BULGAR

Aug 18, 2022

Tricycle driver, binoga sa ulo

@Balitang Probinsiya | August 18, 2022

QUEZON—Isang tricycle driver ang namatay nang barilin sa ulo ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Talao-Talao, Lucena City.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Michael Abonito, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, pababa sa kanyang tricycle si Abonito nang lapitan ito ng suspek at agad binaril sa ulo ang biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos tiyaking patay na ang biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.

    0