BULGAR

Sep 29, 2020

Walang Christmas party sa QC — Mayor Belmonte

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 29, 2020

Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanselasyon ng Christmas party sa mga opisina ng QC Hall ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang pondo para sa naturang selebrasyon ay gagamitin na lamang umano sa relief operations sa mga lugar na labis na naapektuhan ng pandemya.

Aniya, "The money that would have been spent on office Christmas parties would do more good as donations to the underprivileged during this extraordinarily difficult time in our nation’s history.”

Dagdag pa ni Belmonte, hindi bagay na magsagawa pa ng mga Christmas parties habang naghihirap ang marami dahil sa COVID-19.

Hinikayat naman ni Belmonte ang mga empleyado ng Quezon City Hall na magdiwang na lamang sa kani-kanyang tahanan.

    0