top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 22, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

 Dear Chief Acosta,


May katanungan ako tungkol sa ginawang donasyon ng kuya ko sa hindi pa isinisilang na anak ng kanyang buntis na kasintahan. Matapos ang anim na buwang pagbubuntis ng kanyang kasintahan, ipinanganak ang “fetus” at pinangalanang Gerald. Gayunpaman, namatay si Gerald 20 oras pagkatapos ng kapanganakan. Sa ngayon, gustong bawiin ng kuya ko ang kanyang donasyon na nagkakahalagang tatlong milyong piso. Maaari niya ba itong gawin? Maraming salamat sa inyong kasagutan!

— Johnnette



Dear Johnnette,


Sa Pilipinas, pinahahalagahan at pinoprotektahan ng ating batas ang buhay ng tao kahit hindi pa ito isinisilang. Ayon sa Artikulo II, Seksyon 12 ng 1987 Konstitusyon:


“Section 12. The State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution. It shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception. The natural and primary right and duty of parents in the rearing of the youth for civic efficiency and the development of moral character shall receive the support of the Government.”


Samantala, ayon sa New Civil Code ng ating bansa, partikular sa Artikulo 40 at 4, ang pagkakaroon ng legal na personalidad ng isang tao ay nagsisimula sa kapanganakan. Ngunit itinuturing na ipinanganak ang isang sanggol sa sinapupunan kung ang mga kondisyon na nakasaad sa Artikulo 41 ay makakamtan. Ang Artikulo 40 at 41 ng nasabing Code ay nagsasaad na:


“Article 40. Birth determines personality; but the conceived child shall be considered born for all purposes that are favorable to it, provided it be born later with the conditions specified in the following article. 


Article 41. For civil purposes, the fetus is considered born if it is alive at the time it is completely delivered from the mother’s womb. However, if the fetus had an intra-uterine life of less than seven months, it is not deemed born if it dies within twenty-four hours after its complete delivery from the maternal womb.”


Kaya naman, sa sitwasyon ng iyong kuya, maaari niyang bawiin ang kanyang donasyon kay Gerald na may halagang P3,000,000.00. Ayon sa New Civil Code ng ating bansa, itinuturing na ang “fetus” ay isang tao para lamang sa kanais-nais na layunin o para sa ikabubuti niya hinggil sa mga kondisyong alinsunod sa Artikulo 41 ng nasabing Code. Sa ilalim ng Artikulo 41 ng New Civil Code, upang ituring na ipinanganak, ang isang “fetus” na may “intrauterine life” na mas mababa sa pitong buwan ay dapat mabuhay ng 24 na oras pagkatapos nitong ganap na maipanganak mula sa sinapupunan ng ina.

 

Dahil si Gerald ay nagkaroon ng “intrauterine life” na mas mababa sa pitong buwan at hindi umabot ang buhay sa 24 na oras mula sa pagkapanganak sa kanya, maaaring hindi siya maituring na ipinanganak. Habang ang nasabing donasyon ay pabor sa isang “fetus” pa lamang, ang donasyong ito ay maaaring hindi naging epektibo dahil ang “fetus” ay itinuturing na hindi ipinanganak alinsunod sa kondisyong nakatala sa Artikulo 41 ng New Civil Code. Dahil ang nasabing donasyon ay hindi naging epektibo, maaaring mabawi ng iyong kuya ang tatlong milyong piso (P3,000,000.00).


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 21, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Maaari po bang maging testigo ang taong may intellectual disability? — Dandan



Dear Dandan,


Ang ebidensya ay ang paraan ng pagpapatunay ng mga karampatang katotohanan sa mga paglilitis sa hukuman. Tinatanggap bilang ebidensya kung may kaugnayan ito sa isyung pinag-uusapan, at hindi ipinagbabawal ng batas at mga tuntunin. 


Alinsunod sa ating Revised Rules on Evidence, maaaring maging saksi ang sinuman na may kakayahang makaunawa sa kanilang nasaksihan, at kayang ipahayag o iparating ang mga ito sa iba:


“C. TESTIMONIAL EVIDENCE


1. Qualification of Witnesses


Sec. 21. Witnesses; their qualifications. – All persons who can perceive, and perceiving, can make known their perception to others, may be witnesses.”

 

Sa kasong People of the Philippines vs. Jose Roel Bragais y Sison and Alfredo Tacuyo y Evangelista, G.R. No. 270580, 29 Hulyo 2024, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Marvic Mario Victor Famorca Leonen, inulit ng ating Korte Suprema ang pasya nito na ang mga taong may intellectual disability ay hindi diskuwalipikado para maging isang testigo sa korte dahil lamang sa kanilang kapansanan:


“A person with intellectual disability ‘is not, by reason of such handicap alone… disqualified from testifying in court. [Intellectual disability] per se does not affect credibility. A [person with intellectual disability] may be a credible witness. The acceptance of [their] testimony depends on the quality of [their] perceptions and the manner [they] can make them known to the court. If the testimony of a [person with intellectual disability] is coherent, the same is admissible in court.’

x x x          x x x          x x x


Before A.M. No. 19-08-15-SC amended the Revised Rules on Evidence, this Court had already categorically stated that a person with intellectual disability ‘is not, solely by this reason, ineligible from testifying in court.’ The Court expressly reinforced this stance specifically as to such persons who nevertheless could ‘convey ideas by words or signs and give sufficiently intelligent answers to questions propounded’:


In People v. Trelles, where the trial court relied heavily on the [testimony of therein private complainant, who was a person with intellectual disability,] [regardless] of her ‘monosyllabic responses and vacillations between lucidity and ambiguity,’ this Court held:


A [person with intellectual disability] is not, per se, disqualified from being a witness, her mental condition not being a vitiation of her credibility. It is now universally accepted that intellectual [disability], no matter what form it assumes, is not a valid objection to the competency of a witness so long as the latter can still give a fairly intelligent and reasonable narrative of the matter testified to.


It cannot be gainsaid that a [person with intellectual disability] can be a witness, depending on his or her ability to relate what he or she knows. If his or her testimony is coherent, the same is admissible in court.


To be sure, modern rules on evidence have downgraded [intellectual disability] as a ground to disqualify a witness. As observed by McCormick, the remedy of excluding such a witness who may be the only person available who knows the facts, seems inept and primitive. Our rules follow the modern trend of evidence.


With the A.M. No. 19-08-15-SC amendments to the Revised Rules on Evidence coming into effect, the new Rule 130, Section 21(1) now simply states that ‘[all] persons who can perceive, and perceiving, can make known their perception to others, may be witnesses.’


Clearly, then, there is no basis for the defense’s insistence that ‘Mambo should have been deemed incompetent witness from the onset.’ x x x”


Ipinaliwanag ng ating Korte Suprema na ang kakayahan ng isang tao na tumestigo bilang saksi ay nakasalalay sa kanilang kapasidad na ihatid ang kanilang kaalaman. Kung malinaw at naiintindihan ang kanilang patotoo, maaari itong tanggapin.


Gayundin, binigyang-diin ng ating Korte Suprema sa nasabing kaso ang kahalagahan ng pagpapabuti kung paano tinutukoy ang mga taong may kapansanan. Iminungkahi rin nito ang paggamit ng people-first language, na nagbibigay-diin sa indibidwal, at hindi sa kanyang kapansanan, sa pamamagitan ng paglalagay ng sanggunian sa tao o grupo bago ang pagtukoy sa kapansanan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 20, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Plano kong magsumite ng aplikasyon bilang sales lady sa isang lokal na department store sa aming bayan. Nakita ko sa internet ang isang anunsyo ng trabaho na nagsasabing naghahanap sila ng mga sales lady na may edad 18 hanggang 25 na taong gulang lamang. Ako ay 26 na taong gulang na. Maaari pa rin ba akong mag-apply kahit lumagpas na ako sa itinakdang limitasyon sa edad? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat. — Aingel



Dear Aingel,


Bilang pagtugon ng Estado sa mandato nito na magbigay ng sapat at pantay na oportunidad ng kabuhayan sa mga mamamayang Pilipino, isinabatas ang Republic Act (R.A.) No. 10911 o mas kilala bilang “Anti-Age Discrimination in Employment Act”. 


Bukod sa malinaw na hangad ng batas, binigyang depinisyon ng R.A. No. 10911 ang mga importanteng aspeto na nakapalibot sa diskriminasyon laban sa edad ng mga aplikante. Ayon sa Seksyon 3(c) ng nasabing batas ang isang aplikante ay:


Section 3. Definition of Terms. - As used in this Act: x x x


(c) Job applicant refers to a person who applies for employment; x x x”


Ang isang job applicant o aplikante ay tumutukoy sa isang tao na naghahanap ng trabaho. Binibigyang-diin ng nasabing batas ang pagbabawal sa diskriminasyon o pagbibigay ng hindi pantay na trato sa mga aplikante dahil lamang sa kanilang edad. Nasasaad sa Seksyon 5(a) na:


“Section 5. Prohibition of Discrimination in Employment on Account of Age –


(a) It shall be unlawful for an employer to:


(1) Print or publish, or cause to be printed or published, in any form of media, including the internet, any notice of advertisement relating to employment suggesting preferences, limitations, specifications, and discrimination based on age; x x x”


Ipinagbabawal ng nasabing batas ang pagbibigay ng limitasyon sa edad ng mga tao na naghahanap ng trabaho. Ipinagbabawal ng batas ang paglimbag o paglalathala sa anumang anyo ng media, kabilang ang internet, ng anumang anunsyo ukol sa trabaho na nagpapahiwatig ng mga kagustuhan, limitasyon, espisipikasyon, o diskriminasyon batay sa edad.


Upang sagutin ang iyong katanungan, ang anunsyo ng department store sa internet na nagsasaad ng limitasyon sa edad ng kanilang hinahanap na empleyado ay maaaring maging labag sa batas kung ito ay mapatutunayang nagdudulot ng diskriminasyon. 


Samakatuwid, puwede ka pa ring magsumite ng iyong aplikasyon dahil ang limitasyon na kanilang ibinigay ay maaaring hindi alinsunod sa batas. Maliban na lamang kung ang mga limitasyon sa edad na kanilang itinakda ay sakop ng mga exemptions na pinahihintulutan ng nasabing batas.


Maaari ring maharap sa kaukulang multa o pagkakakulong ang sinumang mapatunayan na lumabag sa R.A. No. 10911. Ayon sa Seksyon 7 nito:


“Section 7. Penalty. - Any violation of this Act shall be punished with a fine of not less than fifty thousand pesos (P50,000.00) but not more than five hundred thousand pesos (P500,000.00), or imprisonment of not less than three (3) months but not more than two (2) years, or both, at the discretion of the court. If the offense is committed by a corporation, trust, firm, partnership or association or other entity, the penalty shall be imposed upon the guilty officer or officers of such corporation, trust, firm, partnership or association or entity.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

 

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page