top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 2, 2025



Photo: Yassi Pressman - IG


Sinagot na ni Yassi Pressman ang mainit na pinag-uusapang retoke isyu niya.  

Wala raw siyang ipinaretoke at hindi totoo ang tsismis tungkol dito.  


Pero makukulit ang mga netizens sa pag-elaborate ng mga nabago sa mukha ng magandang aktres, partikular nga rito ang ilong na tila nag-iba ang shape. Though may mga experts naman sa pagme-make-up na nagsasabing napakadaling ma-achieve via make-up ang ganu’ng look.  


May mga nagsasabing may naiba sa mga mata ni Yassi, lalo’t before raw ay very expressive na ang mga ito. 


“Now kasi, mas naging matapang. Very Latina at nag-iba ‘yung glow,” sey pa ng netizen.  

Pati ang hugis-bigas daw na mukha ni Yassi ay naiba, plus iba pang pagbabagong idinenay na nga ng aktres dahil very natural pa rin daw ang lahat sa kanya.  


Basta ang alam ng mga taga-Camarines Sur, hindi nagbabago ang pagtatangi nito sa kanyang BF na tumatakbong governor ng probinsiya. Hindi lang pagkain at ugaling Bikol ang pinag-aaralan ni Yassi Pressman dahil kahit bulol na bulol na raw ito ay maganda pa ring nabibigkas ang mga salitang Bikol.


‘Di raw maintindihan ng Miss U… GLORIA, AYAW NG NAG-IINGLES NA KALAHOK SA BEAUTY PAGEANT


ISA talaga si Gloria Diaz sa iilang mga showbiz icons na masarap kausap, very consistent at walang filter ang mga sagot, ‘ika nga.  


Imagine, since 1969 pa nang manalo siyang Miss Universe (MU) at kahit mayroon nang mga Pinay na sumunod sa yapak niya, siya pa rin ang original beauty and brains, witty and naughty at the same time.  


Sang-ayon kami sa obserbasyon niya about our beauty pageants nowadays na “trained” o aral na aral ang lahat. Mula make-up, buhok, paglakad, pag-ikot, hanggang sa mga dramang tapilok o nadulas, at sa mga pagsagot sa mga Q&A na akala mo nga ay labanan ng mga genius. Hahaha!  


“Hindi na natural, eh. But I understand naman kasi nga dapat nag-e-evolve rin. Kaya lang, parang people tend to focus more on those things gaya ng pag-Ingles-Ingles na sagot na minsan, ako, ‘pag nag-judge ay hindi ko na maintindihan. Mas appreciated ko pa nga ‘pag Tagalog o Bisaya, dahil nandu’n ang puso,” kuwento pa ni Miss U (tawag ng lahat sa kanya).  


Naku, sa dami ng magagandang nai-share ni Ms. Glo, ang sarap-sarap niyang isulat, lalo’t aminado rin itong Marites pagdating sa tsismisan. Hahaha!  


Sa bagong movie ni Glo na Untold, siya ang gumaganap na nanay ni Jodi Sta. Maria. Matagal na panahon na nang huli silang magkasama, kaya’t mas naging espesyal sa dalawa ang horror movie na may kakaibang kuwento.  


“Nu’ng ginawa ko ang Mallari, sabi ko, tama na muna ang horror. But how can I say no to Untold with Jodi and Direk Derrick (Cabrido) na nabigyan pa ako ng award as manananggal sa Mallari?” hirit pa ni Ms. U.  


Sa April 30 na mapapanood sa mga sinehan ang Regal Entertainment movie na ito na pinagbibidahan din nina Joem Bascon, Lianne Valentin, Sarah Edwards, Kaori Oinuma at Juan Karlos.


Prangkahan na ‘to, Barbie! 

DAVID, KILIG NA KILIG SA KANILA NI KATHRYN


DAHIL inamin ng nanay ni David Licauco na dream ng Kapuso actor na makasama si Kathryn Bernardo sa isang movie, biglang nagkuwento na rin si David.  


Since bata pa pala ito ay nasubaybayan na ni David ang career ni Kath at napanood nito halos ang lahat ng mga TV and movie projects ng dalaga.  


Kumbaga, sa halos sabay nilang pag-mature ay idolo na ni David si Kath na isa rin sa mga rason pala kung bakit naengganyo itong mag-artista.  


Dahil nga sa brief encounter nila during the Body of Work fashion event, marami ang nakapuna na tila may chemistry umano ang dalawa based sa body language nila.  


Kilig na kilig daw si David sa mga naglabasang tsika tungkol dito kaya ayan, siya na itong nagma-manifest na soon ay magkaroon sila ng project ni Kath.  


Just proving na si Kathryn nga ang most sought-after leading lady sa showbiz ngayon.  

Teka lang, paano kaya magre-react ang BarDa (Barbie at David) fans dito o mismong si Barbie Forteza na balitang hulog na hulog na rin ang loob kay David Licauco?

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 31, 2025



Photo: Jhon Lloyd, Miles at Maja - Instagram


Dahil kapwa wala na sina John Lloyd Cruz at Miles Ocampo bilang mga artists ni Maja Salvador sa kanilang talent agency, sino na nga raw ba ang naiwan?


Hindi ‘yan nasagot ng mga nakausap ni Maj dahil mas nagpokus nga sila sa latest happening sa aktres na kinabibiliban dahil as of today ay never pa ngang naipapakita sa madla ang hitsura ng anak nila ni Rambo Nuñez.


“Napapatunayan talaga nilang keri nilang magkaroon ng privacy,” sey pa ng mga kausap natin.


But going back to their talent agency or artist house na kanilang itinayo after ng pandemic, existing pa rin daw ito at open pa sa mga artists na nais magpa-handle sa kanila.


May mga tsismis na nakarating sa amin hinggil sa mga rason kung bakit nagbabu na sa kanila sina Lloydie at Miles, pero keep quiet na lang muna kami.


Good friends pa rin naman daw sina Maja, Lloydie at Miles, pero...?

Ay, basta. Hahaha!



MUKHANG maraming netizens ang naniniwala na may ‘something’ nga ang mag-inang Kathryn Bernardo at Mommy Min.


Para raw kasing nauulit ‘yung mga eksenang Sarah Geronimo-Mommy Divine sa showbiz, lalo’t may pahayag na nga itong si Kath na hayaan muna siyang mamuhay mag-isa, magdesisyon sa sariling love life at mas maging independent.


Isa nga raw ‘yun sa birthday wishes ng bagong superstar at box office queen ng showbiz dahil at 29 years old, never pa raw nitong naranasan ang mag-solo, away from her family.


Dahil dito, maraming netizens ang nagsasabing tila mayroon ngang isyu ang mag-ina. Ginawan pa ng item ang pag-unfollow ni Mommy Min sa socmed (social media) account ng napapabalitang boyfriend ni Kath na si Mayor Mark Alcala.


Pati nga ‘yung pagpabor umano nito kay Alden Richards para sa anak ay naging isyu na rin. 


Pero ang pinakanakakaloka ay ‘yung isyu na hindi umano nila nakasamang mag-celebrate ng birthday si Kath this year at tila may kinalaman daw dito ang napapabalitang bagong BF nito?

Luh!



MAG-WAN-PLUS-WAN tayo sa usaping Kathryn Bernardo, Mayor Mark Alcala, Ashley Ortega, atbp..


Ngayong nasa labas na uli ng Pinoy Big Brother (PBB) si Ashley, magbigay kaya ito ng mga detalye sa naging breakup nila ng nauugnay ngayong mayor kay Kathryn?


Payuhan daw kaya nito ang kapwa aktres sa kung ano diumano ang tunay na motibo ng naturang pulitiko na lagi na lang mga celebrity ang nais na maging GF?


Matatandaang tinawag na “Marites” sa loob ng PBB si Ashley, lalo't naka-tandem nito ang sinasabing “toxic” girl na si AC Bonifacio na sobra ring “Marites” sa loob. 


Kung nagkahilahan man daw sila ng mga nega vibes para sila ang iboto ng mga tao para mag-exit na sa PBB, aba’y kasalanan na raw nilang dalawa ang nangyari.


Pero siyempre, may mga tagapagtanggol din sila, lalo na si Ashley na tipong nadamay lang daw sa kanegahan ni AC.


Si AC naman ay ipinagtatanggol din na nagpapakatotoo lang mereseng sa kanyang paglabas ay ni hindi nagpakita ng anino man lang ang napapabalitang BF nitong si Harvey Bautista, na marahil ay napapaisip kung bakit nagawa ng GF na makipaglandian kay Michael Sager sa loob ng bahay? Inferness (in fairness), ipinagtanggol din siya ni Darren Espanto, huh!


Well, sa simpleng math na nakikita natin, tila nagiging mahina ang mga girl celebrities kapag usaping BF ang isyu. And yes, may sarili silang mga kuwento tungkol sa mga ito. Hahaha!


Kaya ang payo ng netizen kay Kathryn, “Dobleng ingat. Beware and be wary.”

Aguy!

 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 28, 2025



Photo: Rita Daniela at Archie Alemania - Instagram


Ngayong umakyat na sa husgado at opisyal nang nasampahan ni Rita Daniela ng kasong Acts of Lasciviousness si Archie Alemania sa isang sala sa Bacoor City, asahan daw po natin ang mahaba-haba pang laban dito.


Although nagtagumpay nga raw po sa unang level na masasabi si Rita, may mga nakahanda naman daw na depensa si Archie para patunayan ang ‘claim’ nito na kumukuwestiyon sa pahayag ni Rita.


May buwelta naman ang panig ni Rita na anytime daw ay ready din itong iharap at ipakita ang naitatago pa nitong “alas” to prove na may naganap ngang hindi kinunsinte na akto ng kalaswaan.


Kapwa wala pang pahayag ang bawat panig sa latest development na ito sa isyu.NGAYONG umakyat na sa husgado at opisyal nang nasampahan ni Rita Daniela ng kasong Acts of Lasciviousness si Archie Alemania sa isang sala sa Bacoor City, asahan daw po natin ang mahaba-haba pang laban dito.


Although nagtagumpay nga raw po sa unang level na masasabi si Rita, may mga nakahanda naman daw na depensa si Archie para patunayan ang ‘claim’ nito na kumukuwestiyon sa pahayag ni Rita.


May buwelta naman ang panig ni Rita na anytime daw ay ready din itong iharap at ipakita ang naitatago pa nitong “alas” to prove na may naganap ngang hindi kinunsinte na akto ng kalaswaan.


Kapwa wala pang pahayag ang bawat panig sa latest development na ito sa isyu.


‘Di raw makatulong dahil sa mga nago-gong…

REY VALERA, NA-STRESS SA TNT, 2 BESES NAOPERAHAN


NAPANOOD namin ang episode sa vlog ni Bernadette Sembrano na guest niya si Rey Valera.


Bukod sa latest na mga ganap sa dating punong hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime (IS), nakakagulat ang tsika nito kung bakit siya nawala sa naturang show.


Ayon sa music icon, dalawang beses pala siyang nagpaopera sa kanyang digestive system nang dahil sa sobrang pressure at stress na naidudulot sa kanya each time na may nago-gong siya.


Dahil parte nga ng trabaho niya bilang punong hurado ang mag-gong ng kalahok na sa panlasa nila ay hindi nami-meet ‘yung requirement sa pagkanta, madalas daw siyang naoospital dahil sa stress at pagkakasakit.


“Dinadala ko ‘yun. Hindi ako makatulog ‘pag nangyayari ‘yun. Hindi lang nakikita ng madla pero matindi ang epekto sa akin ng pangyayari,” pahayag pa nito. 


Ibinigay nga niyang halimbawa ang isang music teacher na kanyang na-gong at nagsabi sa kanya na nawalan ito ng hanapbuhay dahil sino pa ba naman daw ang magpapaturo rito ng pagkanta kung sa ganu’ng kontes ay na-gong ito?


So, malinaw na hindi isyu sa pulitika ang dahilan kung bakit hindi na siya ang punong hurado sa Tawag ng Tanghalan (TNT) at ngayon nga’y nasa Sing Galing (SG) na siya sa TV5.


“Mas relaxing, hindi masyadong toxic ang duty at sakto lang ang husgahan,” sey pa ni Sir Rey.


Kasama rin niya sa SG ang iba pang galing sa TNT na hurado na sina K Brosas at Randy Santiago.



SPEAKING of Tawag ng Tanghalan (TNT), na-disquality sa ongoing na Grand Resbak ang contender na si Marco ng Pangkat ALON dahil may nilabag umano itong mga items sa pinirmahan nitong kontrata.


Mayroon pang sinasabi na posible rin itong makasuhan dahil sa umano'y naging paglalabas nito ng kanyang opinyon sa socmed (social media) na tila may malisya o may pag-aakusa umano sa show.


Hindi pa malinaw ang mga detalyeng aming nakalap pero nitong Thursday edition ay inianunsiyo na rin ang ipinalit sa kanya na si resbaker Arvery mula sa na-eliminate na Pangkat Amihan.


Grabe ang puksaan ng mga boses at husay sa pag-perform sa naturang grand resbak 2025 sa TNT na nagbibigay nga rin ng matinding stress at pressure sa mga manonood gaya namin. Hahahaha!



NAGSIMULA na ang pormal at opisyal na pangangampanya ng mga local candidates para sa May 2025 elections.


Ngayong Biyernes nga po ay halos fiesta na sa buong bansa dahil ang bawat local candidates ay pormal, legal at opisyal nang makakasuyod sa bawat bahay at okasyon sa lugar nila.


Asahan na po natin ang halos kaliwa’t kanan na mga bangayan, kamayan at plastikan para makahikayat ng botante ang bawat kandidato.


Pero ang lahat ng ‘yan ay mababago lamang tungo sa nais at hangad nating pagbabago at tagumpay kung tayo mismo ang magpapasimuno ng gusto nating baguhing mga sistema sa pulitika.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page