosyo ng employer.


  1. Independent Contractor test


Ang isang tao ay itinuturing na independent contractor dahil sa kakaiba niyang kakayahan at talento, at kawalan ng kontrol kung papaanong paraan niya isasagawa ang kanyang trabaho.


Ang mga delivery rider na itinuturing na empleyado ay mayroong karapatang magkaroon ng security of tenure, mag-organisa at sa collective bargaining. Sila rin ay may karapatan sa mga sumusunod na benepisyo:


  1. Minimum wage;

  2. Holiday pay;

  3. Premium pay;

  4. Overtime pay;

  5. Night shift differential;

  6. Service Incentive Leave;

  7. Thirteenth-month pay;

  8. Separation pay;

  9. Retirement pay;

  10. Occupational safety and health standards;

  11. Social benefits e.g. SSS, Philhealth, Pag-IBIG; at

  12. Other benefits sa ilalim ng kasalukuyang batas.


Para naman sa mga delivery rider na itinuturing na independent contractors o tinatawag na freelancers, ang mga termino at kondisyon para sa pagtatrabaho nila ay ayon sa kanilang kasunduan sa mga digital platform companies katulad ng, subalit hindi limitado sa mga sumusunod:


  1. Pagbabayad ng patas na kabayaran para sa pagtatrabaho na hindi bababa sa minimum wage;

  2. Pag-aayos ng registration at coverage sa SSS, PhilHealth at Pag-IBIG;

  3. Pagsunod sa occupational safety and health standards katulad ng paggamit ng personal protective equipment (PPEs), at pagdalo sa mga trainings at seminars ukol sa road and traffic rules at napangangasiwaan ng digital platform company sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan; at

  4. Pakikipag-ugnayan sa mga local government units o merchants sa pagtukoy ng mga nakatalagang delivery areas para sa mga nasabing delivery riders.


Anumang reklamo o hinaing ng mga delivery rider o ng mga digital platform companies laban sa isa’t isa ay aayusin at reresolbahin sa pamamagitan ng conciliation, mediation, inspection o arbitration sa ilalim ng mga kasalukuyang panuntunan at regulasyon.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 3, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Nagsampa ng kaso ang dati naming empleyado para sa kanyang huling sahod at 13th month pay. Gayunpaman, sinisingil namin siya para sa bond dahil hindi niya natapos ang dalawang taong kontrata niya para sa trainings na ibinigay sa kanya. Maaari bang magsampa ng aksyon ang employer para sa nasabing bond? — Gavin



Dear Gavin,


Alinsunod sa Article 224 ng ating Labor Code, ang labor tribunals ay may orihinal at eksklusibong hurisdiksyon sa mga habol para sa mga pinsala na nagmumula sa relasyon ng employer at empleyado. Kaayon nito, sa kasong Comscentre Phils., Inc. and Patrick Boe vs. Camille B. Rocio, G.R. No. 222212, ika-22 ng Enero 2020, sa panulat ni Honorable Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, pinasyahan ng ating Korte Suprema na may hurisdiksyon ang labor tribunals na maggawad hindi lamang ng reliefs sa ilalim ng Labor Code, kundi pati na rin ang mga pinsalang pinamamahalaan ng ating New Civil Code:


In Bañez v. Valdevilla, the Court elucidated that the jurisdiction of labor tribunals is comprehensive enough to include claims for all forms of damages ‘arising from the employer-employee relations.’ Thus, the Court decreed therein that labor tribunals have jurisdiction to award not only the reliefs provided by labor laws, but also damages governed by the Civil Code.


Further, in Supra Multi-Services, Inc. v. Labitigan, while we recognized that Article 224 of the Labor Code had been invariably applied to claims for damages filed by an employee against the employer, we held that the law should also apply with equal force to an employer's claim for damages against its dismissed employee, provided that the claim arises from or is necessarily connected with the fact of termination and should be entered as a counterclaim in the illegal dismissal case. Thus, the ‘reasonable causal connection with the employer-employee relationship’ is a requirement not only in employees’ money claims against the employer but is, likewise, a condition when the claimant is the employer. x x x    x x x   x x x


It is clear that petitioners’ claim for payment is inseparably intertwined with the parties’ employer-employee relationship. For it was respondent’s act of prematurely severing her employment with the company which gave rise to the latter’s cause of action for payment of ‘employment bond.’ As aptly found by the NLRC, petitioners' claim was ‘an offshoot of the resignation of [respondent] and the complications arising therefrom and which eventually led to the filing of the case before the Labor Arbiter.’ Verily, petitioners' claim falls within the original and exclusive jurisdiction of the labor tribunals.


Sa madaling salita, maaaring magsampa ng aksyon o reklamo ang employer upang singilin ng bond ang isang empleyado. Ipinaliwanag ng ating Kataas-taasang Hukuman na hindi maikakaila na ang employment bond ay nagmumula sa relasyon nila bilang employer at empleyado, sapagkat ang aksyon ng empleyado na maagang putulin ang kanyang trabaho sa kumpanya ay nagbunga ng dahilan para sa aksyon naman ng kumpanya na habulin ang kanyang employment bond.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 2, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Nakakuha ang asawa kong foreigner ng pabor na desisyon mula sa ibang bansa patungkol sa estado ng mga anak namin. Nais sana namin itong ipatupad o kilalanin dito sa Pilipinas. Nagsumite na kami ng kopya ng desisyon kung saan may diskusyon ng batas na siyang naging basehan ng nasabing desisyon ng korte sa ibang bansa. Ganoon pa man, may nakapagsabi sa amin na kailangan pa rin diumano ng kopya o patunay ng batas ng bansa na naglabas ng nasabing desisyon. Dahil dito, nais naming maliwanagan kung kailangan pa bang patunayan ang batas sa ibang bansa? Hindi ba sapat na nabanggit naman na sa desisyon ang batas mula sa ibang bansa? Maraming salamat. — Charley



Dear Charley, 


Batay sa iyong mga salaysay ay ninanais mong ipatupad dito sa Pilipinas ang isang desisyon na nagmula sa isang hukuman sa ibang bansa. Ang prosesong ito ay mas kilala sa tawag na petition for enforcement of foreign judgment. 


Para sa iyong kaalaman, bukod sa patunay ng nasabing desisyon ng ibang bansa (foreign judgment), kapwa mahalaga sa ganitong uri ng petisyon sa ating mga hukuman ang patunay ng mga batas ng ibang bansa na naging batayan nito.  Kaugnay nito, kung ang batas ng ibang bansa (foreign law) ang basehan ng nasabing desisyon, nararapat itong patunayan sapagkat ayon sa Korte Suprema sa kasong Kucskar vs. Sekito (G.R. No. 237449, 02 December 2020) sa panulat ni Honorable Associate Justice Jhosep Ylarde Lopez, nakatakda na ang mga batas ng ibang bansa ay hindi pinatutunayan ang kanilang sarili sa hurisdiksyon natin:


Yet, it is settled that foreign laws do not prove themselves in this jurisdiction, and our courts are not authorized to take judicial notice of them. Like any other fact, they must be properly pleaded and proved. xxx The foreign law is treated as a question of fact to be properly pleaded and proved as the judge or labor arbiter cannot take judicial notice of a foreign law.  He is presumed to know only domestic or forum law.” 


Kaakibat nito, nakasaad sa ating Rules of Court, partikular sa Seksyon 24, Rule 132, ang tuntunin o proseso kung papaano maaaring mapatunayan ang isang foreign law:


Section 24. Proof of official record. — The record of public documents referred to in paragraph (a) of Section 19, when admissible for any purpose, may be evidenced by an official publication thereof or by a copy attested by the officer having legal custody of the record, or by his or her deputy, and accompanied, if the record is not kept in the Philippines, with a certificate that such officer has the custody. 


If the office in which the record is kept is in a foreign country, which is a contracting party to a treaty or convention to which the Philippines is also a party, or considered a public document under such treaty or convention pursuant to paragraph (c) of Section 19 hereof, the certificate or its equivalent shall be in the form prescribed by such treaty or convention subject to reciprocity granted to public documents originating from the Philippines.


For documents originating from a foreign country which is not a contracting party to a treaty or convention referred to in the preceding sentence, the certificate may be made by a secretary of the embassy or legation, consul general, consul, vice consul, or consular agent or by any officer in the foreign service of the Philippines stationed in the foreign country in which the record is kept, and authenticated by the seal of his or her office. xxx


Samakatuwid, bilang paglilinaw sa nasabing probisyon, sa nabanggit na kasong Kucskar vs. Sekito, nabanggit ng Kataas-taasang Hukuman na ang talaan ng mga pampublikong dokumento tulad ng mga batas ng isang soberanong awtoridad o tribunal — ay maaaring patunayan sa pamamagitan ng mga sumusunod: 


(1) isang opisyal na publikasyon nito; o 

(2) isang kopya na pinatunayan ng opisyal na may legal na kustodiya. 


Sa mga nabanggit, kung ang rekord ay hindi matatagpuan sa Pilipinas, ang opisyal na publikasyon o kopya ay dapat samahan ng sertipiko na ang opisyal na nagpapatotoo ay may legal na pangangalaga o kustodiya nito. Ang sertipiko ay maaaring ipalabas ng alinman sa mga awtorisadong opisyal ng embahada o konsulado ng Pilipinas na nakatalaga sa ibang bansa kung saan matatagpuan ang rekord, at dapat itong patunayan ng selyo ng kanyang tanggapan. Ang pagpapatunay ay dapat magsasaad sa kabuuan na ang kopya ay tamang kopya ng orihinal, o tiyak na bahagi nito, ayon sa kaso, at dapat itong patotohanan sa pamamagitan ng selyo ng opisina ng opisyal na nagpapatunay.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page