BULGAR

May 17, 2022

Tricycle driver huli sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | May 17, 2022

BATANGAS – Isang tricycle driver na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Balagtas, Batangas City sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Christopher Abulencia, nasa hustong gulang at residente ng San Pedro, Laguna.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang suspek.

Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 100 gramo ng shabu, markadong pera at drug paraphernalia sa pag-iingat ng suspek.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

    0