BULGAR

Feb 13, 2023

Talo sa sabong, kapwa sabungero niratrat

ni BRT | February 13, 2023


 
Patay ang isang sabungero matapos itong barilin ng kapwa sabungero sa loob ng isang sabungan sa Bgy. Ala-uli, Pilar, Bataan, kamakalawa ng hapon.
 

Kinilala ni Bataan Police Provincial Director Police Col. Rommell Velasco ang biktima na si Nards Morales, 52, ng Balanga City.
 

Ang suspek naman ay nakilalang si Russel Antonio na tumakas matapos nitong pagbabarilin ang biktima sa hagdanang bahagi ng Pilar Cockpit Arena habang nasa kainitan ng sultada.
 

Base sa inisyal na ulat, napikon ang natatalong suspek dahil sa umano’y kakulitan ng biktimang si Morales na naging dahilan ng pagbaril nito sa biktima.
 
Patuloy ang pagtugis sa suspek at imbestigasyon sa insidente.

    0