BULGAR

Feb 25, 2021

Tricycle driver, todas sa kuryente

@Balitang Probinsiya | February 25, 2021

CAMARINES NORTE—Isang tricycle driver ang namatay nang makuryente kamakalawa sa Bgy. 3, Mercedes.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Randy Reyes, residente ng naturang barangay.

Ayon sa ulat, nagtungo si Reyes, kasama pa ang ibang tricycle driver sa ilog para manghuli ng isda sa pamamagitan ng electric fishing.

Nabatid na isinaksak ni Reyes sa live outlet sa kubo ang dala niyang panguryente sa isda, pero nang nasa ilog na ito ay nakuryente ang biktima.

Napag-alamang sa lakas ng boltahe ng kuryenteng tumama sa biktima ay nagtamo ito ng 3rd degree burns sa katawan.

Dinala ng kanyang mga kasamahang tricycle driver si Reyes sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

    0