BULGAR

Mar 4, 2021

Wanted na killer, todas sa shootout

@Balitang Probinsiya | March 5, 2021

BATANGAS—Dedbol ang most wanted na killer nang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Matabunglay, Lian.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Cirilo Montes, pansamantalang nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, darakpin sana ng mga operatiba si Montes sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kaso nitong murder, pero nanlaban at pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.

Nabatid na mabilis na nakaganti ng putok ang mga awtordad dahilan kaya napatay ang suspek.

Nakarekober ang pulisya ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

    0