top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | September 17, 2025



It's Showtime / VIce at Anne

Photo: Julia Barretto / IG



Hindi naiwasang mapag-usapan ang love life nina Julia Barretto at Gerald Anderson nang ibahagi ni Claudine Barretto sa panayam nina Ogie Diaz na marami na rin siyang naririnig at nababasa tungkol sa sitwasyon ng kanyang

pamangkin.


Nabanggit ni Ogie na isang volleyball player daw umano ang nali-link sa aktor.

Tinanong ng aktres kung sino’ng volleyball player, dahil marami raw siyang kaibigang players at fan siya ng PVL.


Halos lahat ng mga sikat na volleyball players ay binanggit ni Clau kaya tanong niya, isa raw ba roon ang sinasabing nali-link kay Gerald?

Sagot ni Ogie, matagal na raw kasi ‘yung nakitang nanood ng game ang aktor nang dahil kay Vanie Gandler.


Ang sabi naman daw ng aktor ay matagal na silang magkaibigan ni Gandler.

Ani Clau, “Ay, iba ang nakarating sa akin.”


Hindi na siya nagbigay pa ng ibang detalye pagkatapos noon. Hindi na rin daw siya nanonood ng volleyball dahil ayaw na niyang makita ang aktor.


“Nagkikita ba kayo ni Gerald ‘pag nanonood ka?” tanong ni Ogie.

“Ah, hindi. Buti na lang,” sagot ni Clau.

Komento ng mga netizens:


“Maganda naman talaga ‘yung Gandler. Totoong mestiza, eh. Foreigner ‘yung tatay. Aleman ba? Eh, si Julia, si Dennis lang naman ang tatay, kaaway pa n’ya.”

“Pero face value, mas maganda si Julia. Pure Pinay pa.”


“Since when did VG become prettier than JB? Ang ganda ni JB, layo ng face value. Skin din, maganda. The guy just can’t be contented.”


“Of Spanish descent ang mga Barretto sa tatay nina Marjorie. Distant relative ng tatay nilang si Miguel ang Spanish singer na si Junior na kumanta ng But If You Leave Me (BIYLM) noong 1970s.”


“Close ba mga babies n’ya (assuming Creamline players) kay Vanie? Anyway, it’s not our story to tell. Pero ano pa bang expected kay Gerald. Pero if true, Vanie, run. Mas marami pang masarap d’yan na faithful at loyal naman.”


“Halatang may naririnig s’ya sa mga kakilala n’ya sa volleyball.”

“Oo, kaya nag-stop muna s’ya manood ng games.”

Hindi naman umayon ang isang commenter sa sagot ng aktres about Julia at Gerald’s love life.


Aniya, “Sa totoo lang, napakapangit tingnan ‘pag ang isang aunt ay nakikialam pa sa love life ng pamangkin na isa nang ganap na adult!


“Ang relasyon ay usaping personal na dapat pinapahintulutan ang bawat isa na magdesisyon para sa sarili. Kung may naging problema man ang pamangkin niya at ang ex-boyfriend nito, labas na s’ya doon.


“Hindi nararapat na pakialaman pa, dahil imbes na magmukhang nagmamalasakit, lumalabas itong pakikialam nang wala sa lugar. Sa halip na maging gabay o tagasuporta, nagiging sanhi pa ng gulo at intriga.


“Sa panahon ngayon, lalo na’t may sapat na edad at pag-iisip na ang pamangkin, dapat igalang ang kanyang kakayahang humawak ng sariling relasyon.


“Ang tunay na pagmamahal at malasakit ay hindi ipinapakita sa pamamagitan ng panghihimasok, kundi sa pagbibigay ng tiwala at respeto sa kanyang sariling mga desisyon.”


Well, ano kayang sey ni Julia Barretto sa pahayag ng tita niyang si Claudine Barretto tungkol kay Gerald Anderson?




Inamin ng aktres na si Kylie Padilla na nagiging kuripot na siya pagdating sa second chances after ng kanyang pinagdaanan sa buhay.


Kaya pala sa teleserye nilang My Father’s Wife (MFW) ay sobrang intense ang kanyang pag-arte nang komprontahin ang gumaganap niyang mister na si Jak Roberto na isang cheater.


Habang pinapanood namin ang episode na ‘yun, na-feel naming tila doon ibinuhos ni Kylie ang lahat ng galit niya sa mister na si Aljur Abrenica.


Sa isang fan Q&A, inamin ng aktres na hindi niya sinasadya pero minsan ay gumagamit siya ng emosyon mula sa karanasan para mas maging totoo ang kanyang acting.


Binigyang-diin ng aktres na bagama’t nag-e-empathize siya sa role, mas pinipili niyang huwag gamitin ang tunay na nangyari para sa personal niyang buhay. 


Diretsa niyang inamin na hindi na siya ganoon kadaling magpatawad at magbigay ng pangalawang pagkakataon matapos ang lahat ng pinagdaanan niya.

Aniya, “Dahil sa mga pinagdaanan ko in my life, medyo kuripot ako sa second chances. So, no.”


Kasabay nito, pinuri rin siya ng mga manonood sa kanyang mahusay na pagganap bilang Gina sa Kapuso Afternoon Prime series na MFW kasama sina Gabby Concepcion, Jak Roberto at Kazel Kinouchi.


Sey niya, “Wala akong planong gumamit ng mga nangyari sa akin, pero kung minsan, kapag sumasagi sa aking isip ang nangyari, hindi ko na nakokontrol ang isip ko at doon na pumapasok na tila totoo na ang akting na ginagawa ko.”


Dagdag pa niya, malaki ang naitulong ng kanyang empathy upang maisapuso ang kanyang role.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 15, 2025



It's Showtime / VIce at Anne

Photo: It's Showtime / VIce at Anne



Sinang-ayunan ni Anne Curtis ang mga pahayag ni Vice Ganda laban sa katiwalian, na mabilis na nag-trending sa social media.


Sa It’s Showtime (IS), ibinahagi ng komedyante ang kanyang paghanga sa mga masisipag na mamamayan habang pinupuna ang mga lider na nagsasamantala sa pondo ng publiko.


Tinukoy niya kung paano ninanakawan ng korupsiyon ang buhay, pangarap, at pagkakataon mula sa mga Pilipino. Ini-repost ni Anne ang pagsang-ayon sa sentimyento ni Meme Vice kasunod ng maalab na mensahe ng komedyante laban sa katiwalian.

Sa segment na Laro Laro Pick ng programa, ikinuwento ng isang contestant na nagsimula siyang magtrabaho bilang porter sa edad na 14 para matustusan ang kanyang pamilya. Pinuri siya ni Vice at ang iba pang katulad niya, na may dignidad sa pagpili ng matapat na trabaho sa kabila ng kahirapan.


“Ito ‘yung mga taong ninanakawan natin. Ang korupsiyon ay hindi lamang pagnanakaw ng salapi ng bayan, ito’y pagnanakaw ng pag-asa. Ito ay pagnanakaw ng pangarap. Ito ay pagnanakaw ng magandang posibilidad,” ang matapang na wika ni Meme Vice.

Binigyang-diin din niya kung paano humahantong ang katiwalian sa pagkawala ng mga buhay at pagkait sa mga tao ng mahahalagang pagkakataon.


“Maraming tao ang namatay dahil sa pagnanakaw n’yo ng pondo ng buhay, maraming magulang ang hindi nakapagdala sa ospital ng kanilang mga may sakit na anak dahil sa korupsiyon. Maraming matatanda ang hindi naagapan ang sakit dahil sa korupsiyon. Maraming bahay ang nasira at nabagsakan dahil sa korupsiyon. Maraming asawa ang naghiwalay dahil sa problema ng kahirapan. Kaya hindi lang pera ang ninanakaw ninyo, kundi buhay.”


Pinaalalahanan din ni Vice Ganda ang mga manonood na ang pananagutan ay nasa kamay ng mga tao tuwing halalan.


Aniya, “Kaya balikan mo ang mga nagnakaw sa ‘yo. ‘Di ba, mababalikan natin sila? Sa ano’ng paraan? Sa pagboto nang tama, sa ‘wag pagpayag na ito ay patuloy nilang gawin sa atin, at sa ‘wag pagpayag na ito ay nagawa nila nang ganu’n-ganu’n lang.”


Sumang-ayon naman ang sisterette niyang si Anne sa lahat ng binitawang salita ni Vice.

Sa kanyang X account, ini-repost nito ang video ni Vice at naglagay ng komento:

“Totoo po,” kasunod ang tatlong frowning face emojis — isang remark na umalingawngaw sa damdamin ng marami na pumuri sa komedyante sa paggamit ng kanyang plataporma laban sa korupsiyon.



Pinangungunahan daw ng iba…

BEA, UMAMING ‘DI PA INAALOK NG KASAL NI VINCENT 



NILINAW ni Bea Alonzo sa isang panayam ang kumakalat na sitsit hinggil sa engagement umano nila ng boyfriend na si Vincent Co.


Aniya, “Sa tingin ko, ang pinakamagandang bagay ay ang mga pinananatiling pribado.”


Itinuwid niya ang haka-hakang engaged na sila ni Co.


Aniya, “Alam mo, nauunahan pa ng lahat ng mga tao ‘yung mga pangyayari sa buhay ko. I want to keep things private, and there is nothing to say, actually. Very happy, yes.”


Dagdag pa niya, kung sakaling pipiliin na niyang magkaroon ng sariling pamilya, sigurado raw na malalaman ng buong industriya.


Hindi naman itinatago ni Bea ang relasyon nila ni Co. Katunayan, isinasama na niya ang boyfriend sa iba’t ibang gatherings na pinupuntahan. Ang sa kanya lang ay huwag siyang pangunahan ng desisyon sa kanyang love life.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 14, 2025



Zanjoe Marudo, Arjo Atayde, Daniel Padilla at henry Alcantara - PBA, Circulated

Photo: Zanjoe Marudo, Arjo Atayde, Daniel Padilla at henry Alcantara - PBA, Circulated



Isa na namang larawan ang kumakalat sa social media kung saan magkakasama sina Cong. Arjo Atayde, bayaw niyang si Zanjoe Marudo at Daniel Padilla, at ang isa sa mga konektado sa anomalya ng flood control projects na si DPWH Engineer Henry Alcantara.


Ang larawan ng 4 na personalidad ay kuha habang nanonood sa Final 7 ng Ginebra vs. San Miguel nitong nakaraang season ng PBA Convention.

Dahil dito, samu’t saring komento na naman ang naglabasan mula sa mga netizens. Ilan sa mga nabasa naming komento…


“Grabe! Ano ‘yan? Magkaka-connect talaga silang lahat. Si Zanjoe, buti hindi nanalo.”

“Ay, grabe! I move to nominate OP as part of the Independent Commission. Lupet ng imbestigador skills. Wala ‘kong masabi.”


“Pakitago ‘yung resibo para ‘pag ‘yung asawa, nagsalita ulit, isampal n’yo sa mukha n’ya ‘to.”


“A picture doesn’t lie. Mukha nga silang magkakilala.”


“Grabe, ‘di ba? Lakas ng kapit nu’ng Alcantara kay Jinggoy. Silang dalawa ni Brice ‘yung may falsified ID pero si Brice lang ang idiniin hanggang sa ma-contempt. ‘Yung boss, nakalusot!”


Ang tinutukoy na mga pangalan ay sina Sen. Jinggoy Estrada at Brice Hernandez na dating kaibigan at tauhan ni Alcantara.


“Buti pala at ‘di naka-secure ng seat ‘yung partylist ni Zanjoe Marudo last election. For sure, si Arjo ang magiging mentor n’ya para mangurakot din.”


“Uy, ang galing! Hahaha! Eto ‘yung mga hindi basta-basta nahahanap. Matinding hanapan ‘to sa social media. Hahaha!”


“Tapos taga-Bulacan pa pala si Maine, ‘di ba? And they also have a road construction firm business (kung saan mas talamak ang corruption).”


Parang hindi naman tama na idamay ng isang commenter ang misis ni Arjo. 

Below the belt naman ang sinabi nito na, “Tangin* mo, Maine Mendoza. Sinungaling.”


“Bago lang ‘to OP? If oo, walanghiya ka, Arjo Atayde, unbothered queen.”

Sana naman, ang mga netizens, bago magbitaw ng mga maaanghang na salita ay mag-isip munang mabuti ng kanilang sasabihin.

Tulad na lang sa estado ni Maine Mendoza, bago pa siya pumasok sa showbiz, mayaman na ang kanyang pamilya. May sarili silang gasolinahan at iba pang negosyo.


Sana, ang mga nanghuhusga sa idinadawit nilang pulitiko ay mag-final check muna. Ang hirap kasi sa iba, nakikiayon lang sa agos ng komento. 


Bakit kaya hindi sila gumawa ng sarili nilang imbestigasyon para malaman kung ano ba ang talagang totoo?


Sabi nga ni Cong. Arjo, hindi siya titigil hangga’t hindi niya nalilinis ang kanyang pangalan. 


Umaasa kaming malalampasan ng pamilya Atayde ang dagok na ito na dumating sa kanilang buhay.


Sabi nga, “The truth will prevail.”



KILALA ang award-winning actress na si Nadine Lustre na very vocal sa kanyang nararamdaman lalo na kung alam niyang may naaagrabyadong tao. 

Tulad na lang sa isyu ngayon tungkol sa flood control scandal, dismayado ang aktres sa mga kontraktor na mapagsamantala.

Ibinahagi niya ang galit at pagkadismaya sa umano’y katiwalian ng mga indibidwal na sangkot sa mga proyekto sa pagkontrol sa baha at hinimok ang mga Pilipino na magpatuloy sa pagsasalita.

“Talagang nalulungkot ako na nakikita ang mga taong nahihirapan, nawalan ng tahanan, kabuhayan, mga alagang hayop, dahil wala tayong mahanap na solusyon,” aniya sa isang panayam.

“Nakakagalit, nakakalungkot na ‘yung ibinibigay natin na buwis, sa ganu’n napupunta. Nakakainis talaga, it is sad that funds are being used for something else.

“Mabuting nagsasalita ang mga tao. Mahalagang marinig tayo. ‘Pag pinanindigan natin ang ating sinasabi, may gagawin ang mga tao tungkol dito. At the end of the day, kailangan nilang pangalagaan ang mga tao. Nagbabayad tayo ng tamang tax para tulungan tayo at gawing mas mabuti ang mga bagay para sa atin,” dagdag pa ng aktres.

Aniya pa, “Sabi ko nga, ‘di maiwasang isipin na ‘yung ibinabayad nating tax, ‘di nagagamit nang tama. Nakaka-discourage. Nag-aambag tayo para mapabuti ang bansa, ‘yun pala, sa mga bulsa lang nila isinusuksok. Wala silang awa.”

Bilib siya sa Unkabogable Superstar na si Vice Ganda, sa inilarawan niyang halimbawa ng katapangan nito.

“We all have to be outspoken. Si Meme, I have always admired Meme. Hindi s’ya natatakot sabihin ang nasa utak n’ya. At this day and age, we have to say what we want to say. Kung hindi, walang mangyayari sa atin,” wika pa ni Nadine Lustre.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page