BULGAR

Apr 24

Tesla, maglalabas ng mga murang sasakyan

Updated: Apr 25

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 24, 2024

Magpapakilala ang Tesla ng mga bagong modelo at mas mababang halaga ng sasakyan sa taong 2025.

Magugunitang muling tumaas ang stocks ng Tesla sa after-hours trading matapos ang mga buwang pagbagsak kung saan hinarap ng kumpanya ang matinding kompetisyon at pagbaba ng benta.

Ang naganap na pagtaas sa stocks ay dumating kahit na inilabas ng Tesla ang mga resulta ng unang quarter na hindi nila naabot ang inaasahang resulta ng Wall Street.

Tumanggi naman ang Chief Executive na si Elon Musk na magbigay ng mga detalye tungkol sa mga bagong sasakyang kanilang ilalabas ngunit sinabi niyang kasama dito ang mga mas abot-kayang modelo na magsisimulang ilabas sa susunod na taon.

    0