top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 27, 2025



Photo: Chloe San Jose - IG


Hmmm… lumipas na ba o sadyang lumamlam na lang talaga ang ‘hype at inis’ ng mga netizens kay Chloe San Jose?


Sa nakaraang birthday kasi nito na bongga pang ipinagmalaki ni Caloy Yulo sa kanyang socmed (social media), tila hindi na ito gaanong kinagat ng mga netizens.


Kung dati-rati ay marami ang sumusuporta, nagla-like o nagkokomento ng papuri, aba’y kapansin-pansin ang higit na maraming ‘nega’ comments.


Hindi na nga ganu’n karami ang engagement, halos lahat pa ng komento ay negatibo at sumentro sa diumano’y higit na lumaking “boobs” ni Chloe na tila ‘Salamat, Dok’ daw?


Nitong last week lang ng March naganap ang birthday ng kontrobersiyal na partner ni Olympian Caloy, pero parang maaga raw itong nag-Holy Week sa lungkot mereseng nasa magagarang lugar sila at nag-e-enjoy ng masasarap na food and drinks, etc.

You and Me Against The World nga raw ang bagay na theme song ng dalawa, ayon pa sa mga netizens.


Takot dagsain ng fans… SECURITY SA GARAGE SALE, DINOBLE DAHIL KINA VICE AT ION


NGAYONG araw magsisimula ang garage sale ng mag-partner na sina Vice Ganda at Ion Perez.


Ayon sa X post ng Unkabogable Star, “May garage sale ako on Thursday-Sunday 10 AM to 6 PM sa 33 Sct. Santiago Diliman, QC Brgy. Laging Handa - 1103 Waze pin: Siesta Horchata Cafe. Ion and I will be selling our preloved clothes and shoes. Meron ding mga brand new.”


Maraming fans ang umaasa na magkakaroon sila ng mga pre-loved items ng dalawa, lalo na raw ‘yung mga ‘kakaibang outfit’ ni Vice.


For sure na dadagsain ito ng mga supporters at tagahanga nina Vice at Ion, kaya dinoble na raw ang security sa lugar.


“‘Yung ibang items talaga, hindi pa nagamit, may mga tag pa. Need lang talaga ma-dispose para mapakinabangan ng iba. Mag-e-enjoy sila for sure. Kami nga, bibili rin,” sey ng mga kausap naming staff ng It’s Showtime (IS).


Hindi pa lang daw naiaanunsiyo, pero meron daw paglalaanan na charitable institution o program ang mapagbebentahan sa nasabing garage sale.



SPEAKING of working partner, mukha namang mas nahanap na ni Jojo Mendrez ang kanyang ‘kaibigan-partner’ kay Rainier Castillo.


Since nangyari kasi ‘yung incident ng pag-iwan sa ere ni Mark Herras kay Jojo sa 38th PMPC Star Awards for Television (PMPC) Awards Night last Sunday, hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang singer sa pagsasabing tinuldukan na niya ang pakikipagkaibigan kay Mark.


Tila si Rainier na nga ang mas tunay na nagsasabi at nagpaparamdam ng “Nandito Lang Ako (NLA)” moment kay Jojo.


Ang naturang title ang first original song na ini-record ni Jojo na na-introduce nga sa showbiz bilang Revival King, kung saan ang mga kantang ini-revive niya gaya ng Somewhere In My Past ay nakakuha ng milyones na views.


Although he released his original song Nandito Lang Ako, naka-line-up ding i-revive ni

Jojo ang mga kantang Tamis ng Unang Halik, Aking Pagmamahal, I Love You Boy, at Pare, Mahal Mo Raw Ako, with music videos na manonorpresa sa mga music lovers.

Inamin pa ni Jojo na sa maikling time na naramdaman niya ang showbiz, natuto na raw siya na mas maging maingat.


Ine-enjoy na lang daw niya ang pagmamahal at respeto ng mga totoong nagmamalasakit sa kanya kasama na nga rito ang special friendship nila ni Rainier, na mas itinuturing niyang ‘totoong kaibigan at hindi nang-iiwan sa ere’.

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 26, 2025



Photo: AC Bonafacio - PBB


Sumisigaw ang ilang netizens na tuluyan na raw nasira ang imahe ni AC Bonifacio nang dahil sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.  


Sa patuloy daw kasing pagdami ng mga isyung ibinabato rito kagaya ng mga tsismis sa ibang housemates, ang backstabbing, ang pagdamay sa ibang wala naman sa loob at iba pang Marites kumbaga, obyus na hindi ito nakakatulong sa image ng kilalang dancer.  


Mula kina Criza Taa at Harvey Bautista, hanggang sa dating PBB housemate na si Ylona Garcia na umano’y na-bully din nang wagas ni AC kaya hindi na bumalik ng bansa, at iba pang hanash ng pagka-Mosang nitong si AC, wala kaming nababasang magandang komento maging ang pagiging inglesera niya.  


Laking-Canada si AC bago pa man nakilala sa socmed nang dahil sa dancing ability nito, tapos ‘yun na nga, sa socmed din siya nahusgahan ng pagiging ‘toxic’.


Ang siste, mas na-magnify ito ngayon dahil sa PBB kung saan mas marami ang nakakapanood at nakakahalata ng kanyang mga galawan.  


Kung bahagi naman daw ng isang mahalagang ‘script’ si AC Bonifacio para mas pag-usapan ang Bahay ni Kuya, puwes, paghandaan na raw po natin ang iba pang malalaki at iskandalosong drama soon!



MARAMI naman ang naaaliw sa naging acceptance speech ni Janine Gutierrez nang manalo ito sa PMPC Star Awards for TV.  


Bukod sa acting award ay itinanghal na Female Celebrity of the Night ang napakaganda at seksing aktres, counterpart ni Dingdong Dantes bilang Male Celebrity of the Night.  


Sa kanyang acceptance speech ay sinabi nitong may maiuuwi na siyang sobre at bulaklak, na ikinaaliw ng mga nasa venue, kasama na si Kim Chiu na isa sa mga hosts that night.  


Sa isang video na napanood namin, makikitang itinataas pa ni Janine ang sobre habang tumitingin sa side nina Kim at co-host nito, kaya napahagikhik naman ang Chinita Princess.  


Nanalo ring Best Supporting Actress si Janine para sa series na Lavender Fields (LF) kung saan first time niyang naging kontrabida kasama ang boyfriend na si Jericho Rosales at si Jodi Sta. Maria.  


Si Kim naman ang itinanghal na Best Actress para sa Linlang series kasama si Paulo Avelino, na kapwa niya winner bilang Power Couple, kaliga ng co-winner nilang BarDa na sina Barbie Forteza at David Licauco.



SPEAKING of Papa Dong (Dingdong Dantes), isa nga siya sa mga biggest winners sa Star Awards for TV dahil bukod sa Male Celebrity of the Night ay nanalo rin siyang Shining Male Star of the Night (si Julie Anne San Jose naman sa babae).

Pero ang pinakabongga nga sa mga nakuha niya ay ang pagiging Best Game Show Host para sa Family Feud (FF).  


Sey ni Papa Dong, “Iba ang high ng ganitong recognition. Truly a valuable one.”

Sa tinagal-tagal na kasing umeere sa Pilipinas ng FF, very consistent si Papa Dong sa pagkakaroon ng recognition bilang mahusay na host nito, with all due respect sa mga nauna nang naging hosts ng show gaya nina Ogie Alcasid, Edu Manzano, Richard Gomez at Luis Manzano.  


Sa kasalukuyan ay laging nagtatala ng mataas na rating ang show sa Kapuso Network at isa nga ito sa mga pambato ng GMA-7.  


Tuluy-tuloy lang ang maganda at very smooth-sailing na takbo ng career ni Papa Dong na very soon ay may series na lalabas this year, may movie with Charo Santos at isa pang undisclosed project.  


And yet, sa gitna ng lahat ng mga ito ay ang umiikot na tsika na pinaghahandaan na rin daw nila ni Yan (Marian Rivera) ang pagkakaroon ng third child?  

Hmmm... parang not in the near future pa ito. Hahaha!

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 25, 2025



Photo: Angeline Quinto - Instagram


Kahit joke ay tila marami ang nakumbinse ni Angeline Quinto na dapat naman pala talaga ay binigyan siya ng komisyon ni Mommy Divine Geronimo.


Sa naging pagbisita ng magaling na singer sa podcast ni Inang Maria Maricel Soriano, naikuwento nga ni Angge na siya pala ang rason kung bakit nakasali si Sarah Geronimo sa Star For a Night (SFAN).


“Schoolmates kami ni Sarah at nagkasama pa kami sa choir. One time, tinanong ako ni Mommy Divine kung paanong sumali sa Star For a Night dahil napanood nga raw n’ya ako ru’n. 


“Ako naman, give ng lahat ng info at ‘yun nga, pinasali si Sarah na eventually ay nakalaban ko pa. At ‘yun nga, tinalo pa ako sa grand finals,” baklang-baklang pagkakakuwento ni Angge.


“Dapat pala, humingi ako ng komisyon,” dagdag pa ni Angge habang nagkomento si Maricel na wala raw palang Sarah kung walang Angeline.


Nakakaaliw talagang magkuwento si Angge at kahit noong 2003 pa ang pinag-uusapang tsika ay nagmumukha itong bago dahil sa kabaklaan niya. Hahahaha!

Again, joke po ‘yung paghingi niya ng komisyon, ha!


Proud na suportado ng BF ang pagrampa…

SUNSHINE, NAG-FLYING KISS KAY ATONG ANG SA FASHION SHOW


NAKAKA-INSPIRE ang pagiging super trooper ni Sunshine Cruz. Aba, meron pala itong pinagdaraanan na karamdaman sa kasalukuyan and yet, sa katatapos na Bench fashion event, isa talaga siya sa mga pinag-usapan.


“Gorgeous, sexy, fresh, and every mother’s pride” ang ilan lang sa mga magagandang description kay Shine ng netizen.


Pero may rebelasyon ngang meron pala itong autoimmune disease na nilalabanan at tinatawag na Myasthenia Gravis.


Ayon sa Google, ang Myasthenia Gravis (MG) is a chronic autoimmune disorder in which antibodies destroy the communication between nerves and muscle, resulting in weakness of the skeletal muscles. 


Myasthenia Gravis affects the voluntary muscles of the body, especially those that control the eyes, mouth, throat and limbs.


Pero sa katatapos nga lang na fashion event, hindi talaga makikita sa pagrampa nito ang sinasabing kondisyon ni Shine. Mas inspired pa nga ito dahil siya lang ang bukod-tanging artist na nakasama ang dalagang anak sa rampahan.


And yes, sobra ring pinag-uusapan ang pagbato niya ng ‘flying kiss’ sa isang tao na nagpapasaya sa kanya sa ngayon na si Papa Atong Ang, na very proud namang pinanood siya. Sa harapan ng stage nakaupo ang kilalang negosyante na siyempre pa ay very supportive kay Shine.


Here’s praying for Shine sa kanyang pinagdaraanan at sa napakagandang halimbawa na ipinakita niya sa mga kababaihan at mga nanay. 

Big cheers, Shine!



BONGGA naman ang mga nangyayari sa career ni Gabbi Garcia sa ngayon.


Kahit na nga gulat na gulat ito sa biglaang pagpasok niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition bilang latest house guest, excited siya sa mga magaganap sa loob ng bahay.


Actually, nasabihan na naman daw si Gabbi na anytime ay puwede siyang sorpresahin ni Kuya na maipasok sa loob ng bahay, ‘yun nga lang, walang definite na time o araw kung kailan.


Until in-introduce na nga siya in a very surprising moment dahil siya pa itong isa sa mga nagbibigay ng ‘clues’ habang ipinapakita ang isang tao na naka-hood na siyempre, inakala ng lahat na siyang bagong house guest.


‘Yun pala, si Robi Domingo ‘yung naka-hood at bigla nitong in-introduce si Gabbi, sabay pakita ng video na siya pala ‘yung house guest. 


Nakakaloka ang mga drama ni Kuya. Hahaha!


Well, big break kay Gabbi ang pagiging host niya bukod sa pagiging aktres. May bago siyang series na mapapanood sa GMA-7, ang SLAY. ‘Yung upcoming movie nila ni Khalil Ramos na How To Cheat Death (HTCD) ay magsisimula na ring mag-stream sa Netflix simula April 2.


Kaya kung tutuusin, naka-spread ang talent, ganda at husay ni Gabbi Garcia sa TV at iba pang platforms and that’s a success!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page