top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 12, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta, 


Pinaslang ang aking kapitbahay at siya ay kinuhaan pa ng mga personal na gamit ng taong pumaslang sa kanya. May nagsabi sa live-in partner ng biktima na hiwalay na reklamong homicide at theft ang dapat na isampa laban kay X, ang tao na inaakusahan na gumawa ng krimen. Ngunit, may nagsabi rin sa kanya na reklamong robbery with homicide diumano ang nararapat na isampa laban kay X. Ano ba ang pagkakaiba ng mga iyon at alin ba ang reklamo na angkop na isampa? Sana ay malinawan ninyo ako. — Louie



Dear Louie,


Mayroong krimen na Homicide kung ang isang tao ay intensyonal na pinaslang ang kanyang biktima subalit wala ang alinman sa mga qualifying circumstances na nakasaad sa batas upang makonsidera ang naturang pamamaslang bilang Murder. Partikular na nakasaad sa Artikulo 249 ng ating Revised Penal Code:


“Article 249. Homicide. - Any person who, not falling within the provisions of Article 246, shall kill another without the attendance of any of the circumstances enumerated in the next preceding article, shall be deemed guilty of homicide and be punished by reclusion temporal.”


Mayroong krimen na Theft kung intensyonal na kinuha ng isang tao nang walang pahintulot at wala ring karahasan o intimidasyon, para sa kanyang kapakinabangan, ang gamit o bagay mula sa biktima. Ito ay alinsunod sa probisyon ng Artikulo 308 ng ating Revised Penal Code.


“Article 308. Who are liable for theft. - Theft is committed by any person who, with intent to gain but without violence against or intimidation of persons nor force upon things, shall take personal property of another without the latter’s consent.”


Mayroon namang special complex crime na Robbery with Homicide kapag ninakaw o kinuha ng isang tao nang walang pahintulot ang personal na gamit ng biktima sa pamamagitan ng karahasan, puwersa o intimidasyon, mayroon siyang intensyon na matamo o mapakinabangan ang naturang gamit, at dahil sa o bunga ng nabanggit na pagnanakaw ay napaslang ang biktima.


Upang malaman kung ano ang angkop na reklamo na isasampa – kung hiwalay na reklamong Homicide at Theft ba, o special complex crime na Robbery with Homicide – mahalaga na matukoy, batay sa ebidensya, kung ano ang pangunahin na motibo ng tao na inaakusahan ng pamamaslang at pagnanakaw. Para sa higit na kaalaman, ipinaliwanag ng ating Korte Suprema, sa panulat ni Kagalang-galang na Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, sa kasong People of the Philippines vs. Edgardo Catacutan y Mortera alias "Batibot," "Enzo" & "Gerry" (G.R. No. 260731, February 13, 2023):


“As shown, appellant killed Alexander then stole his belongings. These, however, are insufficient to convict appellant of the special complex crime of Robbery with Homicide which requires the following elements: (1) the taking of personal property is committed with violence or intimidation against persons; (2) the property taken belongs to another; (3) the taking is with intent to gain or animo lucrandi; and (4) by reason or on occasion of the robbery, homicide is committed.


We focus on the fourth element of the crime; the killing was by reason of or on occasion of robbery.


In Robbery with Homicide, the robbery is the central purpose and objective of the malefactor and the killing is merely incidental to the robbery. The intent to rob must precede the taking of human life, but the killing may occur before, during or after the robbery. x x x


Relevantly, the Court has held that if the original criminal design does not clearly comprehend robbery, but robbery follows the homicide as an afterthought or as a minor incident of the homicide, the criminal acts should be viewed as constitutive of two offenses and not of a single complex offense.


In People v. Algarme, the Court convicted the accused of separate crimes of homicide and theft since there was no showing that their original intention — determined by their acts, prior to, contemporaneous with and subsequent to the commission of the crime — was to commit robbery. Similarly, in People v. Lamsing, the accused was convicted of separate crimes of homicide and theft since circumstances reveal that his principal purpose was to kill the guard and the taking of the gun was a mere afterthought.” 


Sa sitwasyon na iyong nabanggit, magkahiwalay na reklamo para sa krimen na Homicide at Theft ang maaari na isampa laban kay X kung, batay sa ebidensya na nakalap, ang pangunahin na motibo ni X ay ang pagpaslang sa iyong kapitbahay at ang pagnanakaw ay naganap lamang matapos ang o incidental lamang sa pamamaslang. 


Sa kabilang banda, kung itinuturo naman ng ebidensya na ang pangunahin na motibo ni X ay ang pagnakawan ang iyong kapitbahay, na naganap ang naturang pagnanakaw nang mayroong karahasan, puwersa o intimidasyon, at bunga o bunsod ng marahas, puwersahan o may intimidasyon na pagnanakaw ay napaslang ang biktima, reklamo para sa krimen na Robbery with Homicide ang maaari na isampa laban kay X.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 11, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nang ibigay ko ang resignation letter ko, pinaalalahanan ako ng aming Human Resource personnel patungkol sa non-compete clause na nakasaad diumano sa kontrata ko. May bisa ba ang nasabing clause? — Jake



Dear Jake, 


Kinikilala ng ating batas na ang mga partido sa isang kontrata ay maaaring magtatag ng mga itinatakda, mga sugnay, mga tuntunin, at mga kondisyon, basta’t hindi ito labag sa batas, moralidad, mabuting kaugalian, kaayusan ng publiko, o patakarang pampubliko.


Kaugnay nito, sa kasong Daisy B. Tiu vs. Platinum Plans Phil. Inc., G.R. No. 163512, 28 February 2007, sa panulat ni Honorable Associate Justice Leonardo A. Quisumbing, kung saan pinasyahan na:


As early as 1916, we already had the occasion to discuss the validity of a non-involvement clause. In Ferrazzini v. Gsell, we said that such clause was unreasonable restraint of trade and therefore against public policy. In Ferrazzini, the employee was prohibited from engaging in any business or occupation in the Philippines for a period of five years after the termination of his employment contract and must first get the written permission of his employer if he were to do so. The Court ruled that while the stipulation was indeed limited as to time and space, it was not limited as to trade. Such prohibition, in effect, forces an employee to leave the Philippines to work should his employer refuse to give a written permission. xxx


Conformably then with the aforementioned pronouncements, a non-involvement clause is not necessarily void for being in restraint of trade as long as there are reasonable limitations as to time, trade, and place.


In this case, the non-involvement clause has a time limit: two years from the time petitioner’s employment with respondent ends. It is also limited as to trade, since it only prohibits petitioner from engaging in any pre-need business akin to respondent’s.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 10, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta, 


Nabalitaan ko na meron diumanong pagbabago sa mga alituntunin sa Tanggapan ng mga Piskal o Prosecutor’s Office kung saan tinaasan diumano ang uri o bigat ng ebidensiyang kinakailangan upang umakyat ang isang reklamong kriminal sa hukuman. Maaari ko bang malaman ito upang maging gabay sa mga kinakailangan para umakyat sa hukuman ang kasong kriminal? — Diet



Dear Diet, 


Ang sagot sa iyong mga katanungan ay matatagpuan sa mga probisyon ng Department of Justice (DOJ) Department Circular (DC) No. 015 (“DOJ D.C. No.15”) na inilabas noong 16 Hulyo 2024, o mas kilala sa tawag na “2024 DOJ-NPS Rules on Preliminary Investigations and Inquest Proceedings.” Hinggil dito, nakasaad sa ika-limang Seksyon ng nasabing alituntunin ang probisyon na tumutukoy sa ebidensiyang kinakailangan upang ang isang kasong kriminal ay maisampa ng tagausig sa hukuman:


Section 5. Quantum of Evidence. The quantum of evidence for preliminary investigations and inquest proceedings is prima facie evidence with reasonable certainty of conviction. This quantum exists when a prima facie case is established by the evidence-at-hand, including but not limited to testimonial evidence, documentary evidence, and real evidence; and such evidence, on its own and if left uncontroverted, shall be sufficient to establish all the elements of a crime or offense charged, and consequently warrant a conviction beyond reasonable doubt. 


The quantum of evidence is met when the prosecutor is convinced that the entirety of evidence presented by the parties is (a) admissible, (b) credible, and (c) capable of being preserved and presented to establish all the elements of the crime or offense, as well as the identity of the person or persons responsible therefor. Reasonable certainty of conviction also includes a summary evaluation of the evidence presented by the respondents through their counter-affidavit.


Kaugnay sa mga nabanggit, ang antas ng ebidensiya para sa preliminary investigation o paunang imbestigasyon at inquest ay prima facie evidence with reasonable certainty of conviction, o unang impresyong ebidensiyang may makatwirang katiyakan ng pagkakasala. 


Ayon sa nasabing alituntunin, ang prima facie evidence with reasonable certainty of conviction ay umiiral kapag ang isang unang impresyong kaso ay naitatag ng ebidensiyang nasa kamay, kabilang ngunit hindi limitado sa -- testimonial na ebidensiya, dokumentaryong ebidensiya, bagay na ebidensiya, at ang iba pang mga ebidensiya na sa sarili nito at kung hindi mapabubulaanan, ay magiging sapat upang maitatag ang lahat ng rekisito ng krimen o paglabag ng inaakusa, at sa gayon ay magbigay-daan sa isang hatol na lampas sa makatwirang pagdududa.


Samakatuwid, ang prima facie evidence with reasonable certainty of conviction ang siyang uri at kinakailangang bigat ng ebidensiya upang magkaroon ng Ehekutibong determinasyon ng probable cause o ang determinasyon matapos ang pagsusuri kung nararapat bang isampa sa hukuman ang kasong kriminal. 


Alinsunod sa probisyon ng DOJ D.C. No.15, ito ay natutugunan kapag ang tagausig ay kumbinsido na ang kabuuan ng ebidensiyang iniharap ng mga partido ay (a) katanggap-tanggap, (b) mapagkakatiwalaan, at (c) kayang mapanatili at maipakita upang maitatag ang lahat ng rekisito ng krimen o paglabag, pati na rin ang pagkakakilanlan ng tao o mga taong responsable rito. Ang makatwirang katiyakan ng pagkakasala ay kinabibilangan din ng isang buod na pagsusuri ng ebidensiyang iniharap ng mga responde sa pamamagitan ng kanilang kontra salaysay o counter-affidavit.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page