top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 18, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nalaman ko na ang ilan sa mga katrabaho ko ay naninira at nagpapalaganap ng malalaswang komento tungkol sa akin sa kanilang group chat. Isa sa mga kaibigan ko na miyembro ng group chat na iyon ang nagpadala sa akin ng mga screenshots ng kanilang pag-uusap. Hinarap ko sila at sinabi kong magsasampa ako ng kaso laban sa kanila. Sinabi nila na ituloy ko lang dahil ayon sa kanila, diumano ay hindi tatanggapin sa korte ang mga screenshots dahil paglabag umano ito sa kanilang right to privacy. Tinatanggap ba sa korte ang mga screenshots na hawak ko? Labag ba sa kanilang right to privacy ang mga screenshots na ito? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat. — Genevive



Dear Genevive,


Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya, naging mas laganap ang paggamit ng elektroniko at digital na paraan ng komunikasyon at sa pangkalahatang pamumuhay ng mga Pilipino. Dahil dito, ang ating Hudikatura ay gumawa ng mga palatuntunang naaangkop sa pagbabagong ito. Ang A.M. No. 01-7-01-SC, na may petsang 17 Hulyo 2001 at tinatawag na Rules on Electronic Evidence, ay naglalaman ng mga probisyon na nagsasabing maaaring tanggapin bilang ebidensya ang mga elektronikong dokumento. Ayon sa Seksyon 1(h), Rule 2, ang “electronic document” ay:


“(h) ‘Electronic document’ refers to information or the representation of information, data, figures, symbols or other modes of written expression, described or however represented, by which a right is established or an obligation extinguished, or by which a fact may be proved and affirmed, which is received, recorded, transmitted, stored, processed, retrieved or produced electronically. It includes digitally signed documents and any print-out or output, readable by sight or other means, which accurately reflects the electronic data message or electronic document. For purposes of these Rules, the term ‘electronic document’ may be used interchangeably with ‘electronic data message.’”


Ayon sa nabanggit na batas, ang mga screenshots mula sa group chat ay maituturing na electronic document. Katulad nito, ang isang electronic document na inihain bilang ebidensya ay maaaring tanggapin sa korte kung ito ay pumasa sa mga kuwalipikasyon ng nasabing tuntunin. 


Samantala, sa kaso ng Cadajas vs. People of the Philippines (G.R. No. 247348, 16 November 2021), ipinahayag ng Korte Suprema, sa pamamagitan ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Jhosep Y. Lopez, na ang right to privacy ay maaaring gamitin laban sa pamahalaan lamang, at hindi laban sa mga pribadong indibidwal na nakakuha ng ebidensya sa kanilang pribadong kapasidad. Ayon dito:


Under the 1987 Constitution, the right to privacy is expressly recognized under Article III, Sec. 3 thereof, which reads:


SECTION 3. (1) The privacy of communication and correspondence shall be inviolable except upon lawful order of the court, or when public safety or order requires otherwise as prescribed by law.


(2) Any evidence obtained in violation of this or the preceding section shall be inadmissible for any purpose in any proceeding.


While the above provision highlights the importance of the right to privacy and its consequent effect on the rules on admissibility of evidence, one must not lose sight of the fact that the Bill of Rights was intended to protect private individuals against government intrusions. Hence, its provisions are not applicable between and amongst private individuals.


Upang sagutin ang iyong katanungan, ang mga ibinahaging screenshots ng iyong kaibigan ay itinuturing na electronic documents at maaaring tanggapin sa korte kung ang mga ito ay sumusunod sa mga patakaran ng pagiging admissible o katanggap-tanggap at kung ito ay ma-authenticate ayon sa mga itinakdang alituntunin ng Rules of Court at mga kaugnay na batas. 


Bukod dito, ang right to privacy ay hindi maaaring gamitin bilang depensa ng mga miyembro ng group chat dahil ang probisyon sa Bill of Rights ay maaari lamang ipatupad laban sa panghihimasok ng pamahalaan at hindi laban sa mga pribadong indibidwal. Ayon sa nabanggit na desisyon:


In this case, the photographs and conversations in the Facebook Messenger account that were obtained and used as evidence against petitioner, which he considers as fruit of the poisonous tree, were not obtained through the efforts of the police officers or any agent of the State. Rather, these were obtained by a private individual. Indeed, the rule governing the admissibility of an evidence under Article III of the Constitution must affect only those pieces of evidence obtained by the State through its agents. It is these individuals who can flex government muscles and use government resources for a possible abuse. However, where private individuals are involved, for which their relationship is governed by the New Civil Code, the admissibility of an evidence cannot be determined by the provisions of the Bill of Rights.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 17, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ang mga guro ang tumatayong pangalawang magulang ng ating mga anak tuwing ipinagkakatiwala natin sila sa kanila sa eskwelahan. Dahil dito, nais ko sanang malaman kung may batas ba tayo na nangangasiwa para masigurado na tanging mga rehistradong tao lamang ang gumaganap sa papel ng propesyonal na guro. Salamat sa inyong paggabay sa mga tulad naming mamamayan. — Ella Mel



Dear Ella Mel,


Matatagpuan ang kasagutan sa iyong katanungan sa Seksyon 26 ng Republic Act (R.A.) No. 7836 o ang “Philippine Teachers Professionalization Act of 1994,” na inamyendahan ng Republic Act (R.A.)  No. 9293, kung saan nakasaad na:


Sec 26. Registration and Exception. -- No person shall engage in teaching and/or act as a professional teacher as defined in this Act. Whether in the preschool, elementary or secondary level, unless the person is a duly registered professional teacher, and a holder of a valid certificate of registration and a valid professional license or a holder of a valid special/temporary permit.


Upon approval of the application and payment of the prescribed fees, the certificate of registration and professional license as a professional teacher shall be issued without examination as acquired in this Act to a qualified applicant, who is:


  1. A holder of a certificate of eligibility as a teacher issued by the Civil Service Commission and the Department of Education, Culture and Sports; or

  2. A registered professional teacher with the National Board for Teachers under the Department of Education, Culture and Sports (DECS) pursuant to Presidential Decree No. 1006.


Professional teachers who have not practiced their profession for the past five (5) years shall take at least twelve (12) units of education courses, consisting of a least six (6) units of pedagogy and six (6) units of context courses or the equivalent training and number 1 hours to be chosen from a list of courses to be provided by the Board and the Department of Education, before they can be allowed to practice their profession in the country.


Those who have failed the licensure examination for professional teachers, with a rating of not lower than five percentage points from the passing general average rating, shall be eligible as para-teachers upon issuance by the Board of a two-year special permit, renewable for a non-extendible period of two (2) years The para-teachers shall be assigned to areas where there is a shortage or absence of a professional teacher, as identified and provided by the Department of Education and the Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) education department to the Board for professional teachers and to the Commission. The special permit shall indicate the area of assignment of the para-teacher.


A special permit may also be issued by the Board to a person who has excelled and gained international recognition and is a widely acknowledged expert in his or her respective field of specialization.”


Base sa nabanggit na probisyon ng batas, walang sinuman ang maaaring magturo o gumanap bilang propesyonal na guro, sa antas ng preschool, elementarya o sekondarya, maliban kung ang nasabing tao ay rehistrado at may hawak ng isang balidong sertipiko ng pagpaparehistro at isang balidong propesyonal na lisensya o wastong espesyal o pansamantalang permit.


Kung kaya bilang kasagutan sa iyong katanungan, nararapat na rehistrado muna at may pinanghahawakan na balidong “Certificate of Registration” ang isang tao bago niya magampanan ang mga gawain o trabaho ng isang propesyonal na guro sa ating bansa. 


Karagdagan dito, maaaring magkaroon din ng isang special permit ang isang guro kung mapatutunayan na siya ay nakakuha ng isang internasyonal na pagkilala at malawakan na pagkilala ng mga eksperto sa kani-kanilang larangan ng espesyalisasyon. Kung kaya, bilang magulang, nararapat mong malaman na ang mga pinahihintulutan lamang na magturo sa iyong mga anak ay ang mga propesyonal at rehistradong guro lamang. Ito ay upang mapanatili ang magandang kalidad ng pagtuturo sa ating bansa at masigurado na tamang edukasyon lamang ang maibabahagi sa mga mag-aaral.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 16, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

 Dear Chief Acosta,


Sinamahan ko ang aking tiyuhin sa presinto noong isang araw at narinig ko sa mga pulis ang katagang “Terry Search.” Ano ba ang ibig sabihin noon? Unang beses ko lang kasi iyon napakinggan at gusto kong malaman kung ano iyon at ano ang sakop nito. Maraming salamat sa inyong magiging kasagutan! — Vilma



Dear Vilma,


Sa Pilipinas, ginagarantiya ng ating 1987 Konstitusyon ang proteksyon ng pribadong buhay ng isang tao, lalo na laban sa mga di-makatuwirang paghahalughog at pagsamsam. Ayon sa Artikulo III, Seksyon 2 ng 1987 Konstitusyon:


“Sec. 2. The right of the people to be secure in their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose shall be inviolable, and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge after examination under oath or affirmation of the complainant and the witnesses he may produce, and particularly describing the place to be searched and the persons or things to be seized.


Kaya naman, kung walang valid warrant of arrest o search warrant, hindi maaaring maghanap o arestuhin ng isang pulis ang isang indibidwal. Gayunpaman, may ilang partikular na pagbubukod dito.


Ayon sa Revised Rules of Criminal Procedure, pinahihintulutan sa ilang mga sitwasyon ang paghahanap nang walang warrant of arrest. Partikular itong nakabalangkas sa Rule 113, Section 5 ng nasabing panuntunan na nagsasaad:


SECTION 5. Arrest without warrant; when lawful.— A peace officer or a private person may, without a warrant, arrest a person:


(a) When, in his presence, the person to be arrested has committed, is actually committing, or is attempting to commit an offense;


(b) When an offense has just been committed and he has probable cause to believe based on personal knowledge of facts or circumstances that the person to be arrested has committed it; and


(c) When the person to be arrested is a prisoner who has escaped from a penal establishment or place where he is serving final judgment or temporarily confined while his case is pending, or has escaped while being transferred from one confinement to another.”


Dagdag pa rito, sa kasong People of the Philippines vs. Rangaig (G.R. No. 2404471, Abril 28, 2021, na isinulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Marvic Mario Victor F. Leonen), binanggit ang iba’t ibang pagkakataon kung saan mayroong “valid warrantless search and seizure”:


1. Warrantless search incidental to a lawful arrest recognized under Section 12, Rule 126 of the Rules of Court;

2. Seizure of evidence in “plain view”;

3. Search of a moving vehicle;

4. Consented warrantless search;

5. Customs search;

6. Stop and Frisk; and

7. Exigent and Emergency Circumstances.”


Ang Terry Search ay maiuugnay sa “stop-and-frisk.” Ito ay ang paghahalughog ayon sa kasong Terry v. Ohio na napagdesisyunan ng Korte Suprema ng Estados Unidos noong 1968, kung saan ang isang pulis na may makatuwirang hinala na si Terry at ang kanyang dalawang kasama ay posibleng nagnakaw, kaya nilapitan ng mga pulis at hinaplos ang panlabas na kasuotan ni Terry. Sa kanyang paghahalughog o pagkapkap, naramdaman ng pulis ang isang baril sa bulsa ni Terry. Nagpasya ang Korte Suprema ng Estados Unidos na ang ganitong uri ng paghahalughog ay maaaring ituring na balido kung: (1)


May makatuwirang hinala ang pulis, batay sa kanyang karanasan, na may nagaganap o nagbabantang aktibidad na kriminal, at ang taong kinakaharap niya ay maaaring armado at may dalang panganib; (2) Ang paghahalughog ay limitado lamang sa maingat na paghipo sa panlabas na kasuotan; at (3) Ito ay isinasagawa lamang upang maghanap ng armas na maaaring gamitin upang saktan siya o ang ibang tao sa paligid.

Sa kasong People vs. Sapla (G.R. No. 244045, Hunyo 16, 2020, isinulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa), ipinaliwanag ang kahulugan ng “stop-and-frisk”:


The Court has explained that stop and frisk searches refer to ‘the act of a police officer to stop a citizen on the street, interrogate him, and pat him for weapon(s) or contraband.’ Thus, the allowable scope of a ‘stop and frisk’ search is limited to a ‘protective search of outer clothing for weapons.’”


Sa iyong katanungan, ang Terry Search sa ating bansa ay maituturing na konektado sa stop-and-frisk. Isa ito sa mga kinikilalang pagkakataon kung saan maaaring gawin ang paghahanap o pagsasamsam nang walang search warrant.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page