top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 7, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Mayroon akong 5-taong gulang na anak na babae sa dati kong kinakasama. Nang matapos ang aming relasyon, dinala niya ang aming anak sa probinsya at nahirapan akong bisitahin ang aking anak. Kung minsan ay tila pinagbabawalan pa niya akong makita ito. Gusto kong malaman kung kahit ‘di kami kasal ay maaari ko pa rin igiit na makasama at makita ang aming anak na babae? — Rigor



Dear Rigor,


Ang usapin hinggil sa pag-alaga, kustodiya, at pagbantay ng isang ilehitimong anak ay isa sa ipinaliwanag ng Korte Suprema sa kaso na Renalyn Masbate and Spouses Renato Masbate and Marlyn Masbate vs. Ricky James Relucio (G.R. No. 235498, July 30, 2018, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Estela Perlas-Bernabe) kung saan sinabi ng Kataas-taasang Hukuman na:


As a general rule, the father and the mother shall jointly exercise parental authority over the persons of their common children. However, insofar as illegitimate children are concerned, Article 176 of the Family Code states that illegitimate children shall be under the parental authority of their mother. Accordingly, mothers (such as Renalyn) are entitled to the sole parental authority of their illegitimate children (such as Queenie), notwithstanding the father's recognition of the child. In the exercise of that authority, mothers are consequently entitled to keep their illegitimate children in their company, and the Court will not deprive them of custody, absent any imperative cause showing the mother's unfitness to exercise such authority and care.


In addition, Article 213 of the same Code provides for the so-called tender-age presumption, stating that ‘[n]o child under seven [(7)] years of age shall be separated from the mother unless the court finds compelling reasons to order otherwise.’ The rationale behind the rule was explained by the Code Commission in this wise:


The general rule is recommended in order to avoid many a tragedy where a mother has seen her baby torn away from her. No man can sound the deep sorrows of a mother who is deprived of her child of tender age. The exception allowed by the rule has to be for ‘compelling reasons’ for the good of the child; those cases must indeed be rare, if the mother’s heart is not to be unduly hurt.”


Malinaw na nakasaad sa batas na ang parental authority ng isang ilehitimong anak ay karaniwang iginagawad sa kanyang ina. Gayunpaman, bilang ama ng bata, mayroon ka pa ring natural na karapatang pangalagaan, makita, at makasama ang iyong anak na babae. Ito ay karapatan na kinikilala rin sa ating mga batas. Sa kaso na Joey Briones vs. Maricel P. Miguel, et. al. (G.R. No. 156343, October 18, 2004, sa panulat ni Kagalang-galang na Kasamang Mahistrado Artemio V. Panganiban), ay sinabi rin ng Korte Suprema na:


The Court sustained the visitorial right of an illegitimate father over his children in view of the constitutionally protected inherent and natural right of parents over their children. Even when the parents are estranged and their affection for each other is lost, their attachment to and feeling for their offspring remain unchanged. Neither the law nor the courts allow this affinity to suffer, absent any real, grave or imminent threat to the well-being of the child.


Sa iyong kaso, maaari kang maghain ng naaangkop na aksyon sa korte upang igiit ang iyong mga karapatan sa pagbisita, maliban na lamang kung ang iyong pagbisita o pakikipagkita sa iyong anak ay magdudulot ng kapahamakan o makasasama sa bata. Tutukuyin ng hukuman ang mga detalye kung paano maisasagawa ang nasabing karapatan at isasaalang-alang ang ikabubuti ng bata.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 6, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Nitong April 15, 2025 ay nilagdaan ng ating Pangulo Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Republic Act (R.A.) No. 12177, na tinawag na “Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel Act.”  


Layunin ng batas na ito na protektahan ang dignidad at karapatan ng mga mamamayan, kabilang na ang mga responsable sa pagpapatupad ng Konstitusyon, pagtatanggol sa soberanya at teritoryo ng bansa laban sa lahat ng mga kaaway, pagpapatupad ng mga batas ng lupain, pagpigil sa mga krimen, at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Dahil dito ay marapat na itaguyod ng Estado ang kapayapaan at kaayusan, at tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng epektibo at mahusay na serbisyong militar na binubuo ng mga opisyal na may mataas na motibasyon.


Upang maisakatuparan ang layuning ito ng batas, ang Estado, kapag ito ay praktikal, ay dapat magkaloob ng libreng legal na tulong sa mga militar at unipormadong tauhan para sa mga kasong kriminal, sibil, o administratibong paglilitis na nag-uugat sa mga insidenteng nauugnay sa kanilang serbisyo sa bayan.


Ang mga military at uniformed personnel (MUP) na binabanggit ng batas ay tumutukoy sa mga opisyal, enlisted, at unipormadong tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Corrections (BuCor), Philippine National Police (PNP), at Hydrography Branch ng National Mapping and Resource Information (NAMRIA).

  

Ang kasong tinutukoy ng batas ay iyong mga kasong sibil, kriminal, at administratibo na isinampa laban sa isang MUP para sa mga insidente na may kaugnayan sa pagtupad sa mga opisyal na tungkulin o sa pagganap ng kanyang mga responsibilidad. 


Ang pagtukoy kung aling mga kaso ang may kaugnayan sa serbisyo ay dapat gawin ng legal na tanggapan ng AFP, BFP, BJMP, PCG, BuCor, PNP, at NAMRIA, alinsunod sa ebidensyang ibibigay ng kinasuhang MUP. 


Sa pagtukoy kung ang isang MUP ay marapat na mabigyan ng libreng tulong legal, inaasahan na magiging patas ang naatasang opisyal. Kapag siya ay makitaan ng hindi patas na pagtatangi, may maliwanag na masamang loob, o labis at hindi mapalalampas na kapabayaan, at hindi wastong tumanggi o nag-apruba sa isang aplikasyon, mananagot siya sa ilalim ng Seksyon 3(e) ng Republic Act (R.A.) No. 3019, o kilala bilang “Anti-Graft Act and Practice Act."


Nakatala sa Seksyon 5 ng nasabing batas ang proseso para makakuha ng libreng serbisyong legal ng angkop na MUP.  Ayon dito:


“SEC. 5. Procedure and Coverage. -- Within twenty-four (24) hours from the official receipt of the charge against the MUP, the heads of the MUP agencies, through the head of the Legal Office, shall direct their respective legal officers to provide free legal assistance to qualified MUP as provided in this Act. The agencies shall establish guidelines and procedures for availing free legal assistance and determining service-related cases to be approved by the head of the MUP agency: Provided, that in case of conflict of interest, the MUP shall not be entitled to free legal assistance under this Act. Notwithstanding any provision to the contrary, ‘conflict of interest’ as used in this Act shall refer to an instance where the handling by the legal office of a case will adversely affect the interest of the MUP concerned agency.”


Ang isang kuwalipikadong MUP ay maaari ring makakuha ng serbisyong legal mula sa abogado ng gobyerno, alisunod sa sumusunod na patakaran:


“SEC. 7. Entitlement of Government Lawyers to Payment for Expenses. -- The government lawyer providing legal assistance to the MUP shall be entitled to payment of actual travel and other expenses, including Special Counsel Allowance for each appearance before the prosecutor's office, court, quasi-judicial, and administrative agency, or any competent body or tribunal, subject to existing laws, rules, and regulations.”


Sakop ng free legal assistance ang mga sumusunod na serbisyong legal: 


  1. Legal representation in civil, criminal, or administrative proceedings, as far as practicable;

  2. Legal advice or consultations;

  3. Preparation of pleadings, motions, memoranda, and all other legal forms and documents; 

  4. Court fees and other related fees; and 

  5. Notarization of documents. 

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 5, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Habang matindi ang sikat ng araw at mabigat ang trapiko, nagpasya muna akong magpahinga sa pagpasada at iparada ang aking motorsiklo sa malilim na parte ng isang lote (katabi ng isa pang motorsiklo). Makalipas ang halos kalahating oras, bumalik ang may-ari ng motorsiklong nakaparada sa tabi ng akin, at pinagbintangan niya akong kumuha ng kanyang cellphone na naiwan aniya sa kanyang motorsiklo. Kahit anong paliwanag ang gawin ko, ayaw niyang tanggapin. Maghahain aniya siya ng kaso laban sa akin. May mga establisimyento sa paligid nito. Maaari ko bang gamitin ang CCTV footage upang mapatunayan na walang akong ginawang masama? — Pedro



Dear Pedro,


Ang ebidensya ay ang paraan ng pagpapatunay ng mga karampatang katotohanan sa mga paglilitis ng hudikatura. Tinatanggap bilang ebidensya ang anumang bagay kung may kaugnayan ito sa isyung pinag-uusapan, at hindi ipinagbabawal ng batas at mga tuntunin. 


Sa kasong People of the Philippines vs. PO2 Rhyan Concepcion, G.R. No. 249500, 06 December 2021, sa panulat ni Honorable Associate Justice Rosmari D. Carandang, pinasyahan ng ating Korte Suprema ang mga sumusunod:


xxx A careful perusal of the records reveals that the person who supposedly downloaded or copied the CCTV footages from the main server was never identified. At most, defense witness Recto – who admitted that he was not the one who downloaded a copy of the CCTV footage and that he was not present when police officers asked for the same – mentioned that a certain Rafael Santos was in-charge of the CCTV at the time of the rape incident. Curiously, Rafael Santos was not presented in court.


We affirmed in People v. Manansala that under the Rules of Electronic Evidence, ‘persons authorized to authenticate the video or CCTV recording is not limited solely to the person who made the recording but also by another witness who can testify to its accuracy.’ Recto was presented in court to authenticate the CCTV footages as ‘another competent witness who can testify to its accuracy.’ However, Manansala requires the party presenting the recording to account for: (i) its origin; (ii) how it was transferred to a storage device; and (iii) how it reached the trial court for its presentation. Aside from general assurances that he is familiar with the CCTV footages, Recto’s testimony failed to account for these requirements. Notably, Recto was not even authenticating the copy of the CCTV footages of the building administration, but the one found in Vivar’s laptop.” 

 

Ayon sa nasabing kaso, ang video recording, gaya ng CCTV, ay maaaring gamiting ebidensya.  Ngunit, kailangan itong kilalanin o patunayan ng taong gumawa ng recording o ng isang saksi na maaaring magpatotoo sa katumpakan o accuracy nito. Kung kaya, ang partidong magpapakita o magpipresenta ng video recording ay dapat maipakita o mailahad: (i) ang pinagmulan nito; (ii) kung paano ito inilipat sa isang storage device; at (iii) kung paano ito nakarating sa korte para sa presentasyon nito. Kung hindi mailalatag ang mga ito, ang nasabing video recording ay hindi matatanggap bilang ebidensya.


Kaya naman, sa iyong sitwasyon, maaari mong gamitin ang binabanggit mo na CCTV footage bilang patunay na hindi ikaw ang kumuha ng nawawalang cellphone. Kailangan lamang ay masunod ang mga tinukoy na kondisyon sa itaas para tanggapin ito ng korte.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page