BULGAR

Dec 5, 2021

Water sports activities sa Boracay, eksklusibo lamang sa mga fully vaccinated

ni Jasmin Joy Evangelista | December 5, 2021

Para lamang sa mga fully vaccinated tourists ang mga water sports activities sa Boracay, ayon sa LGU.

Base sa Executive Order No. 028-A na nilagdaan ni Aklan Governor Florencio Miraflores, hindi pinapayagan ang mga hindi bakunando na ma-enjoy ang iba't-ibang uri ng water sports activities.

Kabilang din sa bagong E.O. ang pagpapatupad ng curfew sa Boracay mula 1:00 a.m. hanggang 4:00 a.m. ng madaling araw.

Umaasa ang provincial government ng Aklan na magiging patuloy na COVID-19 free ang Boracay dahil sa mga paghihigpit sa health protocols at restrictions na pinatutupad sa buong isla ng Boracay.

    0