BULGAR

Apr 22

Wanted na empleyado, nasakote

News @Balitang Probinsiya | April 22, 2024

General Santos City — Isang wanted na empleyado ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Fil-Am Avenue, Brgy. Fatima sa lungsod na ito.

Ang suspek ay nakilalang si Glem Arances, 32, at nakatira sa nabanggit na barangay. 

Ayon sa ulat, dinakip ng mga otoridad ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong sexual abuse sa lalawigan.

Nabatid na nakita ng mga operatiba ang suspek sa nasabing lugar kaya agad itong inaresto.

Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

    0