BULGAR

Aug 1, 2023

Senyales na magtatagumpay sa negosyo

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 1, 2023

Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ben ng Navotas.

Dear Maestra,

Napanaginipan ko na nagpunta ako sa aming bukid, napansin ko na namumunga na 'yung itinanim naming palay.

Dumarami na ang mga butil nito, at may mga damo na ring tumutubo sa paligid.

Binunot ko ito isa-isa hanggang sa naubos.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Ben

Sa iyo, Ben,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa bukid n’yo, napansin mong namumunga na ang tanim n’yong palay at dumarami na ang butil nito, ay kasaganaan at kaunlaran. Sasagana na ang iyong buhay, uunlad na ang negosyo n'yo at yayaman ka na rin.

Samantala, ang binunot mo isa-isa ang damo sa paligid hanggang sa naubos, ito ay nangangahulugang magtatagumpay ka sa kasalukuyan mong negosyo.

Kung mas mahabang damo ang iyong binunot, senyales ito na mas kikita ang iyong negosyo at magkakaroon pa ng mga branches sa iba't ibang lugar.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

    0