BULGAR

Apr 3

Wanted na estapador, arestado

@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 3, 2024

CAVITE -- Isang wanted na estapador ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Salinas, Bacoor City sa lalawigang ito.

Ang suspek ay kinilala muna ng pulisya sa alyas na “Dennis”, 50, at residente ng Imus City sa naturang lalawigan.

Nabatid na dinakip ng mga otoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong estafa sa lalawigan.

Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ni “Dennis” kaya agad rumesponde ang mga ito at dinakip ang suspek.

Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya. 

    0