BULGAR

Aug 2, 2023

Senyales na susuwertehin sa negosyo at liligaya ang buhay

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 2, 2023

Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Diana ng Camarines Sur.

Dear Maestra,

Magandang buhay! Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan d’yan sa Bulgar.

Napanaginipan ko na naglalakad ako sa isang masukal na daan, ang daming dawag, at baku-bako ang daan, mabuti na lang ay nalampasan ko ang pangit na daan hanggang sa naging maganda na ang kalsada, malinis at patag na.

May natanaw akong park, huminto ako ro'n at may nagpakilala sa akin na gwapong lalaki, niyaya niya akong ikutin ang park.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Diana

Sa iyo, Diana,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalakad ka sa masukal na daan, baku-bako, at ang daming dawag, ay disaster sa mga plano mo sa iyong buhay. Mabibigo ka sa iyong mga gagawin. Maraming magiging hadlang at mahihirapan kang abutin ang iyong tagumpay. Subalit, huwag kang malungkot, dahil ang sabi mo ay nalagpasan mo ang pangit na daan, naging maganda, malinis at hindi na baku-bako, ito ay nangangahulugang pagkatapos ng mga pagsubok sa buhay, makakamit mo rin ang tagumpay. Susuwertehin ka sa negosyo, yayaman, at liligaya ka na rin.

Samantala ang may natanaw kang park, huminto ka ro’n, may nagpakilala sa iyong gwapong lalaki, at sabay kayong naglakad paikot sa park, ay senyales ng mabilisang pag-aasawa. Ikakasal ka na agad kahit ‘di ka pa gaanong handa.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

    0