BULGAR

Sep 24, 2020

Wanted sa Cagayan de Oro City, huli sa Nueva Ecija

@Balitang Probinsiya | September 24, 2020

NUEVA ECIJA—Isang most wanted criminal ng Cagayan de Oro City ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Quirino, Talugtug.

Ang suspek ay nakilalang si Rodel Buquiz, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.

Nabatid na inaresto ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Chlidren sa Cagayan de Oro City.

Napag-alamang habang nagpapatrulya ay nakita ng pulisya si Buquiz kaya agad itong dinakip ng mga awtoridad.

Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga tauhan ng pulisya sa nasabing barangay..

    0