top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 12, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Anu-ano ba ang mga rekisito sa krimeng Perjury? Maraming salamat. — Hellan



Dear Hellan, 


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa mga kaugnay na kaso ng Korte Suprema at probisyon ng ating batas, espesipiko ang Artikulo 183 ng Act No. 3815, o mas kilala sa tawag na “Revised Penal Code,” na inamyendahan ng Republic Act (R.A.) No. 11594. Ang batas na ito ay tumukoy at nagbigay kaparusahan sa krimeng tinatawag na Perjury:


“Article 183. False testimony in other cases and perjury in solemn affirmation. -- The penalty of prision mayor in its minimum shall be imposed upon any person who, knowingly making untruthful statements and not being included in the provisions of the next preceding articles, shall testify under oath, or make an affidavit, upon any material matter before a competent person authorized to administer an oath in cases in which the law so requires.


Any person who, in case of a solemn affirmation made in lieu of an oath, shall commit any of the falsehoods mentioned in this and the three preceding articles of this section, shall suffer the respective penalties provided therein.” 


Kaugnay sa nabanggit na probisyon ng batas, muling binahagi ng Korte Suprema sa kasong Saulo vs. People (G.R. No. 242900, 08 June 2020), sa panulat ni Honorable Associate Justice Jose C. Reyes, Jr., ang mga rekisito ng krimeng Perjury:


The elements of perjury under Article 183 of the Revised Penal Code (RPC) are (a) that the accused made a statement under oath or executed an affidavit upon a material matter; (b) that the statement or affidavit was made before a competent officer, authorized to receive and administer oath; (c) that in the statement or affidavit, the accused made a willful and deliberate assertion of a falsehood; and (d) that the sworn statement or affidavit containing the falsity is required by law or made for a legal purpose.”


Hinggil sa nabanggit, ang mga rekisito ng krimeng Perjury sa ilalim ng Artikulo 183 ng Revised Penal Code, as amended, ay ang mga sumusunod: (a) ang akusado ay gumawa ng pahayag sa ilalim ng panunumpa o nagsagawa ng affidavit sa isang materyal na bagay; (b) ang pahayag o affidavit ay ginawa sa harap ng isang karampatang opisyal, na awtorisadong tumanggap at mangasiwa ng panunumpa; (c) sa  kanyang pahayag o affidavit, ang akusado ay gumawa ng kusa at sadyang paggigiit ng isang kasinungalingan; at (d) ang sinumpaang pahayag o affidavit na naglalaman ng kasinungalingan ay kinakailangan ng batas o ginawa para sa isang legal na layunin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 11, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Matapos magtrabaho sa labas ng aming bayan, hindi na umuwi sa tahanan namin ang asawa ko. Sa halip, siya ay bumalik sa bahay ng kanyang mga magulang at kapatid. Ilang beses ko siyang pinuntahan doon, ngunit tila itinatago siya at ayaw akong ipakausap sa kanya. May kapangyarihan ba ang korte na pilitin ang asawa ko na magsama kami sa iisang bubong? — Shane



Dear Shane,


Alinsunod sa Family Code of the Philippines, ang kasal ay isang espesyal na kontrata ng permanenteng pagsasama ng isang lalaki at isang babae na isinagawa alinsunod sa batas para sa pagtatatag ng buhay mag-asawa at pamilya. Ito ang pundasyon ng pamilya at isang di-mapapawing institusyong panlipunan na ang kalikasan, mga bunga, at mga pangyayari ay pinamamahalaan ng batas at hindi maaaring baguhin, maliban na lamang sa mga kasunduan sa kasal na maaaring magtakda ng mga ugnayang pag-aari sa panahon ng kasal, sa loob ng mga limitasyong itinakda ng ating batas.


Kaugnay nito, ang mag-asawa ay obligadong magsama, magpakita ng pagmamahal, respeto, at katapatan, at magbigay ng tulong at suporta sa isa’t isa.


Sa kasong Erlinda K. Ilusorio vs. Erlinda I. Bildner, et al., G.R. No. 139789, 12 Mayo 2000, sa panulat ni Honorable Associate Justice Bernardo P. Pardo, pinasyahan ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema na walang hukuman ang may kapangyarihang pilitin ang isang asawa na makipamuhay sa kanyang asawa:


May a wife secure a writ of habeas corpus to compel her husband to live with her in conjugal bliss? The answer is no. Marital rights including coverture and living in conjugal dwelling may not be enforced by the extra-ordinary writ of habeas corpus. x x x


Being of sound mind, he is thus possessed with the capacity to make choices. In this case, the crucial choices revolve on his residence and the people he opts to see or live with. The choices he made may not appeal to some of his family members but these are choices which exclusively belong to Potenciano. He made it clear before the Court of Appeals that he was not prevented from leaving his house or seeing people. With that declaration, and absent any true restraint on his liberty, we have no reason to reverse the findings of the Court of Appeals.


With his full mental capacity coupled with the right of choice, Potenciano Ilusorio may not be the subject of visitation rights against his free choice. Otherwise, we will deprive him of his right to privacy. Needless to say, this will run against his fundamental constitutional right. x x x


The Court of Appeals missed the fact that the case did not involve the right of a parent to visit a minor child but the right of a wife to visit a husband. In case the husband refuses to see his wife for private reasons, he is at liberty to do so without threat of any penalty attached to the exercise of his right.


No court is empowered as a judicial authority to compel a husband to live with his wife. Coverture cannot be enforced by compulsion of a writ of habeas corpus carried out by sheriffs or by any other mesne process. That is a matter beyond judicial authority and is best left to the man and woman’s free choice.”


Tinalakay ng ating Korte Suprema sa nasabing kaso na kung sakaling tumanggi ang isang asawa na makita ang kanyang kabiyak para sa anumang pribadong dahilan, malaya siyang gawin ito nang walang banta ng anumang parusang kalakip sa paggamit ng kanyang karapatan. Ang pagpilit sa isang tao na tumira kasama ang kanyang asawa sa kanilang tirahan ay isang bagay na lampas sa awtoridad ng hudikatura at pinakamabuting ipaubaya sa malayang pagpili at kapasyahan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 10, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta, 


Inaalok ako ng kaibigan kong bilhin ang nabili niyang motorsiklo dahil kailangan niya ng pera. Dahil kailangan ko rin naman ng motorsiklo ay napagplanuhan kong bilhin na ito. Ang problema ko ay hindi ko agad maiparerehistro sa pangalan ko ang motorsiklo. May limitasyon ba sa haba ng araw ng pagpaparehistro ng motorsiklo? — Nicos



Dear Nicos,


Ang batas na naaangkop sa iyong tanong ay ang Republic Act (R.A.) No. 11235 o mas kilala sa tawag na “Motorcycle Crime Prevention Act,” na inamyendahan ng R.A. No. 12209. Ang batas na ito ay ginawa upang mapanatili ang kapayapaan, at maprotektahan ang buhay, kalayaan, at pag-aari ng mga tao dahil sa lumalaganap na krimen sa ating bansa sa tulong ng paggamit ng motorsiklo. 


Nakasaad sa Section 4 ng R.A. No. 11235 ang panahon kung kailan dapat marehistro ang motorsiklo na iyong binili sa iyong kaibigan: 


SEC. 4. Registration of Motorcycles. -- In the case of original sale, the dealer shall, upon authority of the owner, register the motorcycle with the LTO not later than five (5) working days from the date of sale.


In the event of a subsequent sale or disposition, the owner who sold or disposed of a motorcycle shall report such sale or disposition, in person or online, to the LTO not later than five (5) working days from the date of transaction. The new owner shall cause the transfer of ownership of the motorcycle not later than twenty (20) working days from the acquisition of ownership. The LTO, upon the new owner’s complete submission of documentary requirements, including the Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) clearance, shall issue the corresponding Certificate of Registration within two (2) working days. xxx” 


Ayon sa nasabing batas, kung hindi ikaw ang orihinal na bumili sa dealership ng motorsiklo, at binili mo lamang ito sa isang tao na siyang unang nagmamay-ari, kailangan mong maiparehistro ang bentahan sa loob ng 20 working days mula sa iyong pagkabili. 


Ang iyong pinagbilhan naman ay kailangang maiulat sa Land Transportation Office (LTO) ang bentahan ng nasabing motorsiklo, sa loob ng five working days mula sa inyong bentahan. 


Maging maingat dahil maaaring magkaroon ng parusa ang hindi susunod sa nasabing probisyon ng batas. Sa iyong sitwasyon, dahil hindi ikaw ang orihinal na bumili sa dealership ng motorsiklo, at ang kaibigan mo ang maaaring orihinal na bumili nito, mayroon kang 20 araw mula sa petsa ng iyong pagbili para maiparehistro sa iyong pangalan ang nasabing motorsiklo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page