BULGAR

Mar 4

Show nina Isko at Paolo, babu na… IT’S SHOWTIME, ITATAPAT NG GMA-7 SA EAT BULAGA NG TVJ

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | March 4, 2024

Waley nang kalaban ang Eat… Bulaga! ng TVJ dahil babu na ang Tahanang Pinakamasaya ng TAPE, Inc. sa GMA-7.

Kaya in the end ay ang dating Eat… Bulaga! show pa rin ang nagwagi, at puwede nang kantahin nina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon ang awiting may lyrics that goes… "Ako ang nagwagi..." boom, ‘yun na!

Ang latest news nga, last episode na ng Tahanang Pinakamasaya nu’ng Sabado matapos sabay-sabay na mag-bow ng mga hosts nito na pinangunahan nina Paolo Contis at Isko Moreno.

Sa credit scene ay napanood sina Paolo at Isko na nagpasalamat sa mga Kapusong napasaya nila at ng Eat… Bulaga! ng TVJ nu’ng nasa GMA Network pa ito.

Pagkatapos nito ay kaagad na napansin ng mga netizens na deactivated na ang Facebook account ng TAPE, Inc., ang producer ng programa.

Ayon sa legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, maglalabas ng joint statement ang GMA-7 at TAPE ngayong Lunes, March 4.

But what’s this we heard na sa pagtatapos ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7 ay ang It’s Showtime na ang ipapalit upang makatapat ng EB! ng TVJ?!

Oh, so nabawasan lang pala ang kalaban ng Eat… Bulaga! pero nandiyan pa rin ang It’s Showtime.

    0